Epilogue

1.1K 17 7
                                    

100 Years Later

ELLORAH YASMIN

Na-nasaan ako? Hindi ba dapat patay na kami dahil sa pagsabog? Anong nangyari? Puro itim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan ako.

Nasaan na sila Yumi? Si Derquo? Natatakot na ako. Ayoko na nag-iisa ako. Kinapa ko ang buong paligid dahil pakiramdam ko nakalutang ako sa kawalan. Sinubukan kong bumaba at doon ay natapakan ko ang malamig na bagay.

Tinignan ko siya at nakita ang puting maliliit na alon. Isa palang tubig ang natapakan ko. Nakaramdam ako ng takot ng biglang may nagsitaas na patak ng tubig. Hanggang sa nagsama-sama ito at nabuo ang isang malaking bilog ng tubig.

Agad akong napaluha ng biglang nagkaroon ito ng imahe. Ang imahe ni Yumi sa digmaan. "Rhys Tryzle maaari kang humiling kung mapapatay mo ang Diyosa ng Kasamaan. Ngunit kung hihilingin mong mabuhay kayo kung mamatay kayong lahat ngayon, kailangan mong mamili ng kung sino lang ang makaka-alala ng kanilang nakaraan mula noong una nilang buhay hanggang sa pangalawa," saad ng isang tinig na nasa isip ni Ackieh habang nakikipaglaban siya kay Devilliana.

"Hinhiling ko na sana ay mabuhay kaming lahat. Ang mga may dugong bughaw ay maalala ang kanilang nakaraan mula unang buhay hanggang pangalawa. Samantalang anh mga hindi makaka-alala ay maging maayos sans ang buhau sa mundi ng mga mortal kung saan sactaldang panahon, ay babalik sila sa Aming kaharian," napa-iyak na lang ako dahil doon.

Hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa saya. Magkakasama kaming muli gaya ng dati. Sa isang iglap may isang puting liwanag ang biglang bumukas kung nasaan ako. Napangiti na lang ako ng makita kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon. Ang kaharian ng Luna. Tumakbo ako papunta sa liwanag at doon ay dinala ako ng liwanag sa aking tahanan.

Sabay-sabay ang pagbukas ng liwanag na portal at sabay-sabay na niluwa noon sila Ren, Ran, Resvar, Warco, Yumi, at Derquo. Mas napa-iyak ako dahil sa nakikita ko.

"Xiyah!' Ngiting sabi ni Yumi. "Yumi!" Sabay kaming napayakap ni Warco Dylan kay Yumi. Miss na miss ko na siya. Ang tagal na ng huli ko siyang nayakap ng ganito. "Xiyah! Sa tingin ko ay kailangan na nating ayusin ang buong kaharian. Masyadong magulo," saad ni Ren. Tiningnan ko naman ang paligid. Tama nga, gulo-gulo pa ang buong kaharian. Ang portal lang na tinirahan namin dati ang ayos dito. Doon kasi nakalagay ang mga mahahalagang gamit ng kaharian.

"Yumi, magtulong-tulong na lang tayo para mabalik ang dating ayos nito ar isama na rin natin ang Senuv. Sa tingin ko rin ay naroon ang katawan ng magulang ni Earthos," saad ni Yumi.

"Alright, we can now start everything," ngiting sabi ni Derquo. Ngumiti naman ako sa kanya. Hinila ako ni Warco Dylan papunta sa dating kinalalagyan ng bayan. Isa-isa naming tinayo ang mga bahay, mga strakturang nasira, mga halamang crystal na tumutubo dito at iba pa. Nagpaligsahan kami ng aking Warco sa pag-aayos.

Halos hindi na namin namalayan kung ilang oras na ang nakalipas dahil masaya kami sa ginagawa namin. "Mga Xiyah! Umuwi na kayo dito, may pag-uusapan tayo," utos sa amin ni Yumi mula sa isip.

Agad na naming tinapos ang pagsasagawa ng bayan saka kami bumalik.

ACKIEH JADE LARIOZA / RHYS TRYZLE

Limang oras lang ang inabot namin para lang malinis at maisaayos ng buo ang buong kaharian. Gumamit kami ng mga Chant para mas maging mabilis ang trabaho. Nakakalungkot man na wala dito sila Sera pero alam ko, darating ang panahon na makakabalik sila sa totoo nilang tahanan.

Hawak pa rin nila ang mahiwagang bato at alam kong gagabayan sila ng Diyosa ng kani-kanilang bato. Sa ngayon, mananatili muna kami dito para mas mapalakas pa ang buong kaharian.

Ilang sandali pa ay dumating ang dalawa kong anak ng may ngiti sa labi. Sigurado ako na nagpaligsahan na naman sila sa paggawa ng bayan. "Ano po yung pag-uusapan natin Yumi?" Tanong ng anak kong si Dylan.

"Mamaya ay tatawagin natin ang lahat ng mga tao ng ating kaharian. Alam kong halos isang daang taon na silang naninirahan at nagtatago sa mundo ng mga tao. Panahon na para bumalik sila dito lalo na't hindi pareho ang oras ng pagtanda nila dito at doon," paliwanag ko.

"Ellorah, Dylan, habang inaantay natin ang tamang oras ng ritwal ng pagtawag, gusto kong ayusin niyo ang kaharian ng Senuv ar hanapin niyo ang katawan ng inyong Ran at Ren saka niyo sila dalhin dito," utos ko. Sumaludo pa ang dalawa kasabay ng kanilang pagkawala sa paningin ko.

Pumunta ako sa paborito kong pwesto sa kaharian. Nangalumbaba ako sa railing at pinanood ang unti-unting pag-ikot ng mundo. Habang pinapanood ko ang mga ito ay yumakap sa akung bewang ang mahal kong asawa na si Light Jarvis Voltron o mas kilala dito bilang Ezekiel Zaimon.

"Kamusta na kaya sila?" Tanong ko sa kaniya. "Panugurado ang iba sa kanila ay malaki na pero ang mga kaibigan mo at kaibigan ko, sigurado ipapanganak pa lang sila o kapapanganak pa lang sa kanila," saad niya. Sana maging maayos ang kalagayan nila at maging magkakaibigan silang muli katulad ng pangalawa naming buhay," sagot ko sa sinabi ni Earthos.

"Payapa na ang mundo, dahil na rin ang mundo lalo na't patay na ang Diyosa ng kasamaan," saad ni Earthos.

"Nga pala, kung namatay tayo 100 taon na ang nakalipas, anong nangyari kay Omega? Ano ring nangyari sa HQ ng Rectas?" Takang tanong ko. Nanlaki ang mga mata namin kaya agad kaming lumabas sa gate at nag-teleport. Ang buong lugar ay ayos pa rin. Ang problema ay wala ng katao-tao.

"Kayo pala, Mahal na Fermos," lumingon kami ni Earthos at nakita si Omega na may hawak na de latang pagkain. "Pa-paano ka nakaalis ng dungeun?" Takang tanong ko. Ngumiti naman si Omega ng matamis at walang bahid ng kasamaan.

"Biglang bumukas ang pinto ng kulungan ko ilang oras pagkatapos mo akong ikulong. Pasensya na kung ginamit ko ang mga gamit sa Malaking gusaling iyon para makakain," tinuro niya ang malaking mall ng Rectas.

"Mahal na Fermos, gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa ko noon. Masyado akong nabulag ng inggit at 'di na alam ang ang mga ginagawa ko. Ito na siguro ang parusa ko, ang maging mag-isa sa habang panahon," tiningnan ko si Earthos tapos tinanguan niya lang ako.

May kakayahang makakita ng kasinungalingsn at katotohanan si Earthos at ang tango niya ay ibig sabihin ay nagsasabi siya ng totoo.

"Well, welcome to our family," ngiting sabi ko saka niyakap si Omega.

Hindi ako Diyos para hindi magpatawad. Kahit pa malaki ang kasalanan niya, kung nagsisisi ang isang tao, dapat mong hanapin ang kabutihan sa sarili mo para mapatawad sila.

Kung pagmamahal lang ang paiiralim sa mundo, malamang pantay-pantay ang lahat at mapayapa ang lahat ng bagay sa mundo.

Ako si Ackieh Jade  Larioza, ay nangangakong pagbubutihin ang aking gagawin para sa lahat.

THE END.

--*--

Tapos na rin haha. Next ay ang farewell ako at ni Violet Ybrehl pati na ang mga pasasalamatan niya.

- Sage

Clandestine Of The Stone [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon