Kung noon ay palagi silang nagkukwentuhan habang kumakain, kapansin-pansin ngayon ang pagiging tahimik ni Vhong na siya namang ipinagtataka ni Paul. Kahit gusto pang usisain ni Paul kung anong meron kay Vhong, minabuti nalang ulit niyang manahimik.

"Kuya Vhong.." habang kumakain sila ay may lumapit na dalawang estudyante, architecture din at lower year sa kanila.

"Ano yon?" seryosong tanong ni Vhong

"Ahm.. papa draft lang po sana.." medyo nagaalangan pa yung isang estudyante pero kinuha ni Vhong yung folder at sandaling binasa ito.

"Kailan to?"

"Sa.. tuesday next week po, kuya.."

"Sige, alam niyo naman presyuhan ko.. bibigay ko nalang, friday afteroon.. ikaw rin ba?" tanong niya dun sa isa pang estudyante

"Ku..kung pwede pa po.. naghahanap rin po ako ng pwede eh"

"Akin na, draft lang tong gagawin ko ha.. alam niyo yon" paalala ni Vhong

"Tol.. dalawa yan, parehas pang sa martes.. kaya mo ba yan?" nagaalalang tanong ni Paul kay Vhong, kadalasan kasi ay hindi ito tumatanggap ng higit pa sa isang trabaho.

"Wala naman akong gagawin pa" medyo nagiba rin ang mood ni Paul sa sagot ni Vhong na iyon, kanina pa siya iniisang tanong, isang sagot ng kaibigan pero inintindi nalang niya yon dahil alam niyang wala sa wisyo ang kaibigan.

"Oy mga tol!!!" sigaw ni Hailey ngunit sinenyasan siya ni Paul na wag maingay at sabay itinuro ng palihim si Vhong na abalang abala sa pag gagawa nung drafts habang nakatambay sila sa central garden.

"Anyare?" naupo si Hailey sa tabi ni Vhong pero hindi siya pinansin nito.

"Uii Vhong, kain tayo o... may dala ko, siomai.. bigay nug kaklase kong fan ko" biro ni Hailey pero di parin siya pinapansin ni Vhong kaya si Paul nalang ang inalok niya.

"Ui, tikman mo naman to! daya mo eh!" pinagtusok ni Hailey si Vhong ng siomai at inilapit iyon sa bibig niya, saglit siyang tinignan ni Vhong sabay subo nung inaalok na siomai.

"O! sarap diba?! eto naman, masyadong seryoso.." inakbayan ni Hailey si Vhong

"Hale, may raket ka ba ngayon?" tanong ni Vhong kay Hailey habang tuloy parin sa paglilinya.

"Ahh may isang resto dun sa may amin, nagpapagawa ng mural.. sakto nagtanong ka.. kaso sa linggo yon, baka may duty ka sa cafe" nagsesenyasan si Paul at Hailey habang hindi nakatingin si Vhong sakanila

"Ganon ba, sige.. pwede akong makijoin?" saglit na tinignan ni Vhong si Hailey para antayin ang sagot nito.

"Ah.. oo pwede tol, sakto.. magada napagusapan namin nung may-ari.. buti nalang nagtanong ka, magbaback-out na sana ako don kasi ako lang magisa.. text nalang kita sa sabado kung anong oras tayo magkikita, ikaw Paul.. baka gusto mo" baling ni Hailey kay Paul

"Sige, G ako dyan.."

Maya-maya ay may lumapit nanaman na estudyante sakanila at si Vhong nanaman ang kinausap.

"Kuya Vhong, may puno ka ba this week?" panimulang tanong nito.

"Hindi, ano ba yon?" napatigil si Vhong sa ginagawa niya at agad hinarap ang kausap.

"Papa render lang po sana.. tapos ko na po, rendering nalang.. sabi po kasi ng kaklase ko kayo daw po yung isa sa magaling gumawa" kinuha ulit ni Vhong yung folder at tinignan ang laman nun.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now