• Chapter 20 •

7.2K 206 21
                                    

Chapter 20: Aquaintance Ball pt. 2

👌👌👌👌👌

Adrian's POV:

Pagkatapos naming magsayaw ni Yisa, bumalik na kami sa table naming sampu. Nang maabutan namin si Leslie na nakatungo sa table.

"Anong nangyare kay Esie?" Tanong ni Yisa.

"Kinamumuhian na niya sa ngayon ang bibig niya, kaso itong si Daryl may sinabi" Sabi ni Zia kaya napatango kami bago umupo.

"Anong sinabi mo, dude?" Tanong ko kay Daryl na siyang nasa tabi ko kaya napatingin siya sakin, BUT! He just shrug.

Ang tino mong kausap, sobra.

"Nga pala Adrian! May lumapit dito kanina, hinahanap ka tapos sinabi niyang samin na girlfriend mo raw siya" Sabi ni Jevin kaya napakunot ako ng noo. 

"Sino?" Tanong ko sa kanya at tiningnan si Yisa.

May balak kasi ako ngayon, sigurado na naman ako dito kaya pinaghandaan ko talaga. Wala silang kaalam-alam sa gagawin ko mamaya kaya surprise talaga para sa lahat.

"Vivoree daw pangalan" Sabi niya kaya napanganga ako. Vivoree? Vivo-- HALA KA! Si VIVOREE?!!!?!!??!?

"Sino yun?" Tanong ko sa kanila kasi nakalimutan ko na kung sino yun.

"Di mo kilala?!" Gulat na tanong ni Jevin at Kyle, napailing na lang sila Xana at Daryl habang natatawa si Zia at Yisa tapos si Leslie naman nakatungo pa rin pero natatawa na rin.

"Nakalimutan ko na kung sino yun" Sabi ko sabay kamot sa batok.

"Eh sa dami ba naman ng ex mo, hindi mo na kilala yung iba" Sabi ni Kyle kaya napatango na lang ako bilang pangsang-ayon.

"Sino si Vivoree?" Singit ni Yisa kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Iba kasi ang tono ng pagkakatanong niya.

"Si Vivoree? Uhmm siya yung..." Hindi matapos ni Jevin yung sasabihin niya dahil nagbago na ang expression ni Yisa.

"Just tell me straight to the point" Seryoso niyang saad.

"Siya yung girlfriend ni Adrian, but technically she's an ex" Sagot ni Kyle.

"Ahh... Okay" Tanging sinabi ni Yisa bago tumayo para daw mag-cr. Natahimik na kami dahil sa pagwowalk-out ni Yisa, it's unexpected.

"The tone of her voice is not normal" Sabi ni Xana, para maputol ang katahimikan.

"Right, her voice is originally cute but when she asked who the fvck is Vivoree that cuteness is gone" Dagdag naman ni Leslie na sa ngayon ay naka-ayos na ng pagkakaupo, hindi na nakatungo.

"What happened to her?" Tanong ni Kyle.

"She must be jealous" Sambit ni Zia.

"Jealous? Bakit naman? May gusto ba siya kay Adrian?" Tanong ni Jevin. Pinilit ko ang sarili ko na hindi mapangiti dahil magmumukha akong tanga sa harap nila kaya nanatili na lang akong tahimik panandalian.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt