43 : Party

96.8K 1.7K 40
                                    


Party

Parties are no longer new to me. What's new to me is the fact that I am not alone. I am with my husband. Yung tipong ang asawa mo ang leche flan ng mga kababaihan. Yung siya ang cake. Naiinis ako kase kung makatingin sila sa asawa ko parang hangin lamang akong nakahawak sa kanya. I moved closer to him. I looked at every girl who seems like looking at my husband the way I should only look at him.

He's mine. My mind was screaming bloody murder to every girl who dared look at my husband. I clinged onto him tight. Alam kong naramdaman iyon ni Xander kaya naman ay ngumisi lamang siya at itinuon ang tingin sa grupo ng mga lalaking sa pagkakaalam ko'y bilyonaryo rin.

" Mr. Montero, Mrs. Montero" Pormal na bati ng isa sa mga lalaki sa amin.

" I want you all to meet my wife" Pakilala niya sa akin.

" Your wife looks so beautiful, Mr. Montero" Wika nung lalaki na sa pagkakaalam ko'y kasama niya sa isang proyekto. Based on his features he seems to be on the same age bracket with my husband.

" Carlos Vincent Alcantara, Jr." My eyes widened at what he just said.

" You're the son of Mrs. George Cassidy Alcantara?" I know his mom. Isa siyang sikat na modelo na asawa ng bilyonaryong si Mr. Carlos Vincent Alcantara. Ba't ba hindi ko napansing kamukhang kamukha niya ang kanyang ama. Para silang pinagbiyak na bunga.

Katabi niya ang isang napakagandang babae. Mas sexy na sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa katawan ko. Ang taba ko na.

" I am with my girl-" Hindi na natuloy ni Carlos Vincent, Jr. ang kanyang sasabihin ng sumabad na yung magandang babae.

" Ako nga pala si Selene, kaibigan ni Carlos. Ikinagagalak kitang makilala, Mrs. Montero. Isa ka sa mga ipinagmamalaking designer ng Victorias Secret" Wika ng babae. Hindi ko lubos isipin na kilala pala niya ako.

Kitang kita ko kung papaano lumukot ang mukha ni Carlos Vincent Jr. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

" Modelo ka rin?" Tanong ko. Tipid siyang ngumiti.

" I'm a doctor, pero nag-aaral palang." Halos pabulong lang niyang wika. She must be proud of it. Ang hirap magdoktor.

" Wow, nakakapagod siguro magdoktor" Ngumiti siya.

" Minsan oo. Pero at the end of the day, atleast masasabi mong nakatulong ka" She told me. Nagkatinginan lamang sina Carlos Vincent Jr. at si Xander.

" Hindi ka naman siguro mawawala no." Halos matawa ako ng makita kong pinagdilatan siya ng mata ni Carlos

" Mawawala. Kaya huwag mo akong iwan" Saad ni Carlos. Kitang kita ko ang pagkainis ni Selene.

Tumingin si Selene sa akin.

" Pasensha na. Gusto pa sana kitang makausap ngunit mukhang ulyanin na 'tong kaibigan ko at kailangan kong samahan. Alam mo namang ayon sa statistics at research, bumabata na ang edad ng mga may dementia." Hindi ko na napigilang matawa sa sinabi ni Selene

Sa halip na pagtawanan na sana namin si Carlos ay kusa na akong iginiya ni Xander sa isang pangpribadong upuan. Kasama namin sa mesa sina Carlos at Selene.

" Anong ganap na ngayon?" Tanong ko sa kanya.

" There will be a bidding, Wife" Simpleng sagot niya. May bidding pala.

" Good evening ladies and gentlemen. Tonight, we are going to have our annual bidding ceremony. On my right are the new arrival paintings from one of the well known painters" Mga paintings pala ang ibibid nila.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora