Chapter 4: Outing

12 0 0
                                    

Astra's PoV

"Anak, tignan mo 'to! Ang galing!" tuwang tuwang sabi ni Mama habang naka-earphones at nakatutok sa cellphone.

Sinilip ko ito para malaman kung anong ginagawa niya.

Haha nag kakaraoke si Ma!

"Ma, duet tayo?"

"Sige ba! Si Papa mo ang judge."

"Daya naman! Syempre ikaw panalo." sabi ko sabay pout, tinawanan lang ako ng dalawa.

Nagring bigla ang phone ko, tumatawag si Martin.

*________*

"Wait lang po." paalam ko sa dalawa at lumabas ng bahay para sagutin ito.

"Hello?"

"Sunduin kita bukas na 8 am."

Friday na pala, bukas na ang outing. Ang bilis, noh? Wala namang masyadong nangyari this week except for Daisy hanging out with Martin.

:>

"Ok." tipid na sagot ko.

"Galit ka ba sakin?"

"Di ah."

"Ba't ang cold mo bigla?"

"Bakit, linalamig ka ba?"

I heard him chuckle sa kabilang linya. Palihim rin akong ngumiti.

"If you have a problem, just tell me. Don't forget that we're bestfriends."

ouch?

"Don't worry, sasabihin ko naman eh.. Not now, but maybe soon?"

"If you say so."

"Ahm Martin, bestfriend mo pa ba ako?" Napatakip agad ako sa bibig ko sa sinabi kong iyon.

GEEZ! What did I just ask?! May sariling malay ata tong bibig ko?

"Of course! You'll always be my bestfriend. Ba't mo naman yan natanong?"

"U-Uh wala lang.."

"I'm sorry kung hindi na tayo nakakabond masyado.. Busy kasi kaming officers palagi eh, tsaka may parating na event. I'll make it up to you, I promise."

Napangiti ako at medyo gumaan gaan ang loob ko sa sinabi niya.

"Thanks." saad ko.

"For what?"

"For being the best boy bestfriend ever."

Kahit hanggang bestfriends lang kami, I don't care. As long as he's with me.

"Awts ang sweet naman ni Aleng Astra!"

"Wag ka nga diyan, Manong Martin!" asar ko pabalik.

Tumawa siya. Namiss ko siya bigla.

May narinig akong ingay mula sa kabilang linya.

"M-Martin?"

"Van talking. My brother's gonna eat dinner. End this call now."

Van naman eh! Minsan ko na nga lang makausap si Martin T______T

"Oh s-sige."

I e-end call ko na sana nang magsalita si Martin.

"Hello Astra? Sorry. Ang kulit ni Van eh haha, pakialamero."

Natawa ako sa sinabi niya at naririnig ko si Van na napipikon at maraming sinasabi sa kabilang linya.

"Kumain ka na. Bye! See you tomorrow."

"Bye."

Pagkapasok ko sa sala ay nakita kong nagduduet ang dalawa. Tss! haha cute.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until You Love Me BackWhere stories live. Discover now