PROLOGUE

5 0 0
                                    

PROLOGUE

"Bes, nandito lang yon kanina eh!" Hinaluglog ko pa ang buong comfort room pero wala talaga ang bra ko. Napaupo ako sa toilet bowl dahil pinagpapawisan na ako. Inalala ko kung saan ko sinampay ang bra ko pero tanging sa pintuan ko lang nasampay yun.

"Bakit mo kasi hinubad?" tanong ng kaibigan ko na nasa labas ng cubicle.

"May langgam kasi kanina sa ilalim ng dibdib ko. Kaya hinubad ko muna pero di ko naman maisip na mawawala yun. O baka may kumuha?" Napatayo ako bigla dahil sa sinabi ko. Hindi naman mawawala yun kung walang kumuha. "BES! MAY KUMUHA NG BRA KO!"

"Loka to! Sinong magkakainteres sa bra mo aber? Na sinusuot mo good for 4 days!" Pabagsak na binuksan ko ang pintuan ng cubicle ko at pinakita ko sa kaibigan ko ang kamao ko na inirapan lang niya. "Totoo naman Georgi! Malaki naman ang kita mo araw-araw sa pagbibinta ng isaw pero kahit bagong bra di ka makabili."

"Bigay yun ng-"

"Lola mo na namatay na dalawang taon na ang nakakaraan. Grabe ka naman lakas makasentimental value kahit sa bra baka yang panty mo bili ng lola ng lola mo, pangilang araw na suot na ---aray!"

"Isa pa at tatadyakan na kita!" Napatingin ako sa labas ng pambabaeng CR nang mahagip ko ang lalaking nakatalikod sa kanila nakaitim na tshirt at maong na pantalon at hawakhawak nito ang BRA LANG NAMAN KO NA HALATANG SA AKIN DAHIL NAKATAHI ANG STRAP.

"Bes! Bes!" Pilit kong inaabot ang kaibigan ko habang nakatingin pa ako sa lalaki. Pero di parin sumasagot ang kaibigan ko kaya tiningnan ko siya at langya lang nakatutuk pala sa cellphone. "BES!"

"ANO?"

"Bra ko." Ininguso ko ang lalaki at nagulat naman ang bespren ko. "Ano bang trip nito?"

"Georgi, kunin mo na bra mo dali!"

"HOY! BRA KO YAN AH!" Bigla nalang tumakbo ang lalaki kaya hinabol ko ito. At dahil na sa divisoria kami ay marami akong mga paninda na nabangga pero hinahabol ko parin ito. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero patuloy parin ang lalaki sa pagtakbo kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"HOY! IBALIK MO ANG BRA KO!"
Bobo mo talaga Georgi, baka malaman ng tao na wala kang suot na bra.
"MAGNANAKAW!"

Lumiko ito sa pinakadulo kaya lumiko rin ako pero di ko ito nakita. Humihingal na naglakad ako at palingalinga sa paligid. Napamura pa ako at pinunasan ang pawis ko sa noo. Babalik na sana ako kay bespren nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakaitim at nakamaong na shorts pero nakabull cap na ito at nakatitig ito sa kamay nitong nakahawak sa bra ko lang naman.

"Gago to ah. Mas bobo pa sa akin, kahit mansombrero siya makikilala ko ang magnanakaw ng bra ko."
Lumapit ako sa kanya at malakas na tinadyakan ang kilirang bahagi ng katawan niya.

"FCK!"
Sosyal pang magmura ah.

I WAS BUSY strolling in the street vendors when suddenly a man ask me if I can hold something. I haven't answer yet when he put a soft thing in my hand. A brassiere? What the fck! Then out of nowhere someone kick my side so hard that leads me to be totally lying on the ground.
"FCK!" I cursed.

"MAGNANAKAW KA! IBALIK MO ANG BRA KO!" I push myself up and I face the one who kick me. She's a girl with parched and hideous hair making her looks like a witch. "ASAN ANG BRA KO!"

She's accusing me as a thief of a bra. For heaven's sake, I won't be a bachelor who stole a bra!

Hi Georgi Mentez
by Cherry Ann Sollano

  © 2019 Cherry Ann Sollano. All Rights Reserved.

No part of this novel may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying without written permission of the publisher or author. The exception would be in the case of brief quotations embodied in the critical articles or reviews and pages where permission is specifically granted by the author.  

 This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Hi, Georgi MentezWhere stories live. Discover now