TME 5

84 0 0
                                    

Yurie POV

Kakagising ko lang.

Papasok nga pala ako.

Nyeta. First subject classmate ko pala si Rence yabang.

Inayos ko na sarili ko.

Naka skater skirts lang ako na pink tapos naka polo shirt na grey. Then naka sneakers lang ako na itim.

Ayokong pumorma masyado.

Tinatamad ko e.

Pagpasok ko sa room nakita ko si Yassi na nakaupo at umiiyak.

Nilapitan ko siya agad.

"Oh. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Sabi ko.

"K-Kasi, yung homework ko. P-Pinunit nila e." Sabi ni Yassi.

"Ano? Sinong pumunit?" Sabi ko.

"Sila Aliza." Sabi niya.

Yung tinutukoy niya e yung classmate kong parang clown sa sobrang kapal ng make up. 

Tinitigan ko sila. Nang-aasar pa kung makatingin.

"Dito ka lang." Sabi ko.

Nilapitan ko yung tatlong babaeng mukhang ewan.

"Bakit mo pinunit yung homework ni Yassi?" Matapang na tanong ko sa kanya.

"Aba! Sumbungera pala yang si Weirdo e! Hahaha! At anong pake mo? Sino ka para katakutan ng isang Aliza Perez? Di mo ba alam na ang daddy ko ang may-ari ng school na pinag-aaralan mo? Gusto mong ipa-kick out kita? Lahat ng inaapakan mo sa school na to ay pag aari ng pamilya namin."

"Tinatanong ko lang naman kung bakit mo pinunit yung homework ni Yassi nagkwento ka na agad ng talambuhay mo? At anong ipapa-kick out? Wala pa nga kong ginagawa e. Wala palang kinakatakutan ha" Sabi ko at akma siya sasampalin pero ilalagay ko lang talaga yung kamay ko sa ulo ko.

"Ano ba!" Sabi niya.

"Bakit? Sinampal ba kita? Halatang kabang-kaba ka na. At anong pake ko kung inyo tong school na to? Gusto mo bilhin ko pa to ngayon e. Nananahimik yung tao tapos guguluhin niyo. Porket ba mahina siya at di kayo kayang labanan pwede mo na siyang ganyanin? Ngayon hindi mo na siya kayang ganunin kasi andito na ko. Kahit magsumbong ka pa sa Dean wala akong pake. Ngayon, may katatakutan ka na." Sabi ko.

"Ha-ha! I'm so scared. Sa tingin mo ba matatakot ako sa mga threat mo?" Sabi niya.

"Dapat lang talaga na matakot ka. Baka paggising mo isang araw, nasa impyerno ka na." Sabi ko.

The Mortal Enemies [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon