• Chapter 31 •

Start from the beginning
                                    

"Maayos naman ang relasyon namin kaya no problem" Sabi ni Ate.

"Haay! Lumalaki na talaga ang mga anak natin, Kit. Lahat sila ay may kasintahan na" Sabi ni Mom, tumango naman si Dad.

"Mom, si Kuya wala pa" Sabi ko kaya binatukan niya 'ko, bumabawi lang. Hehe!

Pagkatapos ng breakfast, nauna na akong umalis. Wala lang, gusto ko lang ng maaga-aga. Ang sabi ni Xana ay magkita-kita kami sa field kaya dun ako naghintay kasama si Daryl.

Pero syempre, dahil may mga nakakitang taga-Presly ang ginawa ko nung birthday ay naging usap-usapan sa buong campus ang pangyayareng yun.

"Grabe ang swerte ni Xana ano? Biro mo, isang Kyle Verdez ang sinagot niya!"

"Nakakakilig kaya nung tambalan nila, Hot 'n Cold ika nga nila!"

"Hahahahaha! Pero seryoso ah, ang effort nung ginawa ni Kyle"

"Nakatanggap pa ng short poetry si Xana, ang sweet lang"

"Ang unique nga eh, sana all!"

"I agree!"

Napa-iling na lang ako dahil yan ang balita sa buong school. Pero may gusto akong kumpirmahin mula kay Daryl.

"Oy Cabeza, totoo ba yung sinabi mo sakin nung last Thursday?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. Nagbabasa kasi psh!

"Ang alin?" Geh, magmaang-maangan ka pa.

"Yung sinabi mo? Tungkol kay--"

"Oo, may problema ba tayo dun?" Seryoso niyang tanong kaya napataas ako ng kilay.

"Walang problema, pero bakit di ka umamin? Ang tagal mo na ring tinatago yan, 'dre" Sabi ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya.

"Bakit ko kailangang umamin? Kung una palang talo na 'ko, halata namang hanggang kaibigan lang ang turi niya eh and besides, it doesn't matter. My feelings are nothing but a destruction" Bago ako mag-react, eto muna...

Haba nun ah. Hahahahaha!

"Gago! Lahat ng nararamdaman ng tao ay importante, kasi dun lang natin maipapakita ang gusto nating ipahiwatig sa mga taong nakapaligid satin. Sige nga, kung hindi mo pa sinabi sakin ang tungkol dun malamang kinikimkim mo pa rin yan hanggang ngayon" Sabi ko sa kanya para hindi siya makasagot. Pero maya-maya pa ay nagsalita na siya.

"Pwedeng mawala ang nararamdaman ko para sa kanya kaya wag na lang" Mahinahon niyang saad at binalik ang tingin sa libro.

"Mature ka na ah, infairness" Napatingin ako sa nagsalita, kaagad akong napangiti nang makita si Xana.

"Hi po" Nakangiti kong saad.

"Galang ah, ganyan ba talaga epekto ng drogang Xana Melendez?" Sabi ni Zia kaya nagtawanan sila.

"Hindi naman, naadik lang" Sabi ko kaya kinatyaw nila kami.

"Aga-aga, bumabanat ka ng ganyan. Tara na nga" Naiiling na saad ni Xana at hinawakan ang kamay ko, nagpahila na lang ako sa kanya habang sumusunod ang iba.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now