Kabanata 2

581 25 1
                                    

Si Miguel pala ay kapatid ko pero hindi kami magkadugo. Paano? Parehas kaming anak-anakan ni Nanay. Si Nanay Selma.

Si Nanay Selma ay nanay nanayan ko.

Mula noong bata pa ako, siya ang kumalinga sa akin. Di naman niya pinagkaila sa akin na isa akong ampon. Nagtrabaho siya sa isang ampunan, at sabi niya wala daw kumukupkop sa akin kasi raw ay iyakin ako kaya minabuti niyang kupkopin na lang ako dahil siya lang daw ang nakakapag-patahan sa akin.

Si Miguel, anak siya ng ka-baryo namin. Namatay na ang kanyang nanay at tatay dahil sa isang aksidente kaya si Nanay Selma ang kumupkop din sa kanya. 7 taon na si Miguel at anim na taon na rin siya sa amin.

Si Nanay Selma ay may tunay na anak, si Kuya Primo. Hanggang ngayon ay galit siya sa amin ni Miguel; na para sa kanya ay pahirap kami sa buhay niya. Simula raw nung kinupkop kami ni Nanay ay nag hirap sila, kaya naman ako ngayon ay nagtratrabaho habang nag-aaral para na rin makatulong sa panggastos dito sa bahay, lalo na ngayon si Nanay ay nakaratay na lamang dahil sa kanyang sakit.

"Si Nanay kasi ate, sinigawan ako kanina.." ani ni Miguel habang umiiyak. "O bakit naman?" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Nagugutom na kasi ako ate Kisses.. naghahanap po ako ng makakain sa lamesa nang mahulog ko po ang baso.." kwento niya.
"O, hayaan mo na. Pag pasensyahan mo na lang si nanay ha, baka kasi nagising o nagulat siya kaya ka niya nasigawan, tara na uwi na tayo at may dala si ate para sa inyo." Yaya ko sa kanya. Hinawakan ko na ang kamay ni Miguel at tinungo na namin ang aming bahay.

Pagdating ng aming bahay ay dali dali akong pumunta kay nanay para magmano. "Nay, nadito na po ako. Kumain na po ba kayo? Ininom niyo na rin po ba ang inyong gamot ?" Sambit ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagtango niya. Dati ay madaldal ang nanay, gawa nang pagka lumpo niya ay nagiging iritable at madalas di na siya pala-imik. Alam ko na ang kanyang pagtango ay sagot na rin para sa aking mga katanungan.

Kaya magsisikap ako para mabili ko ng wheelchair si Nanay at para na rin mas mapatingin ko siya sa specialista.

Pumunta ako sa kusina para ibigay kay Miguel ang pasalubong ko. "Miguel eto oh, para sa'yo tong pancit at paborito mong...hulaan mo kung ano tong nasa plastic." Ngisi ko habang nakahawak sa plastic na dala ko. "Ate naman alam ko po yun.. kulay white po yung plastic niyo o, kita ko po kung ano po yan.." "Osige nga, ano to?" Tanong ko habang nakangiti.
"Leeg ng manok ate!!" "Tama! Nako ang galing mo talaga basta sa pagkain, o eto na kain ka na riyan ha." Kinuha ni Miguel ang supot at nagsimulang kumain. "Thank you ate, ang sarap po."

Umupo ako sa gilid ni Miguel. "Miggy, bakit ngayon ka lang kumakain? May tinira akong ulam dito kanina ha at alam ko kasya na yun sa inyong tatlo." Tumigil si Miguel sa pagsubo at tumingin sakin. "Ate, kanina po kasi pumunta rito si Kuya Primo kasama niya po yung kaibigan niya, Brian po ang pangalan, yung laging nagbabasketball dun po sa court, dito niya po pinakain e takaw po at di po ako tinirhan. Di man lang po ako tinanong kung kumain na po ako."

Si Kuya talaga. Alam niya na ngang tagtipid kami ngayon, nag papakain pa. Hindi naman sa pagiging madamot pero kawawa naman si Miguel. Alas nuebe na nang gabi ay hindi pa kumakain.

"O hayaan mo na si Kuya. Kumain ka na lang dian mabuti. Umalis ba ulit si kuya?"

"Opo ate, pupunta raw po siya sa bahay ni Mayor at sila raw po ang mag-aayos ng mga ilaw, narinig ko pong sabi niya kay nanay. Tinatanong nga po kung anong oras kayo uuwi e." Sabi ni Miguel.

"Huh? Bakit daw!?" Sambit ko.

Nagkibit balikat na lang siya. Hindi ko na rin pinansin, nag hugas na lang ako ng plato at pinapunta na si Miguel sa kwarto para matulog. Maghihilamos na sana'y ako ng narinig kong kumahol si Buddy, ang aming aso. Ibig sabihin ay may tao. May kumatok nga.

"Kisses..anak..may tao ata" sabi ni Nanay. Ang kanyang higaan kasi ay nasa malapit sa pinto. "Sige nay, ako na pong bahala" sigaw ko at nagmadaling pumunta sa pintuhan para buksan.

"Ate Lea!?"

SILAKBOWhere stories live. Discover now