Chapter 47

2.1K 27 0
                                    

Bianca's Mom POV

[A/N: Ganito na lang po para di nakakalito ^^ ]

Dumiretso na kami ng asawa ko sa kwarto pagkatapos naming kausapin si Bianca.

Hindi ko na napigilan pa ang maiyak.

"Hindi ba parang sumusobra na tayo?" tanong ko sa asawa ko na inaalo alo ako.

"Ito ang tama" sagot naman nya inalalayan nya ako at naupo kami sa couch sa mini sala sa loob ng kwarto.

"Alam naman natin na mahal ni Anthony ang anak natin at tanggap nya ang mga apo natin.. mahal din sya ng anak natin at nakikita natin na sobrang saya ng anak natin" sambit ko

"alam din natin na mahal ni Elliot ang anak natin at makakabuti iyon kung magkakatuluyan sila.. Mas makakabuti iyon para sa pamilya nila" sagot naman nya sa akin.

'Mahal ni Elliot ang anak namin at ito ang makakabuti.'

Paulit ulit kong sinasabi iyan sa sarili ko...

Mahal namin si Bianca and we want the best for her. Wala din naman kaming problema kay Anthony at sa pamilya nya.

Mabuti silang tao at nagsisikap ng husto pero kailangan pa din gawin ang tama. Pinahahalagahan ng Pamilya ko, Pamilya namin ang importansya ng buo at masayang Pamilya.

[A/N: too many family in one paragraph lol ]

Wala naman talaga kaming balak gawan ng masama ang pamilya ng binata kailangan lang talaga namin iyon sabihin kay Bianca dahil kung hindi namin gagawin iyon mas magmamatigas sya at mas lalo lang syang mahihirapan.

Napayakap ako sa asawa ko.

"Sana balang araw maintindihan ni Bianca ang lahat" sambit ko.

"She will Honey.. she will" sambit naman nya..

---

Bianca's POV

"Two more days" paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. 5days ago simula ng kausapin ako nila Mommy. Abala si Anthony at hindi kami nagkakausap. Hindi ko alam kung nakakabuti ba iyon o hindi. Si Elliot ang madalas kong kasama kumakain kami sa labas o kaya ay nagtitingin tingin ng mga gamit para sa kambal.

Pinipiit ko syang bumili dahil madami na talagang gamit ang mga anak namin kaya nakukuntento na lamang kami sa pagwiwindow shopping.

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya siguro dahil sa sitwasyon nila ni Ivy ganoon din naman ako. Parehas kami ng sitwasyon kaya maganda na din na lumalabas kami para damayan ang isa't isa.

Matagal din akong nakahiga hapon na kasi at ang kambal ayun tulog na naman.

Tumunog ang phone ko at agad ko namang sinagot iyon ng makitang si Anthony ang tumatawag.

"He-hello" mautal utal ko pang sagot.

"I miss you" agad naman nyang bungad.

"Vy, free ka ba bukas? pwede ba tayong lumabas?" tanong nya

"ah.. oo sige" sagot ko. Kinakabahan ako ngayon pero kailangan ko ng magdecision kung ipaglalaban ko ba sya o bibitawan ko na sya.

"Kaso ayos lang ba na hindi kasama ang kambal? kasi ano.. may gusto sana akong ipakita sayo e" medyo alangan nyang sabi.

"Oo naman.. maiiwan ko ang kambal.. hindi naman siguro tayo gagabihin?" balik kong tanong.

"Hindi naman" sagot nya na para bang tense sya mas lalo naman akong kinabahan.

"okay then i'll see you then" tugon ko.

"Yup.." maikli nyang sagot. Pagkatapos ay inend ko na ang call

Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Eto na.. eto na yung pagkakataong kinakatakot ko ng husto.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Where stories live. Discover now