Ikalawang Kabanata: Trouble

3 0 0
                                    

“I’m very disappointed to your action Ms. Lucaz. Mahirap bang unawain na bawal ang mga estudyante sa garden? Ang laki-laki ng sign board na nakapaskil doon but what happen? You just ignore it. Fourth year college ka na Ms. Lucaz at alam kong hindi ka bago sa patakaran ng paaralan na ito. You know what, ito ang hihila sayo pababa at baka hindi ka pa makagraduate kung palagi kang laman ng office. Your school record is a mess”

My goodness. Bakit nagtayo pa sila ng garden kung ipagbabawal din naman? Ganoon na ba kalala ang school record ko para maapektuhan ang pagkuha ko ng diploma?

“And what you are doing in that place Ms. Lucaz? Are you with someone?” lihim kong kinagat ang labi ko para pigilan ang pag-imik. Kahit naman tinakbuhan ako ni Thalen kanina para hindi siya masangkot ay hindi ko parin kayang ipagkalolo ang kaibigan ko.

Alam niya kasing kaya ko itong lusutan at may kakapitan akong matataas na marka kumpara sa kaniya na average student. I’m a dean lister while thalen is just an average student na dapat hindi masangkot sa gulo. Pang-ilan ko na ba itong gulo? Naalala ko tuloy ‘yung last na kalokohan ni Thalen. Bakit kasi laging ako ang pinahaharap niya kapag gumagawa siya ng vlog? Porket maganda ako, mukha ko na ang pinalalandakan niya.

“Bakit dito pa sa gitna ng hallway, Thalen?” gumagawa na naman kasi ito ng vlog at puro kalokahan ang gustong ipagawa sakin. Pasalamat s’ya at kaibigan niya ako.

“Maaga pa naman, Zarina. Wala pang tao at mga teacher dito. Please? Ito kasi ang request ng mga viewers natin at ikaw ang gusto nilang gumawa.”

“Fine!” wala naman kasi akong magagawa sa gusto nito at kinaasar ko lang ay pinasuot pa niya ako ng all black. Para daw magmukha akong bad girl, ‘yun daw kasi ang character ko ngayon sa vlog niya. Sakto pa na memorize ko sadya ang declamation na bad girl dahil nagawa ko na iyon noong high school ako. Kaasar naman oh!

“Dun ka na sa gitna at gandahan mo arte mo bessy ha?” inirapan ko lang ito bago pumunta sa pwesto ko. Super demanding talaga nito. Sumenyas na ito na magsimula na ako. Then I start.

Hey! Everybody seems to be staring at me..

You! You! All of you!
How dare you to stare at me?
Why? Is it because I’m a bad girl?
A bad girl I am, A good for nothing teenager, a problem child?
That’s what you call me!
I smoke. I drink. I gamble at my young tender age.
I lie. I cheat, and I could even kill, If I have too.
Yes, I’m a bad girl, but where are my parents?
You! You! You are my good parents?
My good elder brother and sister in this society where I live?
Look…look at me…What have you done to me?
You have pampered and spoiled me, neglected me when I needed you
most!
Entrusted me to a yaya, whose intelligence was much lower than mine!

While you go about your parties, your meetings and gambling session…
Thus… I drifted away from you!
Longing for a father’s love, yearning for a mother’s care!
As I grew up, everything changed!
You too have changed!
You spent more time in your poker, majong tables, bars and night clubs.
You even landed on the headlines of the newspaper as crooks, pedlars and
racketeers.

Now, you call me names, accuse me of everything I do to myself?
Tell me! How good are you?
If you really wish to ensure my future…

Then hurry….hurry back home! Where I await you, because I need you…
Protect me from all evil influences that will threathen at my very own
understanding…
But if I am bad, really bad…then, you’ve got to help me!

Help me! Oh please…Help me!

“Miss Zarina. Magaling kang magdeclamation pero kailangan mong pumunta sa office dahil sa nabali mo na namang rules. Go now kung ayaw mong ako mismo ang tumawag sa parents mo”

Shit! Another violation at ang malala ay si Zale pa ang nakahuli sakin. Ang SSG president ng school.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa kahihiyan na nangyari noon ng pokpokin ni Dean ang mesa nito.

“Nakikinig ka ba sakin, Ms. Lucaz? Inuulit ko what are you doing in that place Ms. Lucaz and are you with someone?”

“Sorry for that Dean but I’m just practicing my dance step that time at m-mag-isa lang po ako kanina” nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang makikipagtitigan dito habang nagsasabi ng kasinungalingan.

“I see…and this is my last warning Ms. Lucaz at kapag may isa ka na namang nalabag sa paaralan na ito…sorry for saying this but whether you like or not we will kick you out from doing horrible things. By the way, nasabi ba ng SSG president kung ano ang pwedeng consequences na lalabag sa batas?”

“Ahm. W-Wala po.” Lier. Hindi na ako magtataka kung sa impyerno ang bagsak ko.

“You heard that, Mr. Montes?” agad akong napabaling sa likod ko dahil doon nakatingin si dean. And to my surprise, madilim na anyo ang nasilayan ko.
Ang SSG president ay naririto. Alam kong narinig niya ang kasinungalingan ko kanina. Agad kong binawi ang tingin ko dito dahil nakakamatay ang mga tingin nito sakin.

“Hindi ba’t kabilin-bilinan ko sa inyo na iannounce ang magiging parusa sa mga kapwa niyo estudyante? I’m disappointed Mr. Montes. I thought you can handle the student because you a---”

“I’m sorry dean but I think I’m the one who did something wrong. Huwag niyo pong sisihin si president. Kasalanan ko naman po dahil alam ko naman pong bawal po talaga doon pero binaliwala ko lang. Kami na lang po ni president ang mag-uusap kung ano ang magiging parusa ko. I’m very sorry again.” Pinutol ko na kung ano pa mang paninisi ang sasabihin ni dean sa butihin naming SSG president.

My God, anlaki ng problema na pinasok ko ngayon.
Nang matapos kung humingi ng tawad ay dali-dali na akong tumalikod dito upang tunguin ang pinto palabas pero isang matinong braso ang pumigil sakin. Narinig ko pang humingi ito ng tawad kay dean bago ako hilahin palabas. Ikinagulat ko na lang ng isandal ako nito ng marahas sa pader na katabi lang ng pinto.

“Zarina. Lucaz. Why are you always doing this?” doing what? Titig na titig lamang ako dito dahil hindi ko makuha ang nais nitong sabihin. Nadidistract din ako sa perpekto nitong mukha dahil kunti na lamang ang agwat nito sakin. Amoy na amoy ko na ang manly scent nito. Ang puso ko naman ay animoy tinatambol dahil sa sobrang lakas ng tibok.

“I don’t kn---”

“Yeah. You don’t know anything but you just know is pestering my life, bring a trouble on me! I’m sorry for saying this but I’m not your knight and shining armor para iligtas ka parati kapag nasa binggit ka ng panganib. Hindi ako pinanganak para lang maging tagapagligtas mo!” Ouch. Literal na nasaktan ako dun dahil lahat ng sinabi niya ay may katotohanan. Simula siguro nang masangkot ako sa gulo sa paaralan ay siya lagi ang sumasalo sa kagagahan ko. Kailanman ay hindi ko ginusto na masangkot pero iyon talaga ang kaakibat ng pangalan ko. ZARINA TROUBLE LUCAZ.

Hindi ko naman alam kung bakit siya ang nagpapaliwanag at nakikiusap tuwing nagkakaproblema sakin.

“Wala naman akong sinabi na iligtas mo ako.” Wala sa sariling saad ko dito na lalong nagpadilim sa anyo ni president. Bakit ba lagi na lamang itong galit sakin?

“Bakit ba kasi ang manhid- manhid mo?” nahihirapan nitong saad sakin na parang may pinagdadaanan.

“Presiden---”

“Don’t president me! Fuck shit! Just my name, please? Total hindi mo rin naman ako kinokonsidera na president ng paaralan na ito. Balewalain mo na lang ang pagiging president ko and this is my last warning to you Zarina dahil kapag nasangkot kang muli sa gulo ay ako na mismo ang magpaparusa sayo. Hindi ko na kayang maging putang-inang tagapagligtas mo lang. I want more than that and I’m sure you will like it.” Then he left without clear explanation.

I don’t know what exactly  I felt but I’m hurt.

Zale Grego Montes, our school SSG president and my classmate. Ang lalaking patago kong gusto, hindi ko magawang umamin dito dahil ilap ito sa lahat lalo na sa kagaya kong lapitin ng gulo kaya inabala ko nalang kung saan- saan ang sarili ko. Yeah, this my last chance para manatili sa paaralan na ito kaya hanggat maaari ay iiwasan ko na ang gulo at kasabay ng pag-iwas ko sa gulo ay pag-iwas ko rin sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob.

His right he is not my Knight and Shining Armor.

My NOT Knight And Shining ArmorWhere stories live. Discover now