'That should be me holding his hand' My head whispered.

Hanggang ngayon, hindi parin tanggap ng puso at isip ko na wala na kami. Feeling ko isa lang itong masamang panaginip. Pero kung panaginip lang 'to, bakit ang tagal ko namang magising?

"Poor Rein" Jett grinned.

Nang matapos ang morning classes namin ay nagyaya si Jett sa canteen kasama si Min. Nilibre nya kaming dalawa ng heavy lunch, dahil namamayat na raw kaming dalawa ni Min.

"Excuse lang guys, I'm going to pee" saad ko sa kanilang dalawa.

"Samahan na kita Ru?"tanong ni Min pero umiling ako.

"No need. Saglit lang ako"sabi ko.

Lumabas na ako ng canteen at pumunta sa c.r pero hindi ko aasahan na nandoon si Rein sa labas ng girl's cr at nakasandal sa pader. Kumabog ng husto ang puso ko, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi.

Tinitigan ko muna sya. Mula dito sa kinatatayuan ko, iniisip ko na sana pwede ko parin syang mayakap at mahalikan. Dahil sa naisip ko, nagsisimula na namang mangilid ang luha ko.

Humakbang na ako papalapit nang lumabas si Tania mula sa girls room. Napatigil agad ako.

"Sorry for making you wait! Hehe" sabi ni Tania habang nakangiti.

Tipid lang na ngumiti si Rein at nakapamulsang umayos ng tayo.

"Hi Ruan!"

"Ay tipaklong!-Aray!"

Nagulat ako ng may sumulpot sa likod ko, napatid tuloy ako sa isang matigas na bagay sa paanan ko at natumba sa sahig.

Napangiwi ako sa sakit dahil bumagsak lang naman ang pwet ko!

"Ay! Sorry!"

Napaangat ang tingin ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Kyle sa harap ko.

"Kyle?!"

Anong ginagawa nya dito?

"Ang gwapo mong childhood friend, wala ng iba pa" sabi nya at ngumisi.

"Kailangan mo ba talaga kong gulatin ha?!" inis na sabi ko.

"Haha! Sorry for that, itatayo na nga kita-"

Kukunin na sana ni Kyle ang kamay ko ng may humawak sakin at itinayo ako. Nagulat ako ng makita si Rein sa tabi ko.

"R..Rein"

Nakatingin lang sya sakin at nakasimangot. Napatingin sya sa echo bag na nadali ko kanina at kinuha yun.

"Sorry my fault" saad nya.

Sa kanya pala yung bag na yun, sabagay basa kasi yung floor sa harap ng cr kaya dito nya siguro nilagay. Pero nagpapasalamat ako sa bag na yun, dahil naging malapit ulit ako kay Rein ngayon dahil sa pagpatid ko dun.

"Rein! Let's go!" Kumapit agad si Tania sa braso ni Rein at medyo sinamaan ako ng tingin.

Napakunot naman ang noo ni Kyle at nagtaka sa eksena. Oo nga pala, hindi nya pa alam.

"Uhm.. m..mag c-cr na ako Kyle-Aray!" Muntik na akong matumba ng maramdam ko ang sakit sa tuhod ko.

Mabuti nalang at nasalo ako ni Kyle. Napahawak ako sa mga bisig nya at tumayo.

"Sh*t! Your knee is bleeding!"saad ni Kyle.

Napatingin ako sa tuhod ko, may gasgas pala ako at ngayon ko lang naramdaman ang sakit.

"I'll bring you to the clinic-"

"Ako na" nagulat ako ng hilahin ako ni Rein mula kay Kyle. Nasubsob pa ako sa dibdib nya sa sobrang lakas ng pagkakahila nya sakin.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now