CHAPTER ONE

2 0 0
                                    

Untamed Tiger

"BEEESSSS! HOY BESPREN! Pautang naman ng ketchup oh. Di ko matitimpla ang sawsawan ng mga adik sa isaw ko, dahil ubos na. Bes!" Kumatok ako ng napakalakas sa pintuan ng bespren kong si Mika. Pero tila hindi nakapaglinis ng tenga ang lokaloka kong bespren. "Bes! Kung di mo ako papautangin sasabihin ko sa mama mo kung gaano kalakas ang ungol mo pagnanunuod kayo ni Ico ng--"

"Oh!" Bumukas bigla ang pintuan ngunit tanging kamay lang ng kaibigan ko ang nakalabas. "Sayo na yan, itimpla mo kasama ang plastic!"

"Eh di mawawalan ako ng mamimili niyan!"

"Yan! Yan ka! Malaki ang kita pero inuutang paninda namin."

"Ano nga yung pinanood niyo nung nakaraang araw?"

"Neknek mo!" Isinara nito ng napakalakas ang pintuan kaya malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ko hanggang makabalik ako sa pwesto ko. Ang pinanuod lang naman nila Mika ay yung tutorial ng pagmamasahe at nagdemo lang naman si Ico sa kanya, kaya ayong lakas makaungol ng bruha. Fast learner kasi raw si Ico.

"Georgi, ito bayad ko dalawang isaw at isang puso yan." Tiningnan ko si Julio na nasa harapan ko na inaabot ang bayad niya. Pero teka, lima ang inorder nito kanina at apat na puso ah.

"Julio, wag na wag mo akong pinagloloko! Limang isaw at apat na puso yung kinain mo!"

"Hoy, sa dinamirami ng customer mo aber. Pano mo nasabi?" Medyo maliwanag pa kaya hindi pa karamihan pa ang kumakain. At dalawa pa silang kumakain sa pwesto ko at mahirap din naman yung isa eh isang isaw lang ang binili.

"Hoy ka din! Di ako ulyanin kagaya mo dahil sa kakahithit ng bitsen!"

"Loko ka pala eh! Ano suntukan nalang tayo? Hindi kanaman babae eh!"

"Hoy babae ako, may suso panga ako eh. At kahit babae ako kaya kong patumbahin ka loko ka! Umalis ka nga rito! Nakakainis yang mukha mong parang inidoro!"

"Langya ka ah!" Kinwelyuhan niya ako at mabilis na suntok ako sa mukha kaya napatumba ako. Kumuha ako ng lakas sa barbeque stand ng natumba ito dahil nalakasan ko yata ng hila. Napamura ako dahil dun.

Sayang lang naman ang uling na binili ko, byente pa naman ang bili ko at nakipagpatawaran pa ako sa palengke. Tumayo at patalon akong lumapit kay Julio at dinamba siya ng sunodsunod na suntok. Kinwelyohan ko siya at inilabas ko ang gigil ko sa kanya.

"LANGYA KA PALA EH! LUGI NA NGA AKO SA NANGYARI SAAKIN NONG NAKARAANG ARAW DUMAGDAG KA PA! ANO? GUSTO MONG MABANKRUPT AKO?"

Naalala ko tuloy ang nangyari nong isang araw, sa divisoria. Parang bola lang naman na nawala ang limang libo ko dahil pinambayad sa hospital ng sinipa ko. Paano ba naman kasi hindi siya umamin na ninakaw niya ang bra ko nang nagsidatingan ang mga pulis. At langya may dumating pang colonel sa presinto at sinabing walang sala daw ang lalaki.

"Sir! Kita ko sa dalawang mga mata ko na hawakhawak niya ang bra ko!"

"Someone put it on my hand dimwit!"

"Dimwit mo mukha mo! Ang manyak mo!"

"You pay for my hospital bill after this."

"Hoy! Ano'ng hospital bill sinasabi mo?"

"The amount of money you should pay--"

"Hoy! Di ako bobo! Maka explain ito parang ang talino!"

"If you just know how intelligent I am, dimwit!"

"Di ko nga alam at wala akong planong malaman!"

"Can you let her shut for awhile, my ears are going to be numb because of her gaunt voice."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi, Georgi MentezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon