Chapter o2: The Cloaked outside the Window

1.6K 40 3
                                    

• • •
Nakarating na kami ni Sky sa dorm namin. Inilapag na niya ang mga gamit namin sa gilid.

Nakapagtataka nga kasi si Sky kanina pa siya tahimik simula nung nagtama iyong paningin nilang dalawa sa babaeng tumulak sa akin kanina.

Hindi ko tuloy maisip kung kilala ba iyon ni Sky o hindi. Pero sa mga kinikilos niya parang naiinis siya na iwan ng makarating kami dito.

"Sa kanan ang kwarto mo at sa kaliwa naman sa'kin. Ito ang maleta mo kaya mo naman siguro yan"
Malamig na sabi niya at agad kinuha iyong mga gamit niya at diritso ng pumasok sa kanyang kwarto ng walang lingon-lingon sa akin.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa sinarado na niya ang pinto ng kwarto niya. Napa buntong hininga nalang akong napaupo sa sofa at muling tinignan ang nakasiradong pinto ng kwarto ni Sky.

"Ang weird nya may problema ba iyon?"
Bulong kong pagtataka at napag pasyahan ng buhatin ang maleta ko papunta sa kwarto.

Nang makapasok ako sa kwarto agad akong namangha ang ganda completo sa gamit tulad ng nasa labas ng kwarto namin ni Sky. Agad kung ibinagsak ang maleta ko sa kama at binuksan agad ito para ilagay ang mga damit sa closet. Ilang minuto sa pag aayos natapos din ako.

Napahiga nalang ako sa kama ko na pagod na pagod at napa tigtig nalang sa kisame.

Napalingon ako sa whole body mirror sa gilid at bumaba sa kama para tumayo sa tapat ng salamin.

Tinitigan ko ang sarili ko at napagpasyahan na i-lock ang pinto bago ko ituloy ang gustong gawin ng isip ko.

Matapos kong sirhan ito bumalik ulit ako sa harap ng malaking salamin at agad na inilabas ang aking pakpak.

Napatingin ako sa kabuuan nito. Ibang-iba talaga ako kisa ibang mga anghel. Doble kasi ang pakpak ko imbis na dalawang pakpak lang apat sa akin. Kulay ginto pa ang mga balahibo kaya halatang kakaiba talaga. Sa amin dalawa ni Tita kapansanan lang ito. Kasi iyong mga parents ko normal lang naman sila na mga anghel ako lang talaga na anak nila iyong kakaiba.

And speaking of parents wala na sila. Namatay na nung pinatay sila ng mga demonyo kaya si Tita nalang talaga ang naiwan sa akin na pamilya kapatid ni Papa.

Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Nakarinig nalang ako ng ingay sa labas ng bintana. Nang tignan ko nahuli kong may naninilip sa akin kaya agad ko ng tinago ang pakpak ko.

Bigla akong kinabahan kaya agad akong tumakbo at lumapit sa bintana at hinanap ang anghel na nakakita sa akin. Pero ng makita ko nasa lupa na ito at tumatakbo na palayo habang naka suot ng cloak.

Lumipad siguro iyon para sumilip lang sa akin sa bintana pero hindi required magpalabas ng pakpak diba nasa rules iyon? Pero bakit niya ginawa?.

Sa subrang kaba ko hindi ko na inisip pa ang mga tanong na nasa utak ko at agad ng lumabas ng kwarto. Pero pag bukas ko bumungad naman agad sa akin si Sky na nabigla din sa akin.

Umiling nalang ako at nilagpasan siya pero pinigilan naman din niya agad ako gamit ng paghawak niya sa braso ko.

"Okay ka lang ba? Nagmamadali ka ata?"
Pagtatakang tanong niya. Tinanggal ko naman din ang pagkakahawak niya at agad nagsalita.

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Where stories live. Discover now