Chapter 2

7.1K 135 2
                                    

  Uneasy si Starre habang lulan ng eroplano papuntang Florida. Di nya kasi alam ang kahihinatnan ng pagtungong iyon sa kanyang ama.

    Inabisuhan na ito ng kanyang tita Agatha. Natuwa ito ng malamang nakapagpasya na syang sumunod roon.

   Alam nyang malaking pagbabago ang mangyayari sa kanyang buhay sa pagtungong ito sa ibang bansa.
Pero mas maigi na ngang malayo muna sya sa pilipinas para malinawan at magkaroon sya ng panahong makapag-isip ng makabubuti sa buhay nya.

   Di na sya isang teenager na kelangan pang gabayan. Twenty five na sya, at sa edad nyang iyon wala pang direksyon ang kanyang buhay. Di nya nga Alam kung anung gusto nya talagang mangyari sa future nya.

   Noon simply lang ang pangarap nya. Ang makahanap ng taong magmamahal sa kanya gaya ng kanyang ama at ni lolo Florence na pangalawang asawa ng kanyang lola Lila.

    Namimiss nya na ito kaso wala syang lakas ng loob na bumalik sa villa nito.
Naroroon kasi ang taong nagdulot sa kanya ng kamatayan ng kanyang puso.

   Kung dati rati pula ang kulay ng puso nya ngayon purple na ito. Di nya iniisip na muli pa iyong magkukulay pula na kakaba kaba kapag nasisilayan ang nagpaparigidon ng kanyang puso noon.

    Napahugot sya ng malalim na buntong- hininga saka sumulyap sa napakagandang tanawin sa himpapawid. Maganda ang panahon ng kanyang biyahe. Maaliwalas ang kalawakan. At parang nakapagdulot iyon ng magandang pakiramdam sa kanyang kalooban.

   Gusto nyang magkaron ng pag-asang may magandang idudulot ang pag-alis nya sa pilipinas.

    May kiming ngiti ang gumuhit sa kanyang labi bago ipinikit ang mga mata para umidlip. Hininaan nya ang volume ng headset na nakalagay sa kanyang tenga. Nakikinig sya ng mellow music habang nakapikit pa rin hanggang sa hilanin sya ng antok at tuluyang makaidlip sa biyahe.    Nagising sya sa boses ng piloto na nagsasalita.

"In a minute we'll land in Florida airport. Please buckle your seat belts and remain in your chairs..."Ang wika nito.

Inayos nya ang pagkakasandal sa kanyang upuan. Napatingin sya sa labas ng bintana. Natatanaw nya na ang kabuuhan ng Florida mula sa himpapawid.

Magandang tingnan ang naglalakihang building na nakatirik roon. Pati na rin ang mga daanan ng sasakyang na animo ay isang ahas na napakahaba.
    Ilang sandali pa ay lumapag na sila sa Florida airport.
Napatayo sya ng mag-umpisang magsitayuan ang mga pasahero Ng eroplano.

Sumunod sya sa agos ng mga pasaherong lumalabas mula sa eroplano papasok nman sa airport exit matapos nyang dumaan sa immigration.

    Napahinto sya sa kanyang paglalakad habang tulak ang kanyang trolley cart.

   Sinuyod nya ng tingin ang mga taong nakaabang sa passenger's arrival. Saka nya nakita ang isang lalaking kumakaway sa direkyon nya.

   Gumuhit ang magandang ngiti sa labi at may pananabik nya itong nilapitan.
"How was my daddy's girl?"Ang masayang salubong sa kanya ng amang si Ricardo Dalton Grande.

Agad syang sumugod payakap rito ng ibinuka nito ang mga bisig para yakapin sya.

Binitawan nya ang cart na hawak at sinalubong ito ng mainit na yakap. Noon nya lang napagtantong na miss nya ito ng sobra. Masyado kasi syang naging busy sa kanyang pusong sugatan kaya nabalewala nya na ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"I miss you papa... "ang wika nya na gumaralgal ang boses at  uminit ang sulok ng kanyang mga mata.

"Whoa! That was odd! I thought you don't miss your dad. You barely call me. "Anito na napangiti at bahagya syang inilayo mula rito matapos syang kintalan ng halik sa kanyang noo.

Tinitigan niti ang kanyang mukha ng matagal bago pinagmasdan ang kanyang kabuuhan. Di ito makapaniwala sa nakikita nito. Malaki na ngang talaga ang kanyang anak. 

"You grow so fast! You're not a teenage girl I known. You grow into a beautiful lady just like your mom!"Ang masuyo nitong wika sa kanya.

Di nito inalis ang tingin sa kanyang mukha. Tiningnan sya nito ng buong pagmamahal. Kaya nman biglang naantig Ang kanyang damdamin sa ipinakitang pagmamahal na iyon ng kanyang ama sa kanya.

Nang makita nito ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata ay natatawa itong mabilis na pinalis niyon ang butil ng luhang nagbabadyang mahulog sa kanyang pisngi.

"Oh sweetheart... it tear my heart seeing you so emotional now. "Ang  wika nito sabay yakap sa kanya muli.

Humahagod ang palad nito sa kanyang likod para payapain sya.
Lalo syang napaiyak dahil sa gesture nito at tuluyang napahagulhol sa dibdib ng ama.

Di nya na nakuha pang magsalita.Tahimik na lamang syang naluluha habang yakap yakap sya nito. Dama nya ang pagmamahal nito noon at hanggang ngayon. Walang nabago kahit may bagong pamilya na ito.

"Hey! Enough! Dad's here, I won't let you away from me again. Hush sweetheart, we're catching attention right now. Come on. We'll leave here. "Anito saka iginiya sya palabas ng airport.

Kahit nakahawak ang isa nitong kamay sa bewang nya. Hila rin nito ang kanyang trolley na ibinaba nito mula sa cart.

     Masaya itong nagkwento habang nasa biyahe sila patungo sa townhouse nito. Binibida nito ang kakulitan ni Adam ang kanyang little brother kanyang step-mother.

  Nakikita nyang masaya ang kanyang ama sa pamilya nito at masaya sya na may taong pumalit sa kanyang ina na magpapasaya muli sa kanyang ama.

    Di man sila magkasama parati ito pa rin ang best dad para sa kanya. Di nito kinalimutan ang obligations nito sa kanya kahit nasa malayo ito. May monthly allowance syang natatanggap rito kahit nagtatrabaho na sya. Nasa bank account nya lamang iyon. Di nya ginagalaw. May sarili syang pera pero patuloy pa rin ito sa pagsuporta sa kanya.

   May business rito sa Florida ang kanyang ama. Isang hardware. Bago kasi ito nagtungo sa ibang bansa ipinagbili nito ang properties na naipundar nito at ng kanyang ina sa iloilo.

Meron silang bahay sa Manila ngunit kalaunan binenta rin nito. Kinuha kasi sya ng kanyang tita. Dadalawa na lamang sila kaya gusto nitong magsama sila sa iisang bubong lamang. Kahit di ito nagsasabi alam nyang binabantayan sya nito. Sa pag-aalalang baka gumawa sya ng makakasama sa kanya. Kaya nman di sya samalungat sa mga gusto nito maliban sa sariling damdamin nya.

Di na nito kaya pang saklawan ang nadarama nya. Kaya hanggang iling at buntong hininga na lamang ito sa tuwing nakikita syang nakatulala at malungkot sa isang sulok ng bahay nito.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon