Chapter 3: Jealousy?

9 0 0
                                    


Astra's PoV


Ang aga kong nagising ngayon. Wala eh, excited makita siya sa school.

cheret!

6:30 am palang at naglalakad na kaagad ako papuntang school. Maaga pa naman eh, kaya naisipan ko nalang maglakad kesa bawasan tong allowance ko. 

*15 minutes later*

"ASTRAAAA!" narinig ko agad ang boses na iyon. Kanino pa ba galing? Edi kay Shin!

"Yow wazzup!"

"Ang aga mo ngayon ah."

"Syemps. Ako pa" pagmamayabang ko.

Pumasok kami sa room, kaunti pa lang ang tao dito. Naupo na kami ni Shin at nagkwentuhan about sa ganap kahapon.

Narealize ko na parang may kulang? Hmmm..

Aha!

"Wala pa si Martin?" tanong ko dito kay Shin. Ngumisi agad siya ng nakakaasar.

"Wala pa eh."

Dumating bigla si Freya. Binigyan ko agad ng nakakalokong ngiti si Shin.

"Oh nyare jan sa mukha mo?" painustenteng tanong nito.

"Hmm wala. Nakakita lang naman ako ng babaeng ka MU ng isang Daishin."

Kitang kita ang pagkagulat sa mata nito, eto ako. Tawa lang ng tawa sa reaction niya.

"W-What? paano mo n-nalaman?"

"Dude, kalat na kalat na! Haha!"

"Aissssh! Plano ko pa namang sabihin sayo mamaya, kasama siya."

"Sus naman! Pumapagibig na si Hapones!" asar ko dito habang pinapalo palo ang braso niya.

"Shhh! Hahaha." sus! pakipot pa. Kinikilig to eh.

"Ano pang ginagawa mo jan? Lapitan mo na, dude! Bawal torpe dito."

"Tss oo na. Oo na." sambit niya bago tumayo at tinabihan si Freya sa upuan. Tumingin pa saakin si Shin at nagsign ako sakaniya ng 'ok'.

Naks! Pumapagibig na tong bespren ko ah. Kailan kaya ako?

HIHIHIHI :>

Napatingin agad ako sa pintuan nang bumukas ito.

Lub dub . Lub dub . Lub dub

>___________<

"Sup." cool na bati nito saakin at nakipag fist bump bago umupo sa tabi ko.

"Ahm, nauna na pala ako kagabi. Gabi na kasi eh."

"Okay lang yun haha. Salamat pala."

Tumango lang ako sakanya. Hays ewan! bat ba ako naaawkward sakanya ngayon?

"Nga pala, malapit na mag-exam. Sabay tayo magreview ah." sabi nito.

"Oo naman! As always naman eh. Basta ba turuan mo ako pag may computations."

"Of course. Mathematician tong bestfriend mo eh!" sus! nagyabang pa!

"Yabang!" ginulo ko ang buhok niya, dahilan para magsalubong ang dalawa niyang kilay.

O___O oh noes!

"H-Hehe ayusin ko na n-nga.." sabi ko at inayos ang buhok niyang ginulo ko.

Bigla siyang napasmirk habang nakangiti saakin. Luh! May binabalak ata to?!

Until You Love Me BackWhere stories live. Discover now