"Gutom na gutom kasi ako." Sabi niya pagtapos ng uminom ng tubig. Sabay irap niya sakin.


Grabe! Inis pa rin ba siya sakin? Ako na nga nagluto at naghain eh!


Pagtapos namin kumain ay nagprisinta na siya na maghugas ng mga pinagkainan namin.


Dumaretso naman ako sa sala para manood ng movie. Ninaksak ko na ang usb. Buti nalang marami akong movie na nadownload.



"Uy ano yan?" Sabi ni Anne sabay upo sa tabi ko.

"Greatest showman. Maganda yan. Di nakakasawang panoorin!" Masayang baling ko sakanya.



Nagstart na ang movie kaya tumahimik na kami.


*dingdong

Nagkatinginan kami ni Anne.

"Tignan mo kung sino nagdoorbell." Utos ko sakanya. Habang nakatingin sa tv.


"Ikaw na Deanna!" Utos niya sakin.


*dingdong

hays! Istorbo naman oh.

Kinuha ko yung remote at pinause ko muna.


Pagtayo ko ay sumabay si Anne pero papunta siya sa kitchen. Kaya tumuloy na ko sa pintuan.

"Hi!" Pagbukas ko ng pintuan nakangiting Jema ang nabungaran ko. May kasama siya, lalaki.



"Hello." Sagot ko.

"Pasok kayo." Niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan.


Pumasok naman si Jema at tumabi sakin. Bumaling naman ang tingin niya sa lalaki.


"Deanna! Sino yan?" Sabi ni Anne habang papalapit samin.


"oh jema ikaw pala. oh Hi!" Baling niya sa lalaking nasa labas.

"Hmmm. Guys, si Mark nga pala boyfriend ko." Baling samin ni Jema.

Boyfriend

Boyfriend



Boyfriend



Naramdaman kong humawak sa braso ko si Anne at pinisil ako.



"Mark, si Anne at Deanna mga kaibigan ko." Pakilala niya samin sa boyfriend niya. Kalma deanna. 'di ba let go na?' Ngumiti naman samin si Mark. Mukha naman siyang mabait. As long as masaya si Jema, support ko siya.









Naramdaman kong hinila na ko ni Anne. Dun palang ako bumalik sa realidad. Pagtingin ko ay pasakay na si Mark sa kotse niya.




"Space out ka kanina." Bulong sakin ni Anne pag upo namin sa couch. Si Jema naman ay dumaretso sa kwarto ko.



"Pogi kasi nung Mark." Biro ko sakanya kaya nahampas niya ko.


"Play mo na ulit." Utos niya kaya kinontinue ko na. At tahimik na ulit kami nanood.



Napansin ko naman si Jema na lumabas ng kwarto ko at nakapambahay na siya. Umupo siya sa single sofa.


"Kumain ka na?" Tanong sakanya ni Anne. Habang ako nakatutok pa rin sa tv ang tingin.


"Yup, nagdinner kami kila Mark. Kayo?" Ngiting baling ni Jema samin.


"Yup. Kumain na din kami. Pero pagnagutom ka meron kami tinira para sayo nasa ref." Sabi ni Anne sabay tingin sa Tv.




Tumungo naman si Jema sabay tingin din sa tv. Parepareho kaming nakatingin na sa movie. Silang dalawa focus na nanonood. Ako? Eto iniisip yung boyfriend niya.



'Siya na ang pumalit sakin.' Game over na. Pinakilala na sayo yung pumalit sa lugar mo sa buhay niya noon. End point na. Period.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now