"CHAPTER 79: BET"

Beginne am Anfang
                                    

"Uy fafa! h'wag mong aaway awayin si Honey ko!, kundi.. ano.. kundi isusumbong kita kay sis!. Sis! nangaaway 'yung bebe mo oh!"

"Psh!" sabi ko at pinanlakihan ng tingin si dane, pambihira talaga 'tong babaeng 'to, mas masarap pang upakan to kaysa kay natsu e!, ang ingay n'yeta.

"Hihihi hindi mo kasi alam dash na magaling sa pakikipaglaban 'yang si ivanna"

"Oh?" sabay napakunot naman s'ya ng noo.

"Yes!, kaya naman kapag nasa panganib ka isigaw mo lang yung pangalan ni sis! Hahahaha" siraulo talaga kahit kailan 'to batukan ko na kaya?.

"Oo nga dude!, tama ang sinabi ni wifey. Alam mo ba dati 'yung hindi pa naging kayo ni best ay lagi s'yang nanjan para iligtas tayo sa kapahamakan, kaya nga simula no'n ay gusto kong makipag kaibigan kay best eh kasi ang angas n'ya hahaha at tsaka alam mo ba na dahil doon ay nahulog ka sa kanya"

"Eh?" 'Yun lang ang tanging nasabi n'ya hahaha ano? Speechless ba natsu?.

"Hoy! Quillon!. Long time no see!" Sigaw ng isang lalaki sa labas ng court. Hmm.. maputi s'ya, matangos ang ilong, ah g'wapo rin, siguro may lahi s'ya---ugh ano bang pinagsasabi mo ivanna!.

"Oh bakit?!, may problema ba titus?!" Inis na sabi ni louis.

"Hahaha hanggang ngayon pikonin ka pa rin!"

"Tss, sino bang nag sabi sayo na p'wede mo akong tawagin sa second name ko! Kaasar argh!" Sabay sambunot sa buhok n'ya.

"Hahaha alam mo quillon easy ka lang hahaha, ang mabuti pa mag laban nalang tayo"

"Tss anong gusto mo sparing?!"


"Game! Ano?"


"Tch ayoko nga! Lugi ako sa inyo ang lalakas n'yo e"

"Siraulo ka rin noh?, hindi naman sparing kasi, i mean basketball tayo nila tyron, ano game?"


"Sige ba! Ano sino kasama?"

"Ako, si tyron, ikaw at si dash"

"Oh?, GAME! Ano dash? Game ka ba?"

"Sige ba!, matagal ko narin 'yatang hindi nakakalaro itong sila titus"

"Oh G daw kami!"


"Good!, sige antayin n'yo kami jan"

"Bakit?"

"D'yan tayo mag lalaro malamang!"

"O sige" at umalis na nga sila.

"Honey sino 'yun?, ang g'wafo naman hihihi"

"Wifey!" Sabay nguso n'ya "ipagpapalit mo na ba ako?, gagaya karin ba kay uvilyn?" Sabay hinampas naman ni dane si louis sa braso.

"Ano ka ba hindi ah!, loyal yata ako sayo honey hahaha"

"Tss, tinatawanan mo naman ako e" sabay pinisil naman ni dane yung cheeks ni louis.

HATRED PROMISESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt