Chapter 67

1.8K 25 0
                                    

Bianca's POV

"I'll be back in an hour or two.. check ko lang ang kambal and get some stuff for you.. text ka lang if you need anything.. sleep tight Princess" malakas na binasa ko ang text ni Elliot

Nakahiga lang ako dito sa kama at nakatingin sa kisame.

Walang kahit anong pumapasok sa utak ko. Ang gulo gulo lang ng lahat.. naguguluhan ako sa sarili kong nararamdaman.

Just a while ago chineck ako ng nurse at sabi nya pwede na daw ako lumabas as long as we settled the bills.

Namimiss ko ang mga anak ko.. namimiss ko si Mommy.. namimiss ko si... namimiss ko si Anthony....

Naisipan ko ng tumayo at lumabas ng hospital room ko. I-checheck ko lang ang mga babies sa nursery nila.. gusto ko ng umuwi para makasama ang mga anak ko.. pero parang ayaw ko pa makausap si Elliot ngayon.

Busy akong tinitigan ang cute na cute na baby na nandoon.

Nang makarinig ako ng malakas na tunog na parang may kung anong bagay ang nahulog at tumama sa sahig. Dala ng instinct ko automatic akong nagpunta sa pinangalingan ng tunog..

There nakita ko ang isang lalaking na ka edad ni Dad sa tingin ko at isa pang lalaki na nakasalampak sa sahig sa tabi nya ang mga upuan na nabuhal marami rin ang nakiusyosyo sa away na nangyayari.

"Stay away from my daughter!!!!" galit na galit na sigaw ng nakakatandang lalaki.

I was froze ng makita ko ang mukha nila.

Kilalang kilala ko ang mga taong ito. Ang mga taong involve sa commotion na nagaganap.

umayos at lumuhod ang lalaki sa harap nila.

"im so sorry po" pagsusumamo nya.

Kinuwelyuhan sya at susuntukin pa sana kaso napigilan sya ng babaeng kasama nya. Ang asawa nya.

Tumalikod sya, binitawan ang lalaki at pumasok sa loob ng isang kwarto.

Bumaling naman sa lalaki sa sahig ang asawa ng galit na galit na lalaki.

"Just leave for now hijo.. and im so sorry" buong pagunawang sabi nya bago sumunod sa asawa nya.

Umalis na din naman ang ilang mga taong naki-usyosyo at naiwan akong nakatingin lang sa kanya. Still frozen.

Napatingin sya sa gawi ko at nagulat ng makita ako ngumiti sya sa akin at tumayo sa pagkakaluhod.

Hindi namin inalis ang tingin sa mata ng isat isa.

No words came out.. no question asks.. niyakap lang namin ng sabay ang isat isa.

"Bi...."

"Nii" sabay naming tawag sa isat isa.

---

Hindi ko na namalayan ang oras.. Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal nakaupo dito sa isa sa mga bench sa labas ng hospital.

Nakaakbay lang sa akin si Nii habang nakahilig ako sa dibdib nya. Parehas lang kaming hindi nagsasalita.. walang kumikibo pero ang gaan gaan ng loob ko. I feel safe.. i feel home.

Hindi ko napigil ang pagtulo ng mga luha ko. Pakiramdam ko im restless pero ngayong nandito sya sa tabi ko parang nawalang bula ang lahat ng isipin ko.

Iba talaga ang epekto ni Nii sa akin. napakalmado ng pakiramdam ko. Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. Ang gulo gulo ng lahat ang gulo gulo ng nararamdaman ko.

Marami din akong gustong itanong kay Nii.. Gaya ng bakit sya nandito? bakit galit na galit ang parents ni Ivy? sa tagal ko ng walang balita sa mundo sa labas ng bahay namin ay hindi ko na din alam ang mga nangyayari.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon