TME 42

14 0 0
                                    

A/N: Hi again mga mahal kong readers ❤ namiss nyo ba yung update? Na-eexcite na ba kayo? Hahaha jk XD eto na po!

-- -- -- -- --
Third Person's POV

BANG!

Parang tumigil ang mundo nilang lahat ng marinig nila ang isang malakas na putok. Nakiramdam sila sa paligid.

"YURIIIIIIIIIEEEEEEEE!!!!!" Sigaw ni Terrence habang yakap si Yurie. Agad nya itong binuhat at isinakay sa ambulansya. Mabilis na umandar ang ambulansya palayo sa lugar na pinangyarihan ng isang bangungot.

Kinakausap ni Terrence si Yurie habang nakahiga ito sa ambulansya. Hawak nya ang kamay nito.

"Yurie please wag kang bibitaw. Wag kang pipikit. Wag mo kong iwan Yurie please wag mong gawin to. Kumapit ka lumaban ka babe. Mahal na mahal kita." Mangiyak-ngiyak na kinakausap ni Terrence si Yurie habang nag-aagaw buhay ito.

"M-Mahal na mahal k-kita T-Terrence." Yun na lang ang huling salitang nabanggit ni Yurie bago ito pumikit.

(Sa ospital...)

Hindi mapakali si Terrence sa labas ng operating room. Nandon na din ang mga pulis at ang mgaulang ni Terrence at Yurie.

"Tita, sorry po kung di ko sya nailigtas. Kasalanan ko to lahat e! Kung di dahil saken di sya malalagay sa ganitong sitwasyon!" Sigaw ni Terrence.

"Hijo, wala kang kasalanan, walang may gusto ng pangyayari." Sabi ni Sena.

Habang nag-uusap ang mga pulis at sila Terrence, bigla namang lumapit ang doktor.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni Ms. Takeshi?" Tanong ng doktor. Tumango lang sila.

"She's now in a good condition. Wala na po tayong dapat ipag alala. Natanggal na namin ang bala na bumaon sa lower back nya. At nagamot na namin ang mga sugat at injuries nya. Magpasalamat po tayo at nadala sya agad dito sa ospital. Kailangan na lang po nya ng pahinga at yung mga gamot na irereseta ko sa kanya. Inilipat na po namin sya sa room nya pwede nyo na po syang puntahan. Excuse me po." Sabi ng doktor at umalis na.

"Thank God! Salamat po at iniligtas nyo si Yurie." Sabi ni Terrence.

Agad silang pumunta sa room lung saan doon nagpapahinga si Yurie. Wala pa syang malay. Tinabihan sya ni Terrence at hinawakan ang kamay.

Terrence POV

Nagpapasalamat ako at ligtas si Yurie. Nandito ako ngayon sa tabi nya. Aalagaan ko sya.

"Babe, salamat at ligtas ka. Sana gumising ka na at gumaling ka na agad. Para matupad na natin yung pangarap nating future para sa'ting dalawa. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam magiging future ko kung di kita kasama sa pagpaplano ko. You're my better half mahal. Ikaw yung destiny, infinity, forever, lifetime at kung ano-ano pa. Mahal na mahal kita Yuriecka Stephanie Takeshi-Mendez." Sabi nya tapos humalik sa noo ni Yurie at yumuko na at nagpahinga.

Yurie POV

_O

O_

O.O

Nagising ako sa isang puting kwarto. N-Nasa langit na ba ko?

Unti-unti kong nilibot ang tingin ko sa paligid at nakita ko si Terrence na nakayuko sa tabi ko at hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako. Buhay pa ko!

Hinaplos ko yung buhok nya na dahilan para magising sya.

"B-Babe, gising ka na pala. Okay ka lang ba? May masakit ba? Sabihin mo sakin tatawag ako ng doktor." Aligaga nyang sabi.

"Shh... kalma babe. Okay na ko. I'm fine. Walang masakit. Ikaw okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Yeah. At mas um-okay yung pakiramdam ko kasi gising ka na e. Mas comfortable na ko." Sabi nya.

"E si Cassandra?" Tanong ko ulit.

"Nasa mental hospital na sya ngayon. Di sya pwedeng ikulong kasi may depression syang nararanasan sabi ng mga pulis. Doon na muna sya para gamutin. At pag okay na sya, derecho kulungan sya. Buti nga yun sa kanya para wala na syang maperwisyo." Paliwanag ni Terrence.

"Kawawa naman sya. Di man lang sya agad nagamot para di na umabot sa ganun."

"Tama lang sa kanya yun. Muntik ka nang mamatay dahil sa babaeng yun. Di mo sya dapat kaawaan." Sabi ni Terrence.

"Kahit na babe. Alam ko naman yun e. Pero diba alam kong may rason kung bakit nya yun nagawa e." Sabi ko.

"But that's not enough. Dahil lang sa mahal nya ko handa syang pumatay? It's not love, it's obsession." Sabi nya.

"Fine fine, wag na nating pag-debatehan yun. Ang mahalaga ayos na ang lahat. Wala nang manggugulo satin. Pero di ko pa din talaga maisip na ganun yung nangyari sakanya. Sayang sya. By the way, asan parents nya? Siblings?" Tanong ko.

"Sabi nila, walang kapatid si Cassandra. At yung parents? Nasa ibang bansa daw. Uuwi ata bukas." Sabi nya.

"Ah. Buti naman para may magbantay sa kanya."

"Kaya bilib ako sa'yo babe e. Sobrang bait mo. Sobrang haba ng pasensya mo." Sabi ni Terrence.

"I know naman kasi na mabait sya e. Siguro she needs love and attention kasi wala yung parents nya at wala syang kapatid kaya sya nagkakaganun."

"I think so."

"Pwede ba natin syang bisitahin? I just wanna talk to her. Malay mo mawala yung galit nya kapag nagpakita tayo ng pagmamahal at pag-aalaga."

"Hm, okay fine. Pero di muna ngayon ha. Pagaling ka muna babe. I love you." Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Salamat sa pag-aalaga babe. I love you too." Sabi ko at ngumiti.

Natulog na kaming dalawa.
--
(After 1 month...)

Yurie POV

Hay, pagkatapos ma-ospital, mukhang babalik nanaman ako don.

Langyang thesis to o! Hay! Kung di lang kelangan tinapon ko na to! Hahaha!

Busy kami ngayon ni Terrence sa paggawa ng kanya kanya naming thesis. Hayyyyyyy!!!!!! Sobra sobrang nakakapagod!

Halos isang buong linggo na kaming puyat! Next month kase ga-graduate na kami! Kaya rush talaga yung thesis namin.

Minsan na lang din kami nag-uusap ni Terrence. Miss ko na nga sya e. Tss.

Tenen!

Fr. Babe :*

Hi babe! Sorry kung ngayon lang ako nakatext! Sobrang busy lang talaga. Don't forget to eat your dinner! Ake care always I love you babe :* XOXO

Aww :3 sweetness overloadssss <3

To. Babe :*
Yes babe! I understand. Busy din ako kaya di rin kita natetext. Don't forget to skip your dinner too. I love you babe! Take care mwa :*

Hay. Mas lalo akong nai-inspire sa lahat ng mga ginagawa ko because of him.

Tenen!

Fr. Babe :*

Matapos lang to magde-date talaga tayo! I really miss you babe! At pag naka-graduate tayo, I have a surprise for you. Na sigurado akong ikakatuwa mo. Need to go! Loveyou again! :* <3

Hahaha! Sweet ng lalaking to! Pinaglihi ata to sa asukal e >////<

To. Babe :*

That's a promise ha! Mag-iintay ako sa date na yan <3 hay you Mr. Medez na mahilig sa surprises! Make sure na matutuwa ako ha! Iloveyoutoo ulit :*

Hay. Wala na kong mahihiling pa. Sobrang thankful ako ngayon. Sobra.

--
A/N: Slow updates? Pasensya po :*
Fb: Pinkie Watty Twitter: @PinkOnWattpad

The Mortal Enemies [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon