Chapter 9: Stripes

Magsimula sa umpisa
                                    

" Anong kaguluhan to?" tanong nito.

" Siya kasi.../Ito kasi..." at sabay pa kaming nagsalita talaga.

" Tumigil kayong dalawa." galit na sabi nito at tumingin dun sa lalaki. " Kazi, can you explain this?"

" Kami kasi naunang nagpalista dito coah eh. Sabi niya sila daw ang nauna. Eh imposible naman yun kasi may approval din kami galing sa admin." sabi nito.

Tumingin samen yung si coach at parang ako naman ang tinatanong nito.

" Last week ko pa po pinareserve ito para sa final rehearsal namin sa play. Meron din po akong approval slip." paliwanag ko.

Nakapameywang kaming hinarap nito. " Oh eh ba't umabot pa kayo sa pisikalan, wala bang nakaisip sa inyo na pumunta sa office at magtanong kung bakit ganun."

Uhm....oo nga noh. Actually dun naman dapat ako nagpunta at hindi sa gym.

"Ito kasi coach bigla na lang sumugod dito tapos humarang sa gitna." sabay turo saken.

" Eh ba't mo pa ko kailangang kaladkarin palabas ng gym!?" singhal ko sa kanya.

" Siya, siya tama na yan. Pumunta kayong dalawa sa opisina para malaman niyo kung kanino tlaga nakareserve tong gym. Pag ako mainis sa inyong dalawa hindi kayo makakagamit nito."

" Sorry coach." pagkasabi ko nun halos takbuhin ko ang ofis ng admin. Nasa pinto na ako ng may biglang sumingit papasok. Yung mayabang na naman na lalaking yun.

" Ang kapal mo talaga, nauna ako dito." sabi ko na nakahawak sa door knob.

" Eh ano ngayon iisa lang naman ang pinto nito. Buksan mo na para makapasok na tayo." ayos ah. Kung makapag utos wagas.

Binuksan ko nga ang pinto at pabalibag na sinara.

" Nananadya ka ba? Muntik nang tamaan yung mukha ko!" gigil na sabi nito.

"Kasalanan ko ba? Ang bagal mo kasing kumilos." sagot ko sa kanya.

"Anong kailngan niyo?"sabi ng isang boses lalaki.

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Lumapit agad ako sa lalaki sa admin office.

" Sir ako po yung nagpareserve sa slot ng gym ngayon." sabi ko.

" Sir ako rin po may reservation ngayong oras." singit nung lalaki.

"Teka lang isa isa lang." awat nung lalaki. " Ibig niyong sabihin, dalawa kayong nakareserve sa time slot na'to?"

Hindi ako sumagot. Nagkatinginan lang kami nung lalaki. Mamaya lumabas ang isang babae mula sa pinto ng isa pang room. Nagulat ito ng makita ang lalaki na kasama ko. Initrapan naman siya nito. Yumuko lang yung babae. Parang magkakilala sila.

"Pakicheck nga yung list  kung sino nakareserve ngayon sa gym." utos nung lalaki dun sa babae.

May kinuha ito na parang logbook. Tumingin siya samen pareho matapos tingnan ang nakasulat dito.

"Sir, dalawa po yung nakasulat sa reservation." sabi nito.

" Ano? Di ba ikaw ang in charge dyan. Pa'no nangyaring dalawa sa isang time slot." tanong nung lalaki. "Ayusin mo yan. Pati ba naman yan poproblemahin ko pa." sabi nito at iniwan kaming tatlo.

Lumapit samen yung babae. " Pasensya na kayo. Nagkamali ako sa pag lalagay ng schedule. Dalawa kayong nagpalista pero....nauna si miss Jessica." sabi nito.

Taas ang dalawa kong kilay na hinarap ang lalaki.

" Niloloko mo ba ako? O nananadya ka talaga?" galit nitong hinarap ang babae. "Wala akong panahon sa'yo if this is your one way of getting my attention. Wala kang mapapala saken. Ayusin mo ang buhay mo." tumalikod agad ito at padabog na sinara ang pinto.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon