Chapter 10: Chase, mission

854 29 0
                                    

»»»

Palapit na kami ngayon sa kaharian ng Diyos ng may iba akong nararamdaman na kakaiba.

Bigla nalang sumakit ang aking pakpak. Para itong nasusunog na hindi ko kayang igalaw ng maayos.

Tuluyan akong nahuhulog sa kalangitan ng walang ibang nakakapansin sa aking mga anghel dahil nasa hulihan nila akong lahat.

Pero si Chase malakas ata ang pakiramdam at napalingon agad sa akin na may pagkagulat at mabilis akong sinalo.

"Oh, shoot! Bella, ayos ka lang?"
Pag alalang tanong nya sa akin. Nanghihina akong sumagot sa kanya.

"Parang napapaso ang mga pakpak ko Chase"
Naiiyak kong sagot sa kanya dahil sa subrang sakit. Tinignan nya ako tapos lumipad nalang sya palayo sa kaharian ng Diyos.

"Uy Chase anong ginagawa mo?"
Tanong ko sa kanya. Seryoso naman din syang lumipad pabalik sa school habang buhat ako.

"Kailangan mong lumayo sa kaharian ng Diyos hindi ka dapat pwedeng makaapak doon"
Seryosong sagot nya na kinakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"
Kinakabahan kong tanong.

Bakit kailangan kong lumayo? Bakit hindi ako pwedeng maka apak. Ang ibig ba sabihin nito hindi ako tanggap? Dahil ba sa kakaiba ako?.

Sa subrang pag iisip ko sa mga bakit at sa anong dahilan. Bigla nalang akong napaiyak sabay takip ko sa aking mukha.

Biglang napatigil si Chase ng marinig nya ang pag-iyak ko.

"Bella, tama na wag ka ng umiyak. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng nangyayari at sasabihin ko na ang lahat-lahat ng tungkol sayo at pati na sa akin"

Nang marinig ko ang sinabi nya napatingin nalang ako bigla sa mukha nya.

"M-may alam ka tungkol s-sa... Akin?"
Kinakabahan kong tanong sa kanya. Tinignan nya muna ako ng masinsinan bago sya unti-unting tumango.

"Mamaya ko ipapaliwanag sayo pag dating natin"
Sagot nya sa akin at mabilis ng lumipad pabalik sa University.

Nang makarating kami sa School mabuti na din ang pakiramdam ko at hindi na sumasakit ang pakpak ko.

Kaya nagpababa na din ako sa buhat ni Chase at nagpasalamat agad sa kanya.

"Talaga bang ayos kana? Okay lang naman sa akin kung buhatin kita papasok"
Nag aalalang sabi nya sa akin. Umiling ako at ngumiti.

"Oo Chase wag kang mag alala. Ayos na talaga ako"
Sagot ko sa kanya. Napa buntong hininga muna sya at ngumiti na rin sa akin.

"Kung ganun tara, sundan mo ako"
Sabi nya sa akin sabay abot nya ng kamay nya sa harap ko.

Tinignan ko muna ito bago hinawakan sabay naglakad na din kami papasok sa dambuhalang gate na magkahawak kamay.

Ilang sandali sa paglalakad na pansin kong papunta kami ngayon sa dormitory building. Paakyat na kami ngayon sa mahabang hagdan na pinagtataka ko.

"Chase bakit tayo nandito?"
Tanong ko sa kanya. Lumingon naman sya sandali sa akin at deretso na ang tingin sa hagdanan pataas.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now