001

85 5 1
                                        

“Backer”

Matalinong mundo, hinasa ba tayo o lalong naging iletirato?

Sa bawat paggising ko sa umaga, iba't-ibang persepsyon sa makabagong sosyedad ang aking natutuklasan at nalilimi sa isang buong araw.

Iba't-ibang talaga ng mga hindi o makabuluhang mga opinyon.

Binabaon ang mga natutuhang mataas ang kalidad ngunit ginagamit sa basurang paraan.

Sa mundong hindi mo na mawari kung alin ang ’yong paniniwalaan. Sinailalim tayo’t pinalamon sa panuntunang, marami ba ang tumangkilik sayo?

Mga superyor na pahayag mula sa kilalang tao ay ang panulak upang pulutin ng mga tao pati ang kahangalang dapat na itinatapon.

Walang pananaliksik. Walang sentido kumon. Walang represensyang kongkreto. Basta marami ang tumatangkilik, nasa panig ka ng tama.

“Kung ikaw lang naniniwala, baon mo na 'yan kasama ang utak mong tuyo, HAHAHAHA”

"Ba't kami sasama sayo, sino ka ba? ano ba katayuan mo?"

“Bobo ako pero hindi ako magsasalita ng ako lang ang naniniwala”

“Toxic, walang dulot.”

“Kilala natin 'yang si Mike, ang lakas naman ng apog nitong bugok na'to. Anong bang binatbat niyan?”

“500k likes, 3.6k comments, 1M shares”

“At tumigil ang mundo, isang bobo ang sumulpot at nagpalaganap ng katangahan.”

Isang susubok. Isang sambayanang haharang. Saan ka lulusot, paano ka haharap?

Sosyedad na kadalasan ay nauuna ang satsat kaysa magsiyasat.

Sentido kumong pinatulog lamang, basta ang mahalaga marami ka nitong tinatawag nilang, backer.

— S.P

ScreamsWhere stories live. Discover now