• Chapter 23 •

6.7K 191 16
                                    

Chapter 23: Beach Outing pt. 1

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

I swear, I don't like my outfit today.

Bakit kasi kailangang magswimsuit sa loob kahit pwede namang huwag na lang?!

"Kadiri! Nalalasahan ko pa rin yung buhangin na pinakain mo sakin, Zia!" Reklamo ni Jevin at panay pa rin dura.

"Ang sabi ko kasi saluhin, hindi kainin" Pigil-tawang saad ni Zia.

Nandito pa rin kami ngayon sa Beach Front, wala pang balak bumalik sa rest house.

Time Check: 9:35 AM.

"Anong gusto niyong lunch?" Tanong ni Lian.

"Grilled Meat and Fish!" Sagot ng marami.

"Oh sige sige, sa rest house tayo kakain o dito na lang?" Tanong ni kuya Klode. Silang tatlo kasi nina Lian at Ate Juliana ang in charge sa cooking, well sila kasi ang oldest sa outing na 'to.

"Dito na lang" Sagot ulit ng marami.

"Sige, Adrian magsabi kayo sa counter ng dalawang long table tapos ipadala niyo dito" Sabi ni ate Juliana bago sila pumunta sa rest house para magluto.

"Edward, Jevin samahan niyo 'ko" Aya ni Adrian kaya sinamahan siya ng dalawa.

"Habang naghihintay tayong maglunch, anong gusto niyong gawin?" Tanong ni Leslie.

"Let's play try not to laugh" Suggest ni Nella.

"Game" Sabi nila. And ofc, hindi ako kasalj jan dahil hindi naman nila ako mapapatawa.

Unang nagpatawa si Charles. Nagmemakeface siya, halos lahat nagpipigil ng tawa. Pero ako nakatingin lang sa kanya ng walang kaemo-emosyon.

"Pfft--" Lahat kami, napatingin kay Daryl.

Is he laughing?

"Pvtang ina! Kanina pa 'ko nagpapatawa ni isa sa inyo walang balak tumawa! Tang'na lang!" At dun na sila natawa ng tuluyan. Tss!

Tuloy-tuloy lang ang laro. Habang ako nakapalumbaba at bored silang tinitingnan.

"Wala ba kayong balak tumigil?" Tanong ko sa kanila na sa ngayon ay hingal na hingal dahil sa kakatawa.

"Ayoko na nga eh" Sabi ni Kyle, edi ayun tumigil din. Tsk!

Hindi nagtagal, bumalik na sina Adrian, Jevin at Edward kasama ang apat na staff ng resort na may dalang dalawang long table.

"Boodle fight ba ang gagawin?" Tanong ni Yisa.

"Ohhh! Boodle fight" Sabi ng kambal, sila Elisa at Eloisa.

"Oo daw sabi ni ate Juliana" Sabi ni Jevin.

"So we need babana tree leaves" Sabi ni Daryl.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora