Kabanata 10

381 25 0
                                    

Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Yung ipon ko ay konting konti na lang, at araw-araw ay nababawasan pa ito.

Lumalala ang sakit ni nanay, kada umaga ay hindi siya makahinga gawa ng kanyang karamdaman gusto ko man siyang ipatingin sa specialista ay wala naman akong pera.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang ako'y naglalalad pauwi ay napadaan na naman ako sa mansyon ng mga Pangilinan, bigla kong naisip ang alok ni Mayor. Napakalaking alok ang ibinibigay niya sa akin kapalit lang ng oo ko, 6 na buwan lang ang titiisin ko. Makakapagpagamot pa si nanay at si Miguel ay makakapag-aral pa. Naguguluhan ako. Napahinto ako malapit sa gate nila di ko napapansin na ang mga luha ko ay pumapatak na. Napaupo na lang ako sa bigat ng nararamdam ko.

Sa mura kong edad na 19 parang pasan pasan ko na ang buong mundo. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya hindi ako pwedeng manghina. Kailangan nila ako.

"You're here again? Anong ginagawa mo rito?" Pamilyar ang boses na ito. Umangat ang ulo ko at nakita ko ang matangkad na lalaki na pumukaw ng atensyon ko nakaraang gabi, ang anak ni Mayor ay nasa harapan ko.

Napa-tayo ako sa gulat. "Si..sir, sorry po, nagpapahinga lang..sige sige po..alis na po ako." Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa aking braso.. si kuya? Kasama ang anak ni mayor?

"Mukhang nakapag-isip ka na." Ani ni kuya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok na ang anak ni mayor sa gate ng kanilang mansyon kasama ang ilang body guards nito.

"Ku..kuya." sabi ko.

"Dadaain mo na naman ba ako sa iyak? Di mo ko madadaan sa iyak kisses! Nakita mo si nanay? Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hah? Matapos kang ampunin, alagaan, pakainin at pag-aralin eto igaganto mo kay nanay? Hindi mo man lang ba siya papatikimim ng paano gamutin? Ha kisses?" Nakikita ko kung gaano ang poot sa mga mata ni kuya. Kahit gusto siya saguti dahil siya nga na anak ni nanay na totoo ay wala siyang ginagawa.. pero hindi ko magawa dahil sa pagod at takot.

"Ku..kuya sige na po.. uuwi na po ako.."

Binitawan na rin ako ni kuya. Halos manghina ako hindi ko na alam ang gagawin ko.. hanggang makarating ako sa bahay..

"Ate.. ate si nanay!! Nagsusuka po.." nakita ko ang pagkabalisa ni miguel?

"Ha?! Nanay nanay!!!" Nakita ko kung paanong hinang hina si nanay. "Miguel miguel!! Tulungan mo ako dalhin natin si nanay sa ospital.."

"Pero ate.. wala po tayong pera.." Sabi ni miguel.

"Di na mahalaga yun.. ako na bahala.. tara na ang importante magamot si nanay.."

Nagpapasalamat na lang ako sa mga kapitbahay na tumulong sa amin para mapunta si nanay sa ospital.

Nagdito ako ngayon sa tabi ni nanay. Wala pa rin siyang malay. Si miguel ay natutulog na sa paanan ni nanay.

Napaigtad ako ng naglalad papalapit ang doktor na tumingin sa nanay ko.

"Dok.. kamusta po ang lagay ni nanay?" Pagtatanong ko.

"Hija, ikaw ba ang anak?" Tumango ako. "Malala na ang nanay mo, kailangan siyang maoperahan as soon as possible." "Po?" Sagot ko. Hindi.ko na alam ang isasagot ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa..

"250 to 350 thousand ang kailangan mong malikom para maoperahan ang iyong nanay. Sa ngayon ay minomonitor pa namin siya. Mashado nang mababa ang kanyang dugo. Kailangan na rin siyang salinan. Type A ang dugo ng nanay mo. Ikaw ba? Ano bang type ang dugo mo hija?

"Type B po ako doctor." "Kailangan mong bumili o maghanap ng dugo na kasing type niya para masalaninan agad siya. Sa ngayon, eto ang reseta ng mga kailangan mong bilhin na gamot. Maiwan muna kita." Inabot sakin ni doktor ang reseta at pumunta sa isang pashente na katabi ni nanay.

Tinignan ko uli si nanay. Kailangan niya ako. Kailangan ako ng pamilya ko.Sa pagkakataong ito, hindi ko muna pipiliin ang sarili ko..

Kahit mahirap at labag sa kalooban ko.. susundin ko na sila...

SILAKBOWhere stories live. Discover now