Kahit papano, may back ground na din siya tungkol kay Melodia dahil kay Jarine. Naikwento nito sa kanya nang tumawag ito para i- refer ito sa kanya dahil magpapagawa nga daw ito ng school pamphlet.

“Kumakanta sa banyo.” Naiiling na aniya. “Jarine told me that you own a Music Academy.”

Tipid itong ngumiti. “Kahit kailan talaga masyadong makwento ‘yang si Beshy. Bago pa lang naman yung music academy ko.”

Naging masaya ang araw niya dahil sa kliyente niyang iyon. Masaya itong kausap. Hindi niya alam pero nakakakalma ang boses nito kahit nag-uusap lang sila. Nakakagaan sa pakiramdam. She gained another friend. Higit sa lahat, hindi niya naiisip si Keith. Pero may biglang sumagi sa isip niya, ang kwento ni Tita Elizabeth.

Hindi kaya si Keith ‘yon? Napakurap- kurap siya. Baka hindi. Wala namang sinabi na gan’on si Keith.

HINDI NAMALAYAN ni Keith ang oras sa dahil sa pagpapaka-busy niya. 5 na pala.

Madali siyang umalis ng opisina at nagtungo  sa mall. Bumili siya ng maraming gatas para sa buntis, at iba pang para sa buntis.

Habang nagmamaneho papunta sa bahay ng mga magulang ni Mary Grace, dumaan siya sa isang flower shop at bumili ng bouquet.

Pagdating niya doon, wala pa ang kotse nito. Pumarada muna siya di kalayuan sa bahay, hihintayin niya si Mary Grace.

Di rin naman nagtagal, nakita niyang dumating na ito. Naunang lumabas si Kei at agad na pumasok sa gate.

Lumabas siya ng kotse niya dala ang mga pinamili niya at agad siyang nakita ni Mary Grace.

Malalaki ang hakbang nito na akmang papasok na sa gate nang abutan niya ito at napigilan.

“Wait. Please. Give me a minute.” Aniya.

Walang emosyon ang mukha nito na humarap sa kanya. “Ano’ng kailangan mo?”

Iniabot niya ang mga pinamili niya at ang bouquet. Tinitigan lang ito ni Mary Grace.

Tumikhim siya. “Ahm- I heard buntis ka. Di mo man lang sinabi sa’kin.”

“So kasalanan ko pa na di ko nasabi?” Mataray na anito.

Umiling siya. “Hindi ‘yan ang…ibig kong sabihin. Sorry.” Iniabot ulit niya ang mga pinamili. “Para sa inyo ‘to ni baby.”

“Hindi ko kailangan ‘yan. Ako na ang bibili ng mga kailangan namin.” Pagmamatigas nito.

“My..please. Anak ko pa din naman ‘yan. Anak natin.”

“Yeah. Anak mo sa kabit mo. Kasi kabit mo ako.” Mariing sagot nito.

Nagbaba siya ng tingin. “Hindi kabit ang tingin ko sa’yo.”

“Pero kasal ka sa iba kaya kabit pa rin ako.”

Napabuntong- hininga siya. Tama nga naman ito. “Sorry.”

“Ayos lang. Sanay na akong masaktan. Wala ka ng sasabihin? Papasok na ako.” Wala pa ring emosyon ang mukha nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at iniabot ang mga pinamili niya. “Kunin mo ‘to. Kahit para na lang sa anak natin, tanggapin mo, please. Para kay baby.”

Ilang segundo siya nitong tinitigan bago inagaw ang kamay nito na hawak niya saka tinanggap ang bigay niya. “Thanks.”

Tumikhim siya. “Ahm- nga pala, pwede ko bang sunduin bukas si Kei? Ihahatid ko din siya after dinner. Kakausapin ko lang sana siya.” Pagpapaalam niya.

“Okay.” Mabilis na sagot nito.

“Salamat. Ahm- sige. Pasok ka na.”

Gusto niya itong yakapin, pero hindi niya magawa. Kasalanan kasi niya ang lahat ng ‘to.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon