"Ayoko. Bakit ko naman sasabihin sayo?"
Sagot ko sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ng mukha ko at unti-unting iniharap sa kanya.

Nagka tinginan na kami pariho ni Sky sa mga mata habang may ngiti sya sa labi.

"Dahil gusto ko"
Simpleng sagot niya. Napalunok ako ng laway. Bakit ang lakas ng karisma ng anghel na ito. Ang mga tingin nya para akong natutunaw na parang yelo buti nalang talaga nakaupo ako sa upuan ko kung hindi ay kanina pa ako bumaksag sa sahig.

"Pwede bang wag mo ng alamin"
Pag mamakaawa ko sa kanya habang naka tingin parin kami sa isa't-isa sa mga mata habang magkalapit.

Napa ngisi sya habang nakayuko at tumingin ulit sa akin.

"Kung ayaw mong sabihin ako ng aalam"
Sabi niya na hindi ko maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa at umiling.

"Wala, tara na nga kumain na tayo"
Sabi niya at inaya na akong lumabas sa classroom.

Nasa canteen na kami at kumakain ng may bigla nalang nagkagulo sa labas ng canteen sa may hallway.

"Sky anong ingay na iyon? Bakit nagsisigawan sila sa labas?"
Kinakabahan kong tanong. Biglang tumayo si Sky at nilapitan ako.

"Dito ka lang wag kang lalabas"
Bilin niya sa akin at agad ng tumakbo palayo kung saan nanggaling ang kaguluhan.

Tinawag ko ang pangalan niya pero parang bingi na deretso lang na tumakbo palabas.

Kinabahan ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko kaya napatayo ako at sinundan si Sky.

Narinig ko sa mga anghel sa loob ng canteen na may tatlong demonyo ang nanggulo dito sa University at inataki ang mga anghel na kasalukuyang nasa hallway naka tambay.

Namataan ko si Sky na niniligtas ang anghel na sugatan laban sa mga demonyo.

Bigla akong nag alala, sisigaw na sana ako ng may biglang humila sa akin. Pag lingon ko si Chase lang pala na hinahabol ang kanyang hininga. Parang tumakbo sya papunta dito galing sa teachers office.

"Bella, lumayo na tayo dito. Dilikado sa lugar na ito"
Pag aalala na sabi ni Chase at hinila na ako palayo sa kaguluhan.

Pero bago kami makalayo. Mas lalong nagkagulo dahil sa pagsabog nagtakbuhan ang mga anghel dahilan ng magkahiwalay kami ni Chase.

Tawag ako ng tawag sa pangalan niya pero hindi ko sya marinig sa ingay at dami ng anghel sa paligid ko. Unti-unti akong umurong dahil sa mga anghel na nagkakagulo ngayon sa paligid.

Nagsidatingan na din ang mga senior year at mga sophomore para tigilan na ang mga demonyo sa panggugulo.

Namataan ko si Sky na nasa himpapawid at sugatan.

Gusto ko sana sya lapitan pero may biglang tumakip sa bibig ko at inilayo doon sa mga nagkagulo.

Hanggang sa unti-unti kong naramdamang nahihilo ako.

Tika, sino sila?.

Habang dinadala nila ako sa parteng madilim unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa hindi ko na kinaya at nawalan na lamang ako ng malay na walang alam kung sinong nilalang ang tumakip sa bibig ko.

*Chase Pov*

Natataranta akong hinahanap si Bella habang sinisigaw ang pangalan niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari mang masama sa kanya. Tiyak na mapapagalitan ako ng mga archangel pag nabigo ako sa pag po-protekta sa kanya.

Habang patuloy ako sa paghahanap kay Bella may biglang humawak sa balikat ko dahilan ng napalingon ako sa anghel na iyon.

"Bakit?!"
Naiirita kong tanong sa kanya. Sinamaan niya naman ako agad ng tingin.

"Nasaan si Bella?"
Tanong ni Sky. Hinarap ko sya at tinulak palayo.

"Bakit ko naman sasabihin sayo. Wag ka ngang makialam!"
Sigaw ko sa kanya. Ramdam kong nagagalit sya sa akin pero wala akong pake alam. Basta ang importante mahanap ko agad si Bella.

Biglang napamura si Sky sa likuran ko dahilan ng mabigla ako at napatingin sa kanya.

Nakita kong tumakbo na sya palayo at nagmamadali. Bakit ba nagmumura ang anghel na iyon alam ng lahat pinagbabawal iyon ng langit.

Tsk! Bahala na nga sya sa buhay niya. Tiyak na hindi sya tatanggapin sa kaharian ng Diyos pagka graduate namin.







° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن