24: Comeback

952 40 10
                                    

YBREHL DIAMOND FERDON

Nakatutok ulit ako sa laptop ko surfing my social media. Grabe ha! Ang dami talagang sumusuport samin as Madness puro get well soon, hope you come back soon, sana maging maayos kayo and such. Malakas nga talaga ang impact namin sa kanila.

Ilang sandali pa ay naisipan kong bisitahin ang Gangster site para malaman kung ano ang kalagayan doon. Puro mga schedules transactions, paghahamon at minor events lang ang nandoon hanggang sa dumako ako sa isang post doon ng leader ng Gamma Death Gang, ang rank 2 sa Gangster world. Syempre kami ang una.

Death Ferior

GEMS when will you come back? Gangsters are in chaos. Everybody is aiming your position. And many of gangsters here are violating your rules.

Intended only to the vision of GEMS member.

So isa itong private post? Nagkakagulo na pala doon. Alam kong alam din ni Ackieh ito. She can hear my thought.

"So they did not handle what mission i gave them? Poor them," malamig na sabi ni Ackieh.

Ngumisi ito na parang may hindi maganda na naman siyang gagawin. Tinutok ko na lang ang tingin ko sa laptop ko.

Maya-maya ay pumasok sila Amriel at Rea sa Kwarto namin dito sa hospital. As usual, naka-poker face na naman ang dalawa.

"Madidischarge na kayo ngayon. Meron kaagad kayong magiging misyon dahil nasagap ni Rea na gumagalaw na ang dark knight. Kailangan niyong pigilan ang makakalaban niyo. Hindi pa namin matukoy ang pinaka-eksaktong araw pero kailangan nating maging alerto," sabi ni Amriel.

"Mag-handa na kayo dahil marami ring tao na nasa labas. Ayusing niyo yang acting niyo," ngising sabi ni Rea.

So yun na nga nag-ayos na kami. Ako sinisilid ko ang lahat ng babies ko ng may pagiingat sa bag. Sinigurado kong hindi sila maiinitan, masisikipan o kaya naman ay masira.

Ano kaya kung bigyan ko sila ng pangalan para mabilis kong ma-identify kung ano ang gagamitin ko. Ahh tama! Bibigyan ko sila ng pangalan hihihihi!

Agad namang inilagay ni Amriel at Rea sa magical pouch ang mga gamit namin saka ito isinilid sa bag niya. 'Di bale parang dimensional space naman ang magcal pouch eh kaya hindi masisira ang mga babies ko.

Lumabas na kami gamit ang kanya-kanyang wheelchair. Gumawa rin ng clone sila Rea para mas kapani-paniwala ang nangyari sa amin. Ewan ko ba kung anong iniisip ni HM Vicky at ito ang pinagawa sa'ming role para makabalik kami ng walang magdududa.

Sigurado ako hihingian kami ng statement ng pulis nito kapag ok na 'daw' kami.

Paglabas na paglabas pa lang namin ay nagsigawan na ang lahat ng tao. Gusto king ngumanga kaso baka makahalata sila. Pinanatili ko lang ang blankong ekspresyon para nalaman nila na may trauma 'daw' kami. Ayos diba?

Ang sarap makipagselfies sa kanila gamit ang isa sa mga babies ko. Kaso bawal sayang.

I mentally smirk when i remember something.

Clandestine Of The Stone [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon