TME 7

82 0 0
                                    

Terrence POV

Isang linggo na simula nung naging alipin ako ng Yurie na yun.

Grabe makautos. Nilulubos talaga e noh.

Kung wala lang sa kanya yung mga CD's at posters ko haysxz. Malalagot talaga sakin yang Yurie na yan!

Matapos lang tong 100 days na to, makakaganti din ako sa'yo Yurie.

"TERRENCE!" Sigaw ni Yurie.

Nandito nga pala kami sa school ngayon.

Ano nanaman kayang kailangan ng Yurie na yon?

"ANO?!"

"Tara dito, may iuutos ako sa'yo."

-_____-

Nakakainis.

"Ano ba yun?"

"Teka? Anong sabi kong itatawag mo sakin?"

Hay nako.

"Ano po yun mahal na prinsesang pinakamaganda sa balat ng lupa at kasing ganda ng dyosa?"

Ang haba nun ah. Pinakabisado niya pa sakin yun. Kainis.

"Pakibilhan mo naman kami ng pagkain at saka maiinom ni Yassi. Gutom na kasi kami e. Saka pakisamahan mo na din ng konting bilis. SALAMAT."

Tumalikod na lang ako at sinunod yung utos niya. Sumbungera pa naman yang babae na yan.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko sila Lyno at Levie.

"Uy! Brader musta na yung pagiging maid mo sa Oh-So-Ganda mong amo?" Tanong ni Lyno.

"Maganda ba yun? Mukhang palaka nga e."

"Magnada kaya yun. Teka ano nga?"

"Ayun. Bibili nga ko ng pagkain nila ni Yassi e, utusera, kala mo naman talaga e. Kung di lang ako mababawasan ng allowance at kundi lang makukuha yung kotse ko."

"Brad? Bibili ka ng pagkain ni Yassi? Tara samahan ka na namin." Sabi ni Levie sabay akbay kay Lyno.

Malakas talaga tama ni Levie dun sa nerd na yun. Pero kapag inayusan mo yun, mas maganda pa yun kay Yurie, kung sa looks maganda si Yurie, pero kung si Yassi, looks at attitude ang pasado. Sama sama ng ugali ng Yurie na yun e.

"Ano ba brad? Diba pupuntahan nating yung chiks ko?"

"Mamaya bakla yun e. Ano sisisputin mo pa? Sinong mas gusto mong makita, yung sinasabi mo, o si Yurie?"

The Mortal Enemies [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon