27. | Junkyu's

872 48 25
                                    

Nandito ako ngayon sa cafeteria lumingon naman ako kung saan nakapwesto si Kryzha ayun palihim siyang tumitingin sa amin. Nasa kabilang table kasi siya...kasi nga hindi naman siya kasama ginagawa yung mission kumbaga tulad ng chinat ko sa kanya nun parang bantay lang siya sa amin edi nag mumukha na siyang security guard dito joke lang. Sila Jihoon naman ayun parang normal lang...kilig na kilig pa nga yung mga babae. 

Kung pag uusapan naman natin yung ka-date ko? Okay naman, masayang kausap pero habang tumatagal parang marami na siya masyado tinatanong tungkol sa akin. 

"Uhm, CR muna ako" pagpapaalam ko sa kanya pumayag naman agad siya pumunta naman ako sa may rooftop, ayos nga eh buti nalang may rooftop dito. You know...It's one of the best place to get fresh air. Nakaramdam na ako ng konting hilo, Pakiramdam ko yung ulo ko...nag spinning dahil siguro hindi pa talaga ako magaling, kaya ko naisipan pumunta dito kung baka sakali makatulong itong fresh air.

Ngumiti ako as I took a deep breath of the fresh air before exhaling. Habang pinagmamasdan ko yung mga ulap...

"Ganda no??" Lumingon naman ako para malaman ko kung sino yung nagsalita at si Kryzha lang pala yun, ngumiti naman siya sa akin--teka ngumiti!? hindi ako makapaniwala... "Oo" Sabi ko pero yung ngiti niya kanina bigla nalang nawala yun at nilapitan niya pa ako. 

"Parang...namumutla ka...ayos ka lang ba?" Tumango lang ako sa kaya. Ayoko talaga ipahalata na medyo nahihilo na ako "Ano...masakit lang ulo ko, I'II be fine" Sabi ko at ngumiti lang ako sa kanya, at dali dali naman ako lumabas ng rooftop at nararamdaman ko na sinusundan niya ako, na nasa likod ko lang siya. Habang naglalakad ako, mas nararamdaman ko na yung hilo ko kaya naman tumigil ako sa paglalakad malapit sa may hagdan. 

Lumingon naman ako sa likod ko at andyan parin siya pumunta naman siya sa tabi ko at hinawakan niya yung noo ko. "Tama nga ako hindi ka pa nga magaling. I knew it! Kaya ayoko makipagdate ka eh." Humakbang naman siya ng patagilid nang hawakan niya yung braso ko. Bigla naman ako kinabahan kasi mahuhulog na siya sa hagdan pero nakahawak siya sa braso ko... kaya naman parehas kami nahulog sa hagdanan. 

Gumulong kami paibaba ng hagdanan and I felt hitting every inch of my body. Nung nararamdaman ko na nasa sahig na kami. 

I didn't expect what happened...

We accidentally kissed..hindi ko alam pero hindi kami gumagalaw nakatingin lang kami sa isa't isa as our lips we're pressed against each other's not moving. My heart is really beating sooo fast. Parang ano...gusto ko pa siyang halikan--what!? mabilis naman ako napaupo, Alam kong magiging awkward pagkatapos ng nangyari. 

"I-It w-was a-an a-accident. U-Uhm s-sorry" Hindi na ako makapagsalita ng ayos at mabilis naman ako tumayo at iniwanan siya doon.

Natapos na yung date at kamusta? Ayun hindi na ako makafocus pagbalik ko ni muntikan na nga magalit yung ka-date ko sa akin dahil sa kalutangan ko. Paano ba naman kasi nahihilo parin ako tapos hindi pa mawala sa isip ko yung nangyari...

Sila Jihoon naman bumalik sila sa school kasi kukunin raw niya yung report card, buti nalang at nakuha ko na yung sa akin at mabuti narin na matataas rin yung mga grades ko.

Kasalukuyan naman naglalakad na ako pauwi kasama si Kryzha...okay ang awkward na naman.

Tumigil kami sa paglalakad nung naramdaman ko na uulan na kaya naman agad ko siya hinila papunta sa waiting shed. Ang bigat ng pakiramdam ko tapos nahihilo na naman ako tapos giniginaw narin ako... Kailanhan ko talaga mapanggap na okay lang ako pero hindi ko na talaga kaya...

"K-Kryzha..." Tawag ko sa kanya, at tinignan naman niya ako nakita ko na nanlaki mga mata niya

"Kyu?! Junkyu..."

The last words I heard from Kryzha and everything's went black.

a/n; skl cute kasi ng bby ko

a/n; skl cute kasi ng bby ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Operation Love | Kim JunkyuWhere stories live. Discover now