Napatakbo si Khalil palapit sa kanya, pareho na silang basa. "Miss Gyte Arah!!" Tawag ni Khalil at binuhat si Arah.

"C-CiiGee.." Bulong ni Arah bago tuluyang nawalan ng malay.

Pumara agad si Khalil ng taxi at dinala niya sa hospital si Arah.

"Doc! Doc!! Pakitingnan po siya, ano po'ng nangyayari sa balat niya?" Natatarantang tanong ni Khalil, ngayon lang kasi siya nakakita ng ganoon.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong ng Doctor

"Nakita ko po siya sa sementeryo tapos bigla pong umulan, hindi siya tumayo tapos noong sobrang lakas na ng ulan saka pa lang siya tumayo, nagulat po ako dahil bigla siyang nawalan ng malay kaya kaagad ko siyang pinuntahan pero nawalan na nga po siya ng malay kaya dinala ko na po siya dito, schoolmate ko po siya sa DMU." Sabi ni Khalil

"Maaaring allergies ito iho, maghintay ka na lang muna d'yan, kami na ang bahala sa kanya." Sabi ng Doctor

Lumipas ang kalahating oras, lumabas ang Doctor. "Kumusta po siya?" Tanong ni Khalil

"Medyo okay na siya, mabuti na lang at dinala mo agad siya dito dahil kung hindi baka ikinamatay na niya, hindi normal ang allergies niya at ngayon lang kami nakakita ng ganito dagdag pa ang sakit niya sa puso kaya delikado."

"May sakit po siya sa puso?"

"Oo, 'yan na lang muna ang sasabihin namin sa iyo. Kung gusto mong hintayin siya na magising ay ayos lang. Hindi agad basta basta babalik sa dati ang balat niya, matagal umimpis ang mga pantal." Sabi pa ng Doctor

"Sige po, hihintayin ko na lang po siyang magising."

"O sige, maiwan na muna kita." Sabi ng Doctor

Hapon na ay nandoon pa din si Khalil, hindi pa gumigising si Arah.

"Doc! Doc! Ang pasyente!" Tawag ng nurse kaya napatayo si Khalil.

"Ano po'ng nangyayari?" Tanong ni Khalil

"Gising na siya." Sagot ng isang nurse, napangiti si Khalil

"Thank you Lord.." Bulong ni Khalil

"Puwede mo na siyang puntahan, sasamahan kita." Sabi ng Doctor kay Khalil, pumasok sila sa kuwarto kung saan nakahiga si Arah at nagpapahinga.

Nanlaki ang mga mata ni Arah ng makita si Khalil, may pagtataka sa mukha niya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ni Arah

"Ah Miss, siya ang nagdala sa iyo dito sa hospital, mabuti na lang at nadala ka niya agad dito, naagapan ang allergies mo." Sabi ng Doctor

"Siya po?" Tanong ni Arah, tumango lang ang Doctor.

"Maiwan ko na muna kayo." Sabi ng doctor at lumabas na.

"Salamat." Sabi ni Arah, nakatingin lang si Khalil sa mga braso ni Arah.

"Walang anuman. Puwede bang magtanong?"" Tanong ni Khalil

"Ano 'yon?"

"Bakit ganyan yung balat mo? I mean, madalas ba mangyari 'yan?" Tanong ni Khalil

"Hindi. Allergy 'to, kapag nabasa ng ulan, nagpapantal." Seryosong sabi ni Arah

"Sige. Magpahinga ka na para gumaling ka agad, uuwi na ako. Hinintay ko lang na magising ka."

"Salamat ulit."

Ngumiti lang si Khalil bago lumabas, nagpahinga na si Arah na namamaga pa rin ang buong katawan.

CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ★

"Kuya, tama na yan. Lasing na lasing ka na oh!" Saway ni Rainne sa akin, hindi ko matanggap. Hindi ako nakapagsalita noong binabanggit ni Arah ang mga salitang yun. Ang tanga ko! Wala akong kuwentang boyfriend! Wala ako nagawa kasi napagod na din ako pero dapat hindi ko siya sinukuan. Dapat hindi ako nagpadala sa Alpa na yun! Sinira niya kami, sinira niya ang relasyon namin!

Miss na miss ko na si Gammy, hindi ako susuko sa kanya pero bibigyan ko siya ng oras para makapagpahinga , alam kong kailangan niya rin ng space, ako ang lakas niya pero ngayong wala ako sa tabi niya, paano?

"Kuya, parating na sila Mommy, itigil mo na 'yan."

"Rainne, ano'ng nangyayari sa Kuya mo?" Tanong ni Mommy, kakarating lang nila galing sa tatlong araw nilang business trip.

"Ewan ko Mom, kagabi pa siya ganyan." Sagot ni Rainne

"Anak, may problema ba?" Tanong ni Daddy, tumango ako.

"Nandito kami, puwede mong sabihin lahat para maibsan ang nararamdaman mo."

"Dad , ang g*go ko! Nasaktan ko si Arah. Ang t*nga t*nga ko Dad. Ano'ng gagawin ko Mommy?" Umiiyak na sabi ko, nasasaktan din ako.

Wala naman akong gusto kay Alpa, loyal ako kay Arah. Na-engganyo lang ako na sumama sa kanya kasi ang mga hilig niya ay hilig ko din, hindi ko alam na magiging ganito.

Ikuweninto ko lahat sa kanila, lahat ng detalye, lahat ng sinabi ni Arah sa akin. Umiiyak si Mommy at si Rainne, lalong lalo na si Tita Rica.

"Clefford, bakit mo ginawa yun? Hindi mo iniisip yung nararamdaman niya? Wala siyang ibang hinangad kun'di ang mapasaya ka, bakit mo nagawa yun! Hindi ka ba nag iisip? Gusto niyang magpakasaya kasama ka para sa mga nalalabing araw niya. Paano na ngayon?"

"T-Tita, ano po'ng sabi ni'yo?"

"W-Wala. Aayusin mo 'yan, kausapin mo siya." Sabi ni Tita Rica at umakyat na sa k'warto niya, nagtataka akong nakatingin sa kanya, hindi ko masyadong naiintindihan ang sinabi niya.

Kinabukasan, itenext ko sila Melody at Chordie, sabi ko ay magkita kami.

Nagpunta na ako sa may school, ang sabi ko ay doon kami magkita.

"Clefford, nag-usap na ba kayo ni Arah?" Iyan agad ang bungad na tanong ni Melody sa akin.

"Sorry." Sabi ko, nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na nakahiga na sa semento at nalasahan ko ang dugo buhat sa pumutok kong labi.

Sinuntok ako ni Chordie, malakas.

"Sinabi sa amin ni Rainne kagabi ang lahat. Clefford, bakit mo ginawa yun?" Gigil na tanong ni Melody

"Hindi ko sinasadya. I'm sorry.." Sabi ko at pinipilit tumayo.

"Sorry 'tol, ginawa ko 'yan hindi dahil galit kami, ginawa ko 'yan para matauhan ka. Hindi mo pa alam lahat, hindi niya sinasabi sa 'yo kasi ayaw niyang mag-alala ka. Ang gusto lang niya ay maging masaya kayo palagi. Sa tagal naming magkakaibigan, noong dumating ka lang sa buhay niya siya naging masaya tapos ngayon?! Malihim siya sobra, hindi siya madalas magkuwento." Sabi ni Chordie

"Clefford naman, parang awa mo na. Ayusin mo 'to! Ayaw kong mangyari yung dati! Ayaw ko Babe!! Tawagan mo siya, hahanapin natin si Arah." Umiiyak na si Melody

"Teka, ano'ng sabi mo Melody?"

"Ayaw kong mangyari yung dati , ayaw kong maisipan na naman niya yun." Napakunot-noo ako. "Clefford, she attempt su*cide, two years ago, dalawang beses yun nangyari. Noong una, nakita namin siya na tatalon sa 4th floor ng Mall, mabuti na lang at napigilan namin. Yung pangalawa, magbib*gti sana siya kaso may pumasok daw sa isip niya, parang may nagsasabi daw na hindi pa niya oras kaya napigilan niya, natatakot ako na baka mangyari na naman yun. No!! Hindi p'wedeng maulit yun, no!!" Umiiyak na sabi ni Melody at niyakap siya ni Chordie.

Napaupo na lang ako sa semento at napasabunot sa ulo ko.

Nag-attempt siya ng su*cide? Hindi p'wede!!

Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nangyari yun.

 
* END OF CHAPTER 39 *

   — gytearah 🎸

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Where stories live. Discover now