CHAPTER 3

25.5K 675 20
                                    

MAAGANG NAGISING si Mary Grace kahit sabado ngayon at wala siyang trabaho. Pinusod niya ang mahaba niyang buhok at lumabas ng bahay. Naka-denim shorts lang siya, malaking t-shirt at naka-tsinelas. Naglakad-lakad siya patungo sa palengke na malapit lang sa bahay niya at namili ng ingredients para sa request ng anak niya na sinigang na baboy para mamaya sa tanghalian.

Nang naglalakad na siya pauwi, nararamdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Ipinalibot niya ang paningin, pero wala naman siyang nakikita na nakatingin sa kanya. Kaya mabilis siyang naglakad, kinakabahan siya. Pakiramdam talaga niya ay may nakatingin at sumusunod sa kanya kahit wala naman.

Mabilis siyang pumasok sa gate ng bahay niya. Nang nasa loob na siya, tumayo muna siya sa gate at ipinalibot ulit sa labas ang paningin niya.

Napaigtad si Mary Grace at nabitawan ang bitbit na mga plastic ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

“Nay!” Si Kei iyon. Nakangiti ito at halatang bagong gising dahil magulo pa ang buhok.

“Ano ba, Marie Kei! Aatakihin ako sa puso sayo eh.” Sapo-sapo niya ang dibdib dahil sa gulat.

“Ba’t di niyo po ako ginising? Sana nakasama akong mamalengke.” Naglalambing itong nakayakap sa kanya.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ni Kei saka kumawala sa yakap nito para pulutin ang mga nabitawan niyang mga plastic. Tinulungan din siya ni nitong pulutin ang mga ‘yon.

“Eh kasi ang sarap pa ng tulog mo. Kaya ako na lang ang namalengke.”

Matapos pulutin ang mga plastic, lumingon ulit siya sa labas ng gate. Ramdam pa rin kasi niyang may nakamasid sa kaniya. This is creepy.

“Ano po'ng tinitignan niyo, Nay?” Nagtatakang tanong ni Kei na napansin yatang palinga-linga siya.

“Ah.. Wala. Halika na pasok na tayo.” Aniya at inakbayan ang anak papasok ng bahay.

Agad siyang nag-handa ng agahan nila ni Kei. Ginisang itlog ang request nito para sa agahan. Si Kei ang nagsaing sa rice cooker nila. Tinuruan na niya ito para kapag wala siya, marunong na ang anak niya. Wala kasi silang katulong. Ayaw niyang umasa sa iba ang anak niya.

Habang nag-aagahan, hindi mawala sa isip niya ang nakita niya sa mall kahapon. Si Keith. At ang pakiramdam niya kanina na parang may nakamasid sa kanya.

Imposible naman siguro na si Keith iyon. Hindi naman n’on alam kung nasaan ako eh. Baka guni-guni ko lang na may nakasunod at nakamasid sakin kanina. Tama. Wala lang ‘yon.

“Nanay?” Pukaw sa kanya ni Kei. Magkatabi sila nito na kumakain.

“Hmmm?”

“May manliligaw ka po ba?”

Mahina siyang natawa sa tanong ng anak. “Pano ako magkakaroon ng manliligaw eh ayaw na ayaw mo kahit may lumapit lang na lalaki sa'kin. Bakit mo natanong?”

“Wala lang po, Nay.” Nagbaba ito ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain. “Nay? Gusto niyo po ba mag-boyfriend?”

Naubo siya sa sinabing iyon ng anak niya. That was a random question. “Ha? Bakit na naman? Naku Marie Kei ha, kung ano-ano na naman yang nasa isip mo.”

“Baka lang po kasi gusto niyo tapos hindi lang kayo nagbo-boyfriend dahil ayoko.”

“Well, minsan, naiisip ko lang kung ano kaya ang feeling na magka-boyfriend ulit.” She answered honestly.

“Sagabal po ba ako, Nay? Kasi dahil sakin hindi niyo nagagawa ang gusto niyo.” Malungkot na sagot ni Kei habang nakatingin sa kanya.

Kumunot ang nuo niya sa tinuran ni Kei.“Anak, sabi ko naiisip ko lang naman, hindi ko sinabing gusto ko talaga. At hindi ka sagabal, never ka magiging sagabal kay Nanay. Lagi mong tatandaan yan. Ikaw ang forever bestfriend ko di ba? Kaya bakit ka magiging sagabal?” Hinawi niya ang buhok ng anak na nakatabing sa mukha nito at pinakatitigan niya ito. “Mas mahal ka ni Nanay kesa sa mga lalaking gusto akong ligawan. Mas gusto ka ni Nanay kesa sa kanila. Mas gusto ni Nanay na ikaw ang kasama kesa sa kanila. Lahat ng gusto kong gawin, gusto ko kasama ka, anak. Kasi, ikaw ang buhay ni Nanay.  Kaya huwag na huwag mong iisipin na sagabal ka ha?” Puno ng pagmamahal na nginitian niya ito. “ Mahal na mahal kita, anak.” Agad na lumiwanag ang mukha ng anak niya at ngumiti.

“I love you, Nay.” Anito at niyakap siya. Nag-angat ito ng tingin at nagsalita ulit. “Masaya po ako kasi kayo po ang Nanay ko. Kahit wala po akong tatay ayos lang po. Sobra-sobra na nga po kayo sakin eh.”

Sumikdo ang puso niya sa sinabing iyon ng anak niya. Masaya siya dahil sa narinig pero malungkot dahil sa sinabing wala itong tatay.

Hinaplos niya ang buhok ng anak. “Ahm..anak, hindi mo ba naiisip kung ano ang pakiramdam ng may tatay?”

Umayos ng upo ang anak niya. “Naiisip naman po. Minsan nga po naiinggit ako sa mga ka-klase ko na hinahatid ng tatay nila sa school eh. Pero may mga ka-klase po ako na pabaya po ang tatay. Yung iba nga lasinggero ang tatay eh at sinasaktan ang nanay nila. Kaya naisip ko po na ok na ako na kayo lang ang kasama ko, Nay. Kasi hindi niyo po ako pinababayaan at mahal niyo po ako. At wala pong mananakit sa’yo.” Nginitian siya ng anak na ikinangiti rin niya. “Pero, Nay?  Pwede ko na po bang malaman kung nasaan ang tatay ko?” Natigilan siya sa tanong ng anak niya.

“Di bale na, Nay. Kumain na po tayo.” Agad na bawi ng anak. Napansin yata nito ang reaksyon niya.

“Nga pala, may ibibigay ako sa’yo. Hintayin mo ako dito.” Pag-iiba niya ng usapan. Agad siyang tumayo at may kinuha sa kwarto niya.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now