"Ano ba'ng ginagawa mong babae ka? Bakit kailangan mo pang maglock? Wala namang magkakainteres na mag-rape sa 'yo dito!" Patuloy pa rin ang pagkalampag niya sa pinto.

"Good evening, kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinner natin!" masiglang salubong ko sa kanya. I tiptoed to kiss him. Tinabig niya ako. Malakas. Napasandal ako sa pader. Napangiwi. Gumuhit ang nakakangilong kirot sa likod ko.

He always hurt me emotionally, but he never hurt me physically. Ngayon lang.

Tumalikod siya. Minamasahe ang sintido. "Wala akong ganang kumain. Lalo na't luto mo ang nakahain," he grumbled. He didn't even bother to look at my swollen eyes.

Kinagat ko ang labi. Pinipigilan ang mapaluha. I'm not a good cook but I'm doing my best to please him as his fiancée.

For the past two months we're together in this house, na pinagawa talaga ng mga family namin, never pa siyang naging mabait sa akin 'pag kaming dalawa lang. He just treated me nicely when we were in front of our parents.

Hindi ko nga alam kung siya ba talaga ang kasama ko sa mga oras na iyon o ibang tao. Mas gusto ko pang araw-araw na nandito ang mga magulang namin para araw-araw ding sweet sa 'kin si Grant.

After that incident almost a year ago, our parents decided that Grant should marry me.

Grant doesn't love me, I know.

But he's really obedient when it comes to his parents. He doesn't want to disappoint them. Kahit na sobrang labag sa kalooban niya... pumayag siya.

Ako naman, sobrang mahal ko lang talaga siya. Ito na ang pagkakataon ko para maging akin siya, papalagpasin ko pa ba?

Before the wedding, our parents gave us a year to stay in one house to develop our feelings to each other.

Gano'n kalaki ang tiwala ng mga magulang ko sa kanya. Kapag siguro nabuntis ako, matutuwa pa sila.

Hindi ko na rin kailangang gawin iyon. Hulog na hulog na ako kay Grant bata pa lang. Hindi na ako makakaahon. Kahit gustuhin kong umakyat, nahuhulog at nahuhulog pa rin ako.

Maybe he's the prospect of our parents. Kailangan niya rin akong matutunang mahalin na sa tingin ko sobrang hirap gawin. He really loathes me.

Kung hindi niya kayang suwayin ang mga magulang niya. Ako rin, hindi ko kayang mawala siya.

Lumapit ako kay Grant. Hinawakan ang braso niya. "Kailangan mong kumain. Tara, sasabayan na kita. 'Di pa rin naman kasi ako kumakain."

He harshly shoved my hand. "Shut it, Heather! You don't need to do this. Just ask our parents to stop this bullshit. Tell them than you don't love me so they'd cancel our wedding."

Tila may sumabog na bomba sa harapan ko sa sinabi niya. Nakakabingi. Nakakawala sa sarili. Sunod-sunod na parang may kinasa siyang baril at walang alinlangan na pinaputok sa 'kin.

How can I say to our parents that I don't love him and I don't want to marry him, when all that I ever dreamed is to be with him?

Napahawak ako sa dibdib. Pinipiga't tinutusok ito ng libong karayom. "G-Grant—"

"Shut up. Just let me go, Heather!" He shouted. Kulang na lang saksakin niya mismo ang puso ko para mas maramdaman ko ang sakit literally.

"N-no, Grant! I can't—"

"Yes, you can!"

Umiling-iling ako. Umiinit ang mga mata.

"Fine!" Sumenyas siya gamit ang hintuturo. May lumapit na babae sa kanya. Napaurong ako patalikod. Nanghina ang mga tuhod. Pakiramdam ko matutumba ako sa sahig, anytime.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now