28

5 1 1
                                    

🌑
E C L I P S E

"So,anong flavor sayo?"
Tanong ni Moon.

They have a variety of flavors. Ang cool nga eh. For example, kapag in love,strawberry. Kapag feeling black and white, cookies and cream. Kapag masyadong sweet sayo yung kasama mo as in OA na PDA, cheese flavor ang orderin mo.

That's what we call malupet.

Umupo na kami ni Moon at kinuha ang order namin. Ang bilis nyang kumain dahil lamon lang sya samantalang paunti-unti lang ako dahil gusto kong matunaw ang ice cream.

"Sana cream nalang binili mo." Saad nya. Napairap nalang ako.

Kung tanongin ko kaya sya?

"Hey." Sabi ko. Napatingin sya?

"Ano bang nangyari? Bakit ka nadepress?" Tanong ko. Alam kong napakasensitibo nitong topic na ito para kay Moon.


Sinubo na nya ang huling tipak ng ice cream sa kutsarita nya. Huminga sya ng malalim. Umabante sya ng konti para kausapin ako.

Mukhang bad mood yung hininga nya ah. De biro lang.

"Christmas Eve nun. Nagpapatugtog kami sa kotse. Auld Lang Syne pa nga." Natawa sya.

"Kaya lang, hiniram ni Mom ang phone ni Dad ko nun. Tapos, aksidente nyang nakita sa isang specific na litrato doon, si dad, may kahalikang babae."

Ow.

But wow. His dad still had the guts to do that? Wow. Tularan nyo. Notice my fucking sarcasm everywhere.

"Then,ayun, inusisa ni Mom si Dad, tanggi naman si Dad,pero halatang totoo. Hanggang sa ayun, nag-away sila. Sumigaw ako kay Dad dahil eyes off the road sya dahil nakatuon ang atensyon nya kay Mom. Then, ayun, nawalan ng preno, hindi nya nakontrol yung pagmamaneho nya, muntik na kaming bumagsak kami sa bangin pero nabangga kami sa puno kaya hindi natuloy."

Pabigat ng pabigat ang paghinga nya. Parang iiyak na siya.

"Then,ayun,blackout. Tapos paggising ko nasa hospital bed na ako. Nasa tabi ko sila Tag. Then,tinanong ko kung nasaan sila pero hindi sila umimik." Pumiyok ang boses nya.

"Tapos, five days bago ako pinayagang tumayo. Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa kundi umiyak. Kasi alam ko ang nangyari." Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi ni Moon.

"Tapos ayon, sikreto akong nagpunta sa morgue at nakumpirma ko nga." Tuluyan ng tumulo ang luha nya. Oh,no. Moonseige.

Malayo sya sa tipikal na Moonseige na seryoso at nagyeyelo ang paligid. Ngayon mukha syang basang sisiw na nangangailangan ng masisilungan ngayon. And I had no choice left but to give him what he needed.

Tunaw na talaga ang ice cream ko.

Niyakap ko sya ng isang mahigpit na yakap. Tumabi ako sakanya. Ipinahinga ko ang ulo nya sa balikat ko at nilagay ko ang braso ko sa balikat nya. Pinunasan ko din ang mga luha nya bago pa iyon mapalitan.

"Tapos,regards sa barkada." Pinunasan nya ang luha nya. Halatang frustrated sya. Ayaw nya ng nagkakaganito sya, alam ko.

"Lagi nalang akong naiiwan. Walang nagtatanong kung ayos lang ako. Ginagawa nila akong tanga porket ba ako lang ang pinakabata sakanila. Tapos,minsan nga, may mga bagay na naiintindihan nila pero ako walang muwang. Lagi naman akong to the rescue para sa kanila pero bakit hindi nila magawa yun para sakin?"

Hinagod ko ang likod nya. Masama talaga ang loob nya sa mga oras na ito.

"Ano, kapag maglalaslas lang ako nandyan sila para sakin? Kailangan ko bang lumuha ng dugo para mapansin nila? Puta."


Tinago nya ang mukha nya at nagsimulang umiyak.

Moon, despite all the attempts of self infliction, glad you're still here.

Niyakap ko sya at nagsimulang magcomfort. Hindi ako mambobola. Totoo ang sasabihin ko.

"Buwan." Inangat nya ang mukha nyang may luha. "Alam mo, maraming nagmamahal sayo. Mahal ka ng barkada mo. Sa tingin mo ba, wala silang paki? Hindi, napakalaki ng care nila."

Humikbi sya.

"Pero ikaw ang dumistansya. Bakit hindi mo subukang mas makisama pa sa kanila? Hindi mo magawa kasi bulag ka pa sa mga sakit ng kahapon mo. At, mahalin mo muna ang sarili mo. Kasi, kundi mo mahal sarili mo, hahabulin mo din ang pagmamahal ng mga taong gusto mong mahalin ka."

"Moonseige, open your eyes and see, pick a star on the dark horizon. There's no need to live in that dark side. May liwanag, may pag-asa. Tignan mo, there's so much more to life than what you're feeling now cause someday you'll look back on all these days, tapos lahat ng sakit, mawawala. Magulat ka nalang, paggising mo, ang dami pa palang magagandang bagay sa mundo. You'll see flowers blooming splendidly. Yung isang araw, pagbukas mo ng blinds ng kurtina mo, enjoy mo na yung araw dahil may sinag ng araw na pinaliliwanag ang lahat."


"Eclipse..." Then he gasped as if he could not get air. "Eclipse....."








"I think I'm starting to like you."



DarksideNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ