Mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng Business Administration building. Patuloy na tumutulo ang aking pawis at rinig na rinig ang aking bawat paghinga sa hingal.
Hindi ako maaaring huminto! Makikita na rin kita sa wakas.
Sa kabila nito, malaking ngiti ang namamalagi sa aking mukha. Mukha siguro ako ngayong ewan, hayaan mo na minsan lang nila makita akong ganito kaya sulitin na nila.
'Uy, si Ms. Perry oh!'
'Ang ganda talaga niya.'
Kitams? Ang lagkit ko na nga pero maganda pa rin.
"HOO!" Hiyaw ko nang sa wakas huminto na ako dahil limang hakbang na lang makikita ko na siya.
Isa. Hindi ko malaman kung ano ba ang kadahilanan ng mabilis at malakas na tibok ng aking puso.
Dalawa. Malamang, sa pagod siguro ito. Ngunit, pagod nga ba?
Tatlo. Akalain niyo 'yun? Ang bagal ng oras sa bawat hakbang ko? Ano bang nangyayari sa akin?
APAT. Ang dami kong sinasabi pero iisa lang naman ang tumatakbo sa utak ko.
Lima...
I'll get to see you, person behind the letters.
---------------------
Lahat ng inyong mababasa sa loob ng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang. Likha ng imahinasiyon ng manunulat mula umpisa hanggang sa kahuli-hulihang kabanata. Mga pangalan, lugar, pangyayari, at iba pang nakapaloob na maaaring maihantulad sa reyalidad o ibang kwento ay HINDI sinasadya.
Hello! Hope you enjoy reading it!
BINABASA MO ANG
Behind the Letters
Teen FictionShe's curious and intrigued. She has to find the truth. Behind those letters, she wants to seek. It's too late when everything turns black and white.
