TST ~ Chapter 14: She's back

Magsimula sa umpisa
                                    

                *blag*

                Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto. Buti na lang at nakita ko agad na si Max kung hindi nasipa ko siya ng isa.

                “Sabay na tayo uwi, baby girl~” sabay yakap sa akin.

                “Okay. At may ikukuwento ka pa sa akin remember?” I wiggled my eyebrows.

                “Oh, yeah! Tara let’s talk it over dinner.” Sabay na kaming lumabas ng office at nilock iyon.

~

*after two days*

            “Flight G321 from Clark is now arriving…” narinig kong sabi ng stewardess.

            “Flight na ata ni Mama yun. Tara Selena.” Aya sakin ni Max na parang di mapakali. Kanina naman nagjjoke pa siya sa sasakyan pero nag-iba yun ng may matanggap siyang text. Tinanong ko naman siya kung bakit pero di niya naman ako sinagot ng derecho kaya di ko na siya kinulit.

            Pagkalipas ng ilang minute nakita na rin namin si Mama. She’s very beautiful at hindi halata ang real age niya. Slim pa rin kasi siya at may height na pang-model. Kumakaway ito sa amin. Kumaway naman ako pabalik. Pero nagtaka ako nung makita ko si Max na hindi man lang ngumiti o kumaway. Bakit kaya?

            Kaya kinalabit ko siya at tinanong.

            “Problema?” napatingin naman siya sa akin at umiling lang. He’s also unusually quiet.

            Tatanungin ko pa sana siya pero napansin kong malapit na si Mama sa amin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

            “Selena! It’s been a while. Grabe, I missed the both of you.” Bumitiw ito sa pagkayakap sa akin, “Lumalaki ka na ah?” pang-aasar niya.

            “Mama! Alam mo naman na hindi na ako lalaki dahil matanda na ako.”napanguso tuloy ako.

            “I know baby girl na maganda ka na.” she grinned. Ayaw niya talaga naririnig yung salitang yun.

            “Hey son!” Niyakap niya rin ito. “You look great!” nakangiti ito at parang di napansin na nakasimangot si Max.

            “Nako, Mama! In love ‘yang si Max!” natawa naman si Mama.

            “My son is always in love, diba? Sayang wala na yung apo na gusto ko.” Nagpout naman siya.

The Sex TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon