"Kanino?" Tanong ko.

"Sikreto muna." Uminom siya ng beer. "Balik tayo sa topic. Alam niyo, malungkot ako pero ayoko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay kaya naisip kong hindi ako malungkot. Masaya ang mabuhay."

Ang gulo naman. "Oo masaya ngang mabuhay. Pero hindi mo na alam kung ano ang mangyayari bukas." Sabi ko.

"May boyfriend ka. Magpakasal kayo." Sabi niya na iiling iling pa.

"Hindi pa ako handa."

"Nagtaka lang ako. Nacancel ang date niyo para lang sumama ka dito. Bakit?" Tanong niya. Hay naku! Bakit nga ba? Dipende naman kasi 'yan.

"I don't know. Hindi naman ako masaya talaga eh. Malungkot ako. Sinagot ko ang boyfriend ko para maging masaya. Pero walang nagbago sa ngayon. Siguro sa susunod na mga araw o years?" Nakatingin lang si Maico sa'kin.

"Maghintay ka lang. Malay mo sumaya ka sa kaniya. Bago lang kayo. Pero hindi mo naman siya sasagutin kung hindi ka attracted sa kaniya o walang nararamdaman."

"He's quite handsome. But boyfriend na lang kasi ang kulang. Pero kung masaya naman ako. Bakit ko pa siya sasagutin? Ayoko pang mag-asawa."

"Huwag mong kunin ang happiness mo. Damahin mo. Kung may kulang sa buhay mo, hindi ikaw ang makakapagsabi nun. Ang kapalaran."

"Hindi ko nga madama eh." Nakakatampo ang mga ganung advice. Ayoko na. Dinamihan ko ang inom.

"Kung nagawa mong icancel ang date mo, hindi boyfriend ang hanap mo. Kung iniisip mong boyfriend ang kasagutan sa malungkot mong buhay, dapat masaya ka ngayon. Dapat kuntento ka na. Dapat natutulog ka na."

"Rosen, pwedeng tama ka. Pero doon din naman ang punta nun. Wala na akong magagawa. Hindi pwedeng nakatunga-nga lang ako." Actually nagdududa na ako sa mga sinasabi niya. May gusto ba siya sa'kin? Nonsense para sa'kin ito.

"Pero masaya ka ba ngayon?"

Hindi ako masaya. Gusto kong magsinungaling pero hindi ko na kaya. "Nasa-akin na ang lahat. Pero parang walang nangyayari sa buhay ko. I'm not satisfied. Walang twist. Maybe kaya kita tinanggap sa trabaho para may mangyaring kakaiba. Pero wala parin. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Napansin ko si Maico na umiiling lang. How many times had she embraced me because of my tears?

Sumabat si Maico. "Alam mo Rosen, hindi ikaw ang makakasagot sa tanong ni Ken. Oo alam mong may lungkot ang mga mata niya. Pero sa dinami-dami ng kaibigan niya, walang makapagpaliwanag kung bakit siya malungkot. Kaya kung gusto mong magbigay ng advice, isipin mo muna na nasabi na ng iba 'yun bago mo i-advice."

Okay lang naman sa'kin na mag advice si Rosen. Gagaang siguro ang loob ko kahit papaano kahit narinig ko na. "Gaya nga ng sinabi ko, hindi boyfriend ang hanap niya. 'Yan ang mga advice 'di ba? Ang love life? Alam ko na 'yan." Umiling si Rosen.

"So, kung hindi boyfriend, eh ano? Walang kulang sa kaniya. Boyfriend na lang."

"Hindi ko pa masasabi. Kasi ayon sa kaniya, hindi niya mahal ang boyfriend niya, kaya ko nasabi dahil dapat wala siya ngayon dito. Kaya ko nasabi ay dahil sa sinabi niya na kaya niya sinagot ang boyfriend niya ay para sumaya."

"Ano naman ang mali doon?"

"Kailangang maging masaya ka muna bago mo siya sagutin. Mahalin mo muna siya. Kaya dapat mula bukas, paikutin mo ang mundo mo sa kaniya. Hindi sa'min. Kung sa umpisa pa lang ay pasaway ka nang girlfriend, hiwalayan mo na siya!" Hindi ko alam kung madidismaya ako pero parang gusto niyang hiwalayan ko ang boyfriend ko.

"Bakit ba parang apektado ka?" Reklamo ni Maico. Pero okay lang sa'kin. Mas gumaang ang loob ko pag gusto ko ang nag-aadvice. Unang unang nag advice sa'kin matapos kong magkaroon ng boyfriend pero malungkot parin ako.

"Dahil importante ang kalagayan niya!" He cares for my happiness. Why Rosen?

"Pero buti pa 'yung iba.." Uminom pa ako. Binaba ko ang bote. "Kahit nakaupo lang sila at naghihintay. They used to go with the flow but they've got whatever I never get. Bakit ba kasi? Dahil ba masyado akong concern sa happiness ko? Masaya naman ako ah. Pero malungkot dahil wala akong problema. Kailangan kong magkaproblema. I was doing it. I'm done pero parang kulang pa." Nakatingin lang sa'kin si Maico. "Problema ang ginawa ko ngayon pero tingin ko, ayos lang ang lahat. Hindi kasi ako natatakot na magalit si Jordan. Ano ba ang gagawin ko?"

"Kasi hindi ka pa nabobroken heart. Lahat ng tao nasasawi, ikaw na lang yata ang hindi." He said seriously. Napatingin ako kay Maico.

"Ikaw Maico, mabroken heart ka na?" Tanong ko.

"Hindi!"

"Masaya ka?"

"Oo kasi natupad ang pangarap ko. Ayoko pang magboyfriend dahil kuntento ako sa buhay ko. 'Wag kang papaniwala sa taong 'yan. Nanghuhula lang siya." Tumawa lang si Rosen dahil sa sinabi ni Maico.

"Alam mo Maico, kasi nagpursigi ka. May hindi ka pa nakukuha noon na nakuha mo na ngayon. Pero siya." Tinuro ako ni Rosen. "Lahat na nakuha niya, wala nang mahihiling pa. Kaya once na mabroken heart siya, saka niya malalaman na ang taong nawala o bagay ay ang happiness niya. Sa ngayon wala pa. Pero hintayin mo lang."

OH MY GOD! Hindi kaya? Si Rosen ang happiness ko? Alam ba nila na nung nawala siya, naging malungkot ako? Ngayon ko naalala na kaya nacancel ang date ay dahil kay Rosen. Si Rosen na ba talaga? Imposible. Bakit masaya ako ngayong kasama ko siya pero pag umuwi ako, back to reality? 'Yun ang kinatatakot ko. "Wala akong masabi." Sabi ni Maico.

"Paano mo ba nasabing lahat 'yan, Rosen?" Tanong ko.

"Ayoko sa inyo sa totoo lang. Kaya hindi kita pinakiharapan ng maayos. Pero dahil tinanggap mo ako ng maayos, nahiya ako sa'yo. Ginawa ko ang lahat para hindi ka sisihin ng mga tao. Hindi ko ginawa 'yun dahil para sa'yo. Naisip ko lang na masaya palang may trabaho, masaya palang tinatanong ka ng mga tao kung ano ang trabaho ko unlike before na wala akong masabi. Ngayon masaya pala 'yun. Kaya hindi ko basta basta bibitawan ang bagay na nagpapasaya sa'kin. Magpopost sa FB kung ano ang ganap. Masaya pala."

"Hi-hindi ko maintindihan, Rosen." Ayoko na ng advice, I'm even sick about those advices they've given. But this time, parang may matututunan ako. "Rosen!" He looked at me. "Nahulaan mo bang malungkot ako sa buhay." Hindi ko ugaling magtanong ng ganun dahil very awkward. Pero dahil sa alak, medyo hindi na ako nahihiya.

"Hindi ko gusto ang katulad mo, maganda, ginagalang, mayaman at masungit sa tulad ko. Iisa lang kayong lahat. Pero noong time na tinanggap mo ako, malaki ang katanungan ko sa sarili ko. Bakit ka ganun? Araw araw kong katanungan 'yan." Napansin ko si Maico na seryosong nakikinig lang. "Hindi ako ang tipong papatalo sa katulad niyo. 'Di bali nang hindi niyo ako pansinin basta, hindi niyo ako magagawang maliitin o kaya naman pahiyain sa sarili ko. Lalaban at laban ako. Maghihiwalay tayong may marka ng pag-aaway, hindi ako 'yung tipong, matapos niyo akong sawayin sa mali ko, magsosorry lang ako. Nang tumagal na, saka ko narealize na walang taong bumabastos sa'yo. Hindi mo naranasan ang tutulan, lahat sang-ayon sa'yo, lahat humahanga sa'yo, maliban sa'kin. Nang unang magkausap at tinanggap mo ako, medyo sumaya ako dahil may taong nagtiwala sa'kin sa unang pagkakataon. At dahil sa pinakita kong ugali sa'yo nung una, naisip kong hindi ko na baguhin pa dahil doon ako nagsimula. Doon mo ako pinagkatiwalaan. Habang tumatagal, nakita ko ang lungkot sa mga mata mo. Sobrang perpekto kang babae." Tumahimik muna kaming saglit. Ganun pala ang pagkakakilala niya sa'kin. Kaya pala. "Walang galit sa puso mo kaya hindi ka masaya. Siguro kahit malungkot ka, tanggap mo ang lahat."

Nagalit ako kay Danilo. Nagalit ako dahil sa nangyari. Hindi pumasok ng dalawang araw si Rosen. Masaya ako ngayon. Bakit parang kulang pa? Pero naiintindihan ko na. Hindi talaga ako malungkot ngayon, kailangan ko ng bagay na magpapalungkot sa'kin para malaman ko kung anong bagay ang magpapasaya sa'kin. Hindi ko makita nung una ang bagay na nagpapalungkot sa'kin dahil wala naman talaga. Ngayon pag nawala si Rosen, malulungkot ako. Ikaw na ba Rosen?

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now