Chapter 81

2K 30 0
                                    

Anthony's POV.

I watched her from a far habang palabas sila ng simbahan, ang saya saya ng ngiti nya katabi ni Elliot, nandoon din ang kambal na ngayon ay 4years old na..

Tatlong taon na din ang nakakalipas at mas lalo syang gumanda, maikli na ang buhok nya pero bumagay naman sa kanya, in fact mas bagay sa kanya ang gupit nya ngayon. Three years na ang nakakalipas pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pa din nagbabago.

Empty spaces fill me up with holes

Distant faces with no place left to go

Pinili kong lumayo sa kanya, ang magsinungaling. Magulo ang isip ko ng magising ako sa hospital, totoong hindi ko maalala ang lahat, pero hinding hindi ko kayang kalimutan sya.

Kahit kailan hindi sya makakalimutan ng puso ko.

Without you within me I can't find no rest

Where I’m going is anybody’s guess

Nagdesisyon akong magpanggap na hindi sya naalala, nagdesisyon akong bitawan sya sa pinakamadaling paraang alam ko.

I tried to go on like I never knew you

I’m awake but my world is half asleep

Nang magising ako, nalaman ko kay Mommy na hinding hindi sya nawalan ng pag-asa na mabubuhay ako, na magigising ako. Alam nya na hindi nawala ang ala-ala ko.

Nang dumating sya sa hospital nakita ko kung gaano nya napabayaan ang sarili nya, mahaba na ang buhok nya at payat na payat na sya, malalalim na din ang eyebags nya at pagod na pagod ang itsura.

Pakiramdam ko pinatay ko sya.

I pray for this heart to be unbroken

But without you all I’m going to be is incomplete

Doon ko naisip na kailangan ko na syang pakawala, kaya nagsinungaling ako. Hindi ganoon kadali iyon, sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko pa din ang nagmamakaawang itsura nya, ang mga mata nyang lumuluha para sa akin.

Alam ko nasaktan ko sya, at mas doble ang balik nito sa akin.. mas masakit para sa akin. Pakiramdam ko noon ay pinatay ko sya pati na din ang sarili ko.

Voices tell me I should carry on

But I am swimming in an ocean all alone

Ilang beses kong tinangkang bawiin ang mga sinabi ko, na umarte na bumalik na ang sinasabi kong nawawalang ala-ala, pero hindi ko kayang makitang nahihirapan sya.

Hindi ko sya binitawan dahil sumuko na akong ipaglaban ang pagmamahalan namin.

Baby, my baby

It’s written on your face

Hinding hindi ako susuko, pero ayokong nahihirapan sya. Nahihirapan syang pumili between me and her family.

Mahal ko ang mga anak nya gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Tanggap ko sila na para bang sa akin sila nangaling, alam ni Bianca iyon pero nahahati sya.

Nahahati sya dahil alam nyang mas tama kung si Elliot ang makakasama nya, parehas namin alam ang kahalagahan ng isang buong pamilya. Hindi naman sa hindi namin maibibigay sa kambal ang ganoon, pero mas makakabuting lalaki sila kasama ang tunay nilang ama.

You still wonder if we made a big mistake

Pinilit kong ipaglaban sya, ginawa ko ang lahat dahil mahal na mahal ko sya. Ilang beses kong pinagsisihan ang desisyong ginawa ko noon sa hospital, ang isiping hindi ko sya magagawang makasama ay napakasakit para sa akin.

I'd try to go on like I never knew you

I’m awake but my world is half asleep

Nagpunta ako sa America pagkatapos nang paguusap namin noon sa hospital, sumama ako kay Ivy, nagparehab sya doon, tinulungan sya ng mga psychologist na makabalik sa dati. Na hindi na maging dependent kay Elliot o sa akin.

Walang araw na nagdaaan na hindi ko sya naalala. Parati sya sa puso ko.

I pray for this heart to be unbroken

But without you all I’m going to be is incomplete

Inaamin ko na wala akong ibang hiniling kung hindi ang makasama sya, pero hindi ako nagsisi.. hindi ako nagsisi kasi alam kong tama ang desisyon kong palayain sya.

I don’t mean to drag it on, but I can’t seem to let you go

Ayoko man aminin sa sarili ko pero alam kong mahal sya ni Elliot, alam ko kung gaano nya kamahal si Bianca, at hinding hindi nya ito papabayaan. Nakita ko ito ng paulit ulit sa mga mata nya, hindi man nya naipadama alam kong mahal nya ang babaeng mahal ko.

I don’t wanna make you face this world alone

I wanna let you go (alone)

Hindi ko naman sya iniwang nagiisa at nakikita ko ngayon sa sarili kong mga mata kung gaano sila kasaya, kung gaano katamis ang mga ngiti nya.

I'd try to go on like I never knew you

I’m awake but my world is half asleep

Nahirapan akong kalimutan sya,  pero tanggap ko na ngayon na hinding hindi na sya mawawala sa sistema ko, habang buhay na syang parte ng buhay ko. Bilang isang napakagandang ala-ala.

I pray for this heart to be unbroken

But without you all I’m going to be is incomplete

I still feel the spaces she left inside my heart, inside my life.. Pakiramdam ko pa din kulang ako pero.. Hanggat alam kong masaya sya.. magiging masaya na din ako.

Incomplete

"Daddy?" isang maliit na tinig ang nakapagpawala ng mga ala-ala, napalingon ako sa munting batang lalaki na nasa tabi ko. Ngumiti ako at kinarga sya.

"Tapos na kami, sorry to keep you waiting" nakangiting sambit ni Ivy. Binuksan ko ang pintuan sa shot gun seat bago ibinigay sa kanya si King.

Nilingon kong muli ang simbahan bago tuluyang pumasok sa driver seats at nagdrive paalis sa lugar na iyon.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Where stories live. Discover now