Chapter Twenty-Seven

Začít od začátku
                                    

"C-Caleb..."

Napapikit siya. Mariin. Nanakit ang kanyang sentido. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakuyom ng mga palad.

"I...I should leave." Sa garalgal nitong tinig.

Idinilat niya ang mga mata, matalim na itinitig dito.

"I'm s-sorry. I didn't m-mean to be here. I..."


"MR. GUERRIER?"

Hindi man madali ngunit nagawang pakalmahin ni Caleb ang nagwawalang damdamin. Huminga siya ng malalim, ngumiti saka hinarap ang tumawag sa kanya.

"Kristel. So, have you decided?"

"Y-yes." Napansin niyang mabilis nitong iniiwas ang paningin kay Erina, at muling itinutok sa kanya.

"And?" Hindi siya makapaghintay sa sagot nito.

"Please give us this project, Mr. Guerrier, we accept your proposal." Muli itong lumingon kay Erina. "I'm sorry, Erina. Sana maintindihan mo, kailangan ng kumpanya ang proyektong ito."

Hinarap ni Caleb si Erina, ngumiti. "Siguro naman ay hindi sasama ang loob mo kung mas pinili ng kumpanyang pinagtatrabauhan mo ang proyekto ng kumpanya ko kaysa sa katulad mo, Erina? I told them to fire you in exchange for this project, and they did. They chose me, and they discarded you."

"M-Mr. Guerrier-" Awat ni Kristel.

"It's alright, Kristel. Baitan ko man ang salitang piliin ko, pareho lang ang kalalabasan, nasisante pa rin siya. I will sign the contract, and all the future projects will be yours as well. Magpahinga na muna kayo, may mga silid rito na maaari ninyong gamitin, aasikasuhin kayo ng katiwala ko."

"I'm sorry." Hingi muli ng paumanhin ni Kristel kay Erina bago ito bumalik sa kusina.

Muli niyang ibinaling ang paningin kay Erina, nakatingin ito sa koridor.

"Sumama ka sa akin, may ipakikita ako sa iyo." Nagpatiuna siya sa paglabas ng sala.

Hindi siya lumingon upang tingnan kung sumunod ito sa kanya, sapat na ang yabag ng mga sapatos nito upang malamang nakasunod nga ito. Nagpatiuna siya sa pag-angkas sa pulang pick-up truck na nakaparada sa harapan ng pintuan. Pumako ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Erina nang bumungad ito roon, malaya niya itong pinagmasdan mula sa sasakyan.

She'd change. Malaking pagbabago, ibang-iba sa Erina na huli niyang nakita. Mahaba na ang buhok, malamlam ang mga mata na dati'y kumikislap sa kasiglahan. Her cheerfulness was gone. Humigpit ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay sa steering wheel, nanakit ang kanyang dibdib, masakit huminga, mahirap, ang bigat. Pakiramdam niya'y kayang kaya niya itong saktan.

Umangkas ito sa likuran, bagay na kanyang nais nitong gawin. He followed her by looking at the rear-view mirror. She put on the seat belt. She looked away from the mirror, avoided his gaze. Her face was pale, as if there were no blood flowing in her.

"I-I'm ready." sa mahina itong tinig, hindi tumingin sa kanya.

He broke away the gaze and started the engine. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Inilabas niya sa driveway ang sasakyan.

"N-no." She fixed her gaze outside the window.

"The place you call home, Erina. I am bringing you home."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerKde žijí příběhy. Začni objevovat