Kabanata 6

391 24 0
                                    

Napakalaki ng bahay ng mga Pangilinan. Sobrang gaganda ng mga gamit. Ang engrade, hagdanan pa lang ay makikita mo na mamahalin ang mga ginamit para sa disensyo. Hindi ko akalain na may ganito palang
kagarang tahanan dito sa aming bayan.

Kung sa bagay, mayaman sila. Kayang-kaya nila bilhin lahat. Powerful din sila. Ang Pamilyang Pangilinan ay matagal nang namumuno sa aming bayan. Wala atang gustong lumaban sa kanila e.

Nandito na kami sa tanggapan ng bisita nila.

Napukaw ang paningin ko sa asawa ni Mayor, si Madam Maricel, First Lady ang tawag ng marami sa kanya. Napakaganda niya. Napakaamo ng kanyang mukha. Napakasimple pero ang elegante ng datingan niya. Bakas sa mukha niya ngayon ang kasiyahan. Maraming nagsasabi na tahamik lang daw si First Lady, lagi lang nakasuporta sa kanyang asawa na si Mayor Anton. Hindi raw ito palakibo pero makikita mo raw sa mga galaw niya na meron itong napakabuting puso. Sa nakikita ko ngayon, mukhang totoo nga ang sabi-sabi.

Sa gilid ni First Lady ay may isang babae na maganda rin na abalang nakikipag usap sa mga ibang panauhin. Mukha siyang sosyal, eto marahil ang panganay nila na nag-aral sa Paris kaya matagal nawala. Naririnig ko na tinatawag siya na Ma'am Kristina. Napakaganda niya, mala-porselana ang balat, ang mga damit niya alam mong mamahalin, Ang mga palamuti niya sa katawan ay nagkikintaban. Napakaganda niya rin magsalita. Napaka-sopistikada.

Nang may bigla naglakad na cute na cute na bata, marahil eto ang bunso nila. Ang sikat na sikat na si Solana. Grabe sa mura niyang edad alam mong sobra siyang magiging maganda sa hinaharap. Napaka bibo at mukhang mahal na mahal siya ng mga tao.

Sa likod ni Solana ay may naglakad na ginoo. Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan. May makapal na kilay. Maganda ang mga mata at parang inukit ang mga panga niya. Matangos ang kanyang ilong, at ang kanyang labi ay parang kulay mansanas sa kapulahan. Hindi ko alam bakit ko naisip ang mga katangian na ito, pero eto kasi ang mga perperktong mga salita para ipaliwanag kung anong meron siya. Eto na ata ang anak ni Mayor na dumating. Nakita ko kung paano nagbulungan ang mga dalaga sa paligid.

"Grabe napaka gwapo niya." Sabi ng nasa tabi ko. "Ou nga e, pero hindi man lang ngumingiti hindi katulad ng tatay niya." Sambit naman ng kausap niya. "Naku, ok lang yan basta gwapo tsaka balita ko matalino raw.."

Hindi nga siya palangiti, ang kanyang mga mata ay parang may tinatagong kalungkutan. Hindi siguro siya masaya na nasa probinsya siya ngayon o kaya naman baka may naiwan sa Maynila..

Naudlot ang pakikinig ko nang kalabitin ako ni Ate Lhea.
"Kisses.. kiss.. ayan na siya oh. Si Sir Donato. Diba.. diba, ang gwapo?" Sabi sakin ni ate lhea habang tinuturo si Donato? Ah. Donato pala ang kanyang pangalan.

"Andito ka na pala" nagulat ako nang may biglang nagsalita, si kuya Primo. "Buti naman at sumama ka, at salamat at mukha kang tao ngayon." Sambit niya ng may pait sa tono ng kanyan boses.

"Ah.. opo kuya, pinahiram po ako ni Ate Lhea. Uhm.. ano po pala ang gagawin ko rito?" Pagtatanong ko.

"Mamaya. Mag hintay ka, kakausapin ka ni Mayor. Wag kang aalis." Ani ni kuya sabay alis.

Wala na akong magagawa kundi ang sumunod na lang.

SILAKBOWhere stories live. Discover now