Tapos biglang cannot be reached na.

Sobrang nagpanic ako. Dapat kasi maganda 'tong pagkikita namin. May dala pa siyang rosas na hindi man lang niya naibigay. Umupo ako at umiyak. Hindi ko alam kung uuwi na ako o ano.

Siguro mga isang oras lang ako naghintay tapos tumawag ako ulit. Sa unang dalawang ring, cannot be reached. Sa pangalawa, biglang nag-ring.

"Bakit?"

Nang narinig ko yung boses niya, gusto ko na lang umiyak. Ngayon lang kami nag-away nang ganito katindi.

"S-saan ka na?" tanong ko.

"Bahay."

Bahay. Nasa bahay na siya.

Gusto ko sanang marinig na nagbibiro lang siya, pero hindi. Sumikip yung dibdib ko. Hindi man lang niya ako hinabol. O kung hindi man, hindi man lang niya ako tinanong kung nasaan na ako o kung nakauwi na ba ako.

"A-ah . . . s-sige."

Walang nagbaba noong una ng telepono hanggang sa biglang nagclick yung linya niya.

Binabaan niya ako.

Walang "Ingat."

Walang "I love you."

Wala.

Umupo ako. Napagod ako sa mga emosyon dumadaloy. Hindi na ba ako importante sa kanya? Biglang ganoon na lang. Hindi ba niya maintindihan yung point ko? Hindi naman ako nakikipaglaban kung sinong mas tama sa amin dahil alam ko namang siya 'yon. Gusto ko lang maintindihan niya kung bakit ko nagawa 'yon.

Naglakad ako papauwi, naluluha, nag-iisip. Sa sobrang tulala, hindi ko namalayan na nasa harap ko si Hudson.

"Uy," sabi niya. "Problema?"

"Wala," sagot ko. "Pauwi na ako."

"Bat ngayon lang?"

"Ah . . . ano e . . ."

"Nakita ko si Theo kanina a. Napaatras nga ako kasi ayokong makita niya ako e. Iwas away lang."

Nagbigay ako ng ngiti. "T-talaga?"

"Anong talaga? Wag mong sabihin hindi kayo nagkit—uy! Ayos ka lang?"

Hindi ko na napigilan. Tumulo na lang yung luha ko bigla. Parang ang ewan lang ng nangyari. Tipong siguro dapat masaya kami, dapat hawak ko yung bulaklak. Bakit kasi ako nagwalkout? Para lang mapatunayan kung hahabulin niya ako?

Naglabas siya ng panyo na tinanggihan ko. Nakakahiya naman kasi.

"Ano nga?" tanong niya. "Mahirap yung ganyan ka lang."

"W-wag na. Nakakahiya e," sagot ko. "Isa pa, kasalanan ko rin naman."

"Bakit mo inaangkin mag-isa?"

"Kasi totoo naman."

"Ganyan ka na ba talaga dati? Nangaangkin ng kasalanan? Ikaw ba talaga yung unang nagso-sorry? Parang noong una kitang nakilala, hindi ka naman ganyan."

"Nagma-matter pa ba 'yon? Kasalanan ko kaya ako dapat ang mag-sorry."

"E bakit ikaw yung umiiyak?"

Napatingin ako kay Hudson nang may tumutulong luha. Pesteng yawa tong luha na 'to, hindi man lang maki-cooperate.

"Kasi nga ako yung may kasalanan at di ko na kaya ibalik yung panahon," sabi ko.

"Nag-sorry ka ba?"

Tumango ako. "Nag-sorry ako at sinabi kung bakit ko tinago sa kanya na lumipat ako ng college."

"Nagalit siya dahil lumipat ka ng college? Siya ba nagbabayad ng tuition mo?"

Lost and FoundDonde viven las historias. Descúbrelo ahora