“Good Morning, Mama! Kain na tayo.” Bati ko kay Mama ng makita ko siyang galing sala at may hawak na ilang papel. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang bumbunan ko.

            “Ako na pong magdadala niyan kay Max, Manang.” Kinuha niya ang tray at dinala paakyat kasama ang mga papel na hawak niya.

            Ilang minuto pa akong tahimik na nakain hanggang sa…

            “WHAAAAAAAAAAAAAAAAT?!” narinig kong sigaw ni Max na halos manginig ang bahay. Nagkatinginan naman kami ni Manang at napatakbo kami paakyat ng hagdan at muntik pa akong madapa. Binuksan ko ang pinto ng malakas.

            “Anong nangyari?” pasigaw kong sabi.

            “Ala eh, hano gang mayroon?” malakas na sabi ni Manang.

            Napatingin naman si Mama at si Max sa amin. At sabay silang humagalpak ng tawa. Nagkatinginan naman kami ni Manang. At tumingin ulit sa kanila. Hawak nila pareho ang tiyan nila at halos maluha sila sa pagtawa. Halos malukot rin yung mga papel na hawak ni Mama kanina na hawak na ni Max ngayon.

            “Ehem.” Tikhim namin ni Manang ng sabay.

            “Your faces… EPIC!” sabi ng Max na hindi pa rin makamove-on sa pagtawa. He even waved his hand off.

            “I agree. It’s so epic!” sang-ayon naman ni Mama habang natawa pa rin.

            “Ano bang meron?” at bigla silang natigil sa pagtawa at naging seryoso.

            “Manang, walang nangyari, pwede na po kayong bumaba. Selena, umupo ka dito.” Tinuro ni Mama yung silya na malapit sa kama ni Max. Si Manang naman ay balik na sa kusina. Sinara ko ang pinto at umupo.

            “So, what’s up?” nag-aalangan kong sabi. Kakaiba kasi yung seriousness ng mag-ina. At nakakahawa siya.

            “Ganito kasi yun..” and Max told me kung ano ang kinakainis niya kahapon at kung ano yung napagusapan nila ni Mama.

            “Okay… So, why did you shout earlier?”

            “Because… Kilala ko na yung nawawala kong kapatid.” Naiiyak niyang sabi.

            “I’m happy for you.” Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. “So, who’s the lucky one?” kumalas ako ng yakap at umupo ulit.

            “I’m hugging her right now.” Seryosong sabi ni Max.

            “H-huh? I don’t get it. Me? As in, ako?” napaturo pa ako sa sarili ko ng wala sa oras. Max nodded and he’s giving me the papers na hawak niya kanina pa. Tumayo naman siya sa kama at lalabas ng kwarto.

The Sex Teacherजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें