“Opo.”

“Mag-iingat ka d’on, My. Tatawagan kita, okay?” Bilin niya dito at tango lang ang sagot nito.

“Ito na yata ang bahay.” Itinuro nito ang bahay di kalayuan kaya ipinarada niya sa tapat n’on ang kotse at bumaba siya para ihatid ito sa tapat ng gate.

Tama namang dumating na din ang kaibigan nitong si Jarine, at mukhang kilala yata niya ang kasama nito. Bumaba naman ang anak nila at yumakap dito.

Ganito ka-close ang anak nila sa mga kaibigan ni Mary Grace. They treat her like their own daughter, too. Kaya siguro hindi rin naghanap ng tatay ang anak nila dahil marami din ang nagparamdam ng pagmamahal dito.

Nagkuwentuhan muna sila saglit saka sunod-sunod naman na dumating sina Analyn at Charlyn.

“Pasok na kami.” Paalam ni Mary Grace kapagkuwan.

“Bye, Nay! See you po pagbalik niyo.” Anang anak nila.

“Huwag pasaway ha?” Tumango lang ang anak nila at hinalikan na nito si Kei at niyakap.

Bumaling ito sa kanya. “Ingat kayo.” Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi at sumama na sa mga kaibigan papasok ng bahay.

“Tay, nag-away ba kayo ni nanay?” Tanong ng anak niya pagpasok nila sa kotse.

“Hindi naman. Bakit?” Nagtataka din talaga siya. At napansin pala ng anak niya.

Nagkibit-balikat ito. “Wala lang po. Parang iba lang po kasi ang pakiramdam ko sa inyo kanina.”

“Pansin ko nga din, nak. Hayaan mo na. Baka tinutopak lang ang nanay mo.” Natatawang sagot niya.

Galit talaga sa’kin ‘yon. Ano kaya ang nagawa ko??

“NILANDI KO, hindi ako pinansin!” Inis na kwento ni Mary Grace sa mga kaibigan niya.

“Eh di sana gumiling ka sa harap niya. Baka naman.” Natatawang suhestiyon ni Jarine na ikinatawa lang nila. “O di kaya hinimas mo.” Dagdag nito.

“Oh my god!! My virgin ears!!” Sigaw ni Charlyn habang tinatakpan ang tainga nito.

“Nakakainis pala pag inayawan ka nuh.” Aniya at sumimsim ng kape.

“Aba’y ewan ko, sweet pea. Di ako maka-relate sa ganyan.” Sagot ni Jarine at sumimsim ng kape.

Nabilaukan si Analyn. “Hindi ka maka-relate?” Hindi makapaniwala itong tumitig kay Jarine. “Wag kami, sweet pea.”

“Ako talaga ang hindi maka-relate kaya pwede ba? Huwag natin pag-usapan ang mga ganyan?” Parang nandidiri na ani Charlyn.

“Ewan ko sa inyo.” Naiiling na sumimsim ng kape si Ellery.

Pagkatapos nilang mag-kape, sama-sama silang natulog sa iisang kwarto. Pero bago siya matulog, tumawag sa kanya si Keith kaya lumabas muna siya sa sala.

“My, galit ka ba sa’kin?” Tanong agad nito.

Nagsalubong ang kilay niya. “Hindi nga di ba? Kagabi mo pa ‘yan tinatanong.”

“I can feel there’s something wrong. Sabihin mo na kasi.”

Hindi siya sumagot.

“Dahil hindi kita pinagbigyan? ‘Yon ba ‘yon?” Bakas ang ngiti sa boses nito.

Ang gagong ‘to tuwang-tuwa pa.

Pero hindi lang talaga ‘yon ang ikinatatampo niya.

Tumikhim siya. “Si Kei ba tulog na?” Pag-iiba niya sa usapan.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon