31

3 0 0
                                    

THE NEXT DAY.

"Eclipse! Lingon!"

Pagkalingon ko ay binato ako ni Phyrine ng isang dakot ng buhangin.

Nainis ako pero natawa din ako.
Game.

Babato na sana ako ng buhangin pero naunahan ako ni Rhyme. Nag-apir pa silang dalawa bago tumakbo at tumawa.

Aba, kagaling naman.

Kumuha ako ng buhangin two times more sa kinuha nila bago ko sila binato ng sabay and it's a bullseye.

We ended up with a laughter.

"Hoy mga babaita, kain muna!" Sigaw ni Tag.

Lumapit muna kami at kumuha ng kakainin namin. Nakalagay yun sa paper plate na ginamitan namin ng disposable utensils.

"Ang sharap thalagha." Sabi ni Houzon. Ngumiwi ako. Para syang bata.

"Wag kang kumain kapag puno bibig mo." Sabi ni Sky.

"Dude, may space pa." Wika Binatukan lang ni Cepheus si Houzon.
Muntikan nang lumabas ang nasa bunganga ni Houzon.

"Dugyot." Bulong ni Phyrine.

Hays. Mga bata nga naman. Napangiti ako.

Pagkatapos kumain, nagprisinta na si Rhyme na sya nalang magliligpit. Tinulungan naman sya ng mapilit na si Sky.

"Bahala ka." Umismid si Rhyme.

"O Phyrine aking ginigiliw, papayagan mo bang ako ay sagutin?" Napalingon ako kay Cepheus. Pumitas sya ng isang gumamela dito malapit sa pampang tapos binigay nya ito kay Phyrine.

"Ano ba tinatanong mo?" Tanong ni Phyrine. Nakamot ni Ceph ang batok niya.

"Ba't kasi di nalang tayo?" Sabi ni Cepheus habang hindi makatingin ng diretso kay Phyrine.

"Alin tatayo?" Nagpipigil ng tawa si Phyrine.

Napabitaw si Cepheus sa bulaklak na hawak nya. Sa inis nya, nasipa nya ang buhangin, tumama iyon sa hita ni Phyrine. Agad itong nagkamot.

"Tangina ka Sep! Ang kati nito sa balat!" Hinabol ni Phyrine si Cepheus na kasalukuyang tumatakbo.

"Talaga?! Eh nagbatuhan nga kayong mga babae ng buhangin." Natatawang sigaw nya pabalik.

Natawa nalang ako.
Ay wow, ako lang pala walang partner dito.

Si Rhyme at Sky, tambalan talaga. Si Cepheus at Phyrine, isa pa yun. Yung dalawang yun, yung matchong alaskador, at yung matining na boses na pikon.

Tag, Houzon, Calum. Nagkukumpulan. Ay sya nga pala, sila talaga ang magkakadikit sa tropa ng mga lalaki, nasabi sakin ni Calum at ni Moon.

Nga pala, speaking of Moon.

Madalas na syang ngumiti, nakikitawa nya sya sa jokes ng tropa nya minsan, hindi katulad dati na akala mo meron syang Avoidant Personality Disorder.

"Yow."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ay, eto na ang buwan.

"Ang boring, alam mo yun?" Tumabi sya sakin.

"O tapos?" Sagot kong pabalang. Ewan. Parang wala lang ako sa mood.

"Tara. Kayak tayo. Or Banana Boat?" Tanong nya.

"Nako. Suko ako. I'm an aquaphobic." Sabi ko.

"Takot ka sa tubig? Eh bakit nung lunod na lunod na 'ko sa kalungkutan ko, sinagip mo 'ko. Ngayon, nalulunod na 'ko sayo, hilain mo nga ako paitaas."

Tinignan ko sya bago ko sya inirapan. "Ops. Syempre biro lang. Makisakay ka naman. Wala man lang boom? Pinaghirapan ko yung banat ko na 'yon."

Napatingin ako sa mukha nyang nakangiti. Yung ngiting abot mata. I can't help but to smile too. May kinang yung mata nya kapag masaya sya.

Kung dati, ngingiti sya once in a blue moon, ngayon, everyday sunshine. Hindi naman sa everyday, it's just that, kung dati, yung mood nya is parang puro shades of black and white, ngayon, nalagyan ng vibrance. Nabuhayan.

Hindi sya bipolar. Sumaya talaga sya, well, kung ikukumpara mo dati.

"Ayos ka na ba talaga?" Out of nowhere kong tanong.

Nanatili ang katahimikan. Tumingin sya sakin, bago ngumiti. Huminga sya ng malalim.

"I can tell I really am." Sabi nya.

"Salamat." Ngumiti sya sakin.

Napakunot ang noo ko. Sumagot sya. "Salamat. Yung time na nag-usap tayo sa ice cream parlor, parang nagsilbing eye opener sakin. Ginawa ko yung sinabi mo. Tama ka, magiging maayos ang lahat kung positibo lang. Mas namulat ako sa tunay na buhay. Narealize ko din na everything happens for a reason. Kung meron for sadness, there also is for joy. Natuto akong maging open sa mga kaibigan ko, specially to you, oo." Tumawa sya.

"Nung nalaman nila yung problema ko, mas naging thoughtful sila sakin. Ngayon, hindi na ako nakakaramdam ng unbelongingness complex, wala na ding inferior or superior thing. Pantay lang lahat, well, salamat sa pinsan mong badjao, nga pala, Calum the peacemaker."

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakangiti dahil sa kuwento ni Moon. Nangawit mukha ko dun.

"Thank you, really."

Ngumiti kaming dalawa. For a moment, medyo awkward ang atmosphere.

Pero maya-maya lang, humagalpak na kami ng tawa sa di malamang kadalahinan.

Nagiging baliw talaga ako kapag kasama ko 'tong buwan na 'to.

DarksideWhere stories live. Discover now