Kabanata 7

367 23 0
                                    

"Kisses, tinatawag ka na ng kuya mo. Dito na lang ako ha, sana makapag papicture ako sa anak ni Mayor. Kwentuhan mo ako kung ano yung mga mangyayari ha."

"Uhm, sige sige po ate. Bye po." Sabi ko sabay kaway.

Nakita ko si Kuya Primo na nag-aantay sa akin, malalim na rin ang gabi. Ang ibang panauhin ay nag siuwian na. Inaantok na rin ako at nag aalala ako kila Nanay at Miguel e, pero eto ako ngayon kailangan ko kasing sundin si Kuya baka kasi mabugbog niya na naman ako. Ou, tama kayo sa narinig niyo, madalas kahit malaki na ako napagbubuhatan pa rin ako ng kamay ni kuya kaya kailangan talaga sundin ko siya. Ayoko nalang din ng gulo. Naaawa rin ako kay Nanay.

Kinakabahan ako habang papalakad ako kay kuya. Wala na ang pamilyang Pangilinan sa sala marahil mga nagpapahinga na rin.

"Kisses, sumunod ka sa akin." Ani ni kuya. Habang siya'y naglalakad, gusto kong magtanong kung para saan to.. nasa likod ako ni kuya. Umakyat kami sa pangalawang palapag. May kasama kaming body guard na nangunguna sa amin.

"This way, sir." Ani ng body guard. Nakita ko ang pagbukas ng pinto ng isang kwarto. Ano o sino kaya ang nandon?

Nakita ko ang pag ikot ng upuan at ang nakaupo run ay si.. Mayor.

"Mabuti at nandito na kayo." Ani niya. "At nandito na siya, salamat sa pag paunlak ng aking invitation hija." Muli niyang sabi habang sinisilip ako sa likod ni kuya.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

"Eto na ba ang kapatid mo, Primo?" Tanong ni Mayor.

"Opo, boss. Si Kisses po." Sagot ni kuya.
Naginginig ako sa kinakatayuan ko pero kailangan kong maging magalang. "Magandang gabi po Mayor."

Nakita ko ang pag ngiti ni Mayor at ni Kuya.

"Di ko na matatagalin pa, have a seat para pag-usapan na natin ang mga kailangan pag-usapan"

SILAKBOWhere stories live. Discover now