• Chapter 30 •

Start from the beginning
                                    

"Bakit aso ang ireregalo mo?" Si Les.

"Because that's what Aries wanted to have, so shut the fuck up and stop asking me some shitty questions!" Bulyaw ko kaya nanahimik sila. Tss! Buti naman.

Maya-maya, habang bumabyahe biglang kumulimlim.

"Oh my! Looks like it will rain any minute now" Sabi ni Leslie habang nakatingin sa bintana.

"Okay lang yan, di naman tayo mababas--"

"Rein! Si Rein!" Hindi natapos ni Zia ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Xian.

"Rain? Anong meron sa ulan?" Takang tanong ni Yisa.

"Hindi ulan, Ate Yisa. Si Rein, yung bestfriend ko" Sabi ni Xian.

"Oh? Anong meron sa espren mo?" Tanong ni Sav.

"Magkikita kami ngayon sa starbucks eh" Sabi ni Xian.

"Yung starbucks sa Megamall?" Tanong ni Zia.

"Yup, e-eh magkikita nga kasi kami ngayon pero bibili tayo ng ireregalo natin kay Kuya Aries" Sabi ni Xian at nagkamot ng ulo.

"Call her" Walang gana kong utos.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Tell her to meet you inside the mall" Sabi ko para mapakunot ang noo niya.

"Pero bakit?" Tanong pa niya.

"Para makilala na namin yang espren slash future girlfriend mo" Sabi ni Leslie kaya tumawa yung tatlo.

"A-Ah! Hehehe, O-O sige" Sabi ni Xian at kinuha ang phone niya saka dinial number ang kaibigan niya.

"Hello, Rein... Saan ka?... Uhhh, napag-isipan ko kasi na sa mismong mall na lang tayo magkita, ayos lang ba?... Kasama ko kasi ate ko pati yung mga kaibigan niya... Ay ganun ba hahaha, wala pala tayong kawala nyan ngayon... Sige-sige, kita tayo mamaya. Ingat ah! Pakisabi kay Kuya Ranz wag magmadali hahahaha!... Bye!" Napabored-look na lang ako dahil mukhang may kasama rin ang Rein na yun.

"Ayieeeeee! Lapad ng ngiti ahhh! Hahahahaha!" Pang-aasar ni Zia kaya kinatyaw ang kapatid ko.

"O-Oy hindi ah" Pagdedeny ni Xian.

"Geh deny pa! Look at you ears, it's already red" Sabi ni Leslie kaya nagtawanan sila.

"Could you please shut your fucking mouth?" Seryosong kong tanong kaya nanahimik sila, nagtakip pa nga ng bibig si Xian eh. Tss!

Narating namin ang mall nang tahimik, naluluha na nga si Yisa nung bumaba sila ng kotse eh. Hindi ko na lang pinansin.

Tss!

"U-Uh, dito na lang tayo maghintay. Tatawagan ko lang ulit si Rein" Ninenerbyos na saad ni Xian, mukhang di pa rin makaget-over sa pag-saway ko kanina.

"Sige lang, Xian" Sabi ni Leslie kaya tinawagan na ng kapatid ko ang espren niya.

Habang naghihintay kami dito sa loob ng mall sa tapat ng isang boutique, hindi ko maiwasang mapatingin sa mag-kasintahang nag-aaway yata.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now