Mukha namang nagulat si Leila perosa huli'y ngumiti ito ng nakakaloko. "Yeah, I like Vin a lot. Unang kita ko palang sakanya, nagustuhan ko na siya. Like who wouldn't? Mabait, gentleman, gwapo at mayaman na. Hindi ko lang matanggap ang katotohanang may..." she looked at her from head to toe "...girlfriend siya."



Erin scoffed after hearing Leila's words. "Well, sorry to say. Vin's mine. And there's nothing you can do about it."



Tumawa si Leila sa sinabi niya. "Oh my God! Girl, kung ang asawa nga naaagaw pa, boyfriend pa kaya?"



Nginisian niya nalang si Leila. Sira na talaga ang ulo ng babaeng ito. Ang lalas ng loob, partida alam nito na girlfriend siya ni Vin. Paano pa kaya kapag nalaman pa nito na hindi pa siya girlfriend ni Vin?



Balak naman talaga niyang sagutin na si Vin nang matuklasan niyang mahal niya ang binata. Ngunit, marami pa siyang iniisip muna. Pero mukhang hindi na dapat niya talaga iwasan si Vin, bukod sa nasasaktan lang siya, binibigyan niya lang ng oportunidad ang mga babaeng katulad ni Leila na umasa na makukuha nila ang puso at atensyon ni Vin.



Pero sorry nalang sila, kung sa atensyon baka panandaliang bigyan sila ni Vin niyon, pero nunca ang puso nito.



Alam niya, nararamdaman niya na nasa kanya parin ang puso nito. Kailangan na talaga niyang kumilos bago mahuli ang lahat para sakanilang dalawa.



"Tignan natin, Leila." mabagal na sabi niya habang nakangisi.




MAalis na sana siya nang may nakalimuan siyang banggitin rito. Nilingon niya muli ito. "By the way, red looks good on you. It really makes you look like a total bitch. Bye."



Siyempre hindi siya papayag na hindi man lang makaganti kay Leila. And seeing how Leila's mouth hanged open when she said those words made her feel satisfied.



Hindi siya santa. Inaamin niyang maldita siya.



And no one messes with Ellene Rae Romualdez.



--------------



Pagkabalik niya sa barkada ay tumabi na siya kay Vin. Mukhang nagulat naman ito nang makita siyang tumabi.



"You're ignoring my calls and texts lately." seryosong sabi nito.



Nakagat niya ang ibabang labi. Ayan nanaman ang kabog ng dibdib niya, lagi nalang sa tuwing katabi o malapit siya kay Vin. Lalo na kapag naririnig niya ang kaseryosohan nito. Gustong-gusto niya talaga kapag seryoso si Vin. Nakakatakot man, pero mas nagugustuhan niya itong ganun.



"I'm sorry, may mga iniisip lang ako." mahinang sagot niya. Alam niyang nakikinig ang mga kaibigan niya sa table kahit na nag-uusap ang mga ito.



Hinintay niyang sumagot si Vin pero hindi na ito muling nagsalita. Alam niyang galit ito sakanya. She leaned on him. "Sorry na.." malambing na sabi niya rito.



"Excuse me, that's my seat." pukaw ni Leila na ngayon nakatayo sa gilid niya.



Tinaasan niya ito ng kilay. "Marami pa namang bakanteng upuan diyan, may pinag-uusapan kami ng boyfriend ko."



"But I'm not finished with my food yet." pagdadahilan ni Leila.



Huminga siya ng malalim. Gusto na sana niyang bulyawan ito pero she restained herself from doing so.



"Bumalik ka nalang sa pwesto mo kanina, Erin." sabi ni Vin sa tabi niya.



Mabilis niyang nilingon ito. "Ano?"



"Sabi ko bumalik ka na sa pwesto mo,tama si Leila, pwesto niya iyan at hindi pa siya tapos kumain." sabi pa ulit nito.



At ang hudyo, inulit talaga ang sinabi! Pinapaalis pa talaga siya nito?!!!



She gaped at him. "Seryos ka ba?" mahinang bulong niya rito.



Hindi ito sumagot. Padabog na tumayo siya. Nakita niya pang nginisian siya ni Leila. Inirapan niya lang ito at bumalik sa dating pwesto niya.



She can't believe it! Pinaalis siya ni Vin sa tabi nito! Napahiya pa siya sa harap ni Leila. At nasasaktan siya! Gusto niyang magmura! Gusto niyang suntukin si Vin, gusto niyang ipalo sa mukha ni Leila ang bote ng ketchup. Gusto niyang magwala... gusto niyang umiyak.



Kasalanan naman kasi niya eh. Alam niyang galit talaga sakanya si Vin, pero hindi naman ito ganito magalit sakanya, kapag nilalambing niya ito ay papatawarin na siya ni Vin. Pero hindi na ngayon. Marahil siguro ay napagod na ito.



Is she too late?



Nakayuko lang siya sa plato niya. Her eyes are now starting to water, hindi niya kayang makita sa harapan niya ang magkatabing sina Vin at Leila.



Ayaw niyang makita ang mga reaksyon ng mga kaibigan niya. Ayaw niyang makita ang mga awa sa mga mukha nito, dahil hindi niya kayang tanggapin iyon.



Ang ayaw niya sa lahat ay ang kinakaawaan siya.



Kinuha niya ang bag niya at tumayo pero pinigilan siya ni Adie na katabi niya.



Bumaba ang hawak nito sa kamay niya. She felt so warm. Bakit parang sobrang pamilyar sakanya ng hawak na iyon? Bakit parang lumaki ata ang kamay ni Adie?



Unti-unti niyang iniangat ang tingin sa katabi niya and she was shocked na hindi na pala si Adie ang katabi niya kundi si Vin na.



"Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain." sabi nito sakanya at tsaka siya hinila paupo muli.



She looked at Vin at inirapan ito. Naiinis parin siya rito. Kahit na sabihing katabi na niya ito. "Akala ko ba ayaw mo akong katabi?" hindi niya maiwasan ang inis sa tono ng boses niya.



"I never said that. Ang sabi ko lang lumipat ka nalang sa pwesto mo kasi ako nalang ang tatabi sa'yo."



Nilingon niya ito, hindi man ito nakangiti pero alam niyang okay na ito. Still, hindi parin niya maiwasang mainis.



"Ubusin mo na ang pagkain mo." utos sakanya ni Vin.



"Wala na akong gana." tamad na sagot niya.



Vin shot her a warning look. Alam niyang ayaw na ayaw ni Vin na hindi siya kumakain pero wala na talaga siyang gana. "Please eat you food or I'll feed you."



Ngumisi siya. An idea just popped in her head. From her peripheral vision, she knows Leila is watching them.



"Sige, subuan mo nalang ako."




Mukhang nagulat si Vin sa sinabi niya pero sa huli'y napangiti nalang ito at umiling. "You're such a baby." sabi nito sakanya.



"Because I am your baby, right?" sabi niya. Alam niyang narinig siya ng lahat.



Tumawa si Vin at hinalikan siya sa labi. "Right." Oh how she loves this man. Kahit ano'ng gawin nito ay kinikilig siya.



Iniumang ni Vin sakanya ang isang kutsara ng kanina na may kasamang hiwa ng pork. Sinubo naman niya ito.



Vin wiped the side of her lips using his thumb and whispered something to her.



"Hindi pala kita baby, kasi ikaw ang reyna ko na handa kong pagsilbihan sa buong buhay ko."

-----------

VOTE AND COMMENT :)

Follow me @kendeyss

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon