Chapter 07 : The Crime Scene ✓

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa puntong iyon ay napangiti na lamang ng peke si Gregory. Maging ang kasamang opisyal ng direktor ay walang emosyong napabaling sa kan'ya. Ramdam n'ya ang mga titig nitong tila puno ng paghuhusga oras na lagpasan s'ya kaya't hindi n'ya napigilang hindi mapalingon rito dahilan upang sandaling nagkasalubong ang kanilang mga mata. Ang tinging iyon mula sa babaeng opisyal ay mistulang puno ng pangiinsultong sumuntok sa pride n'ya kung kaya't ay umiwas na lamang s'ya ng tingin at matigas na sumagot. "Yes, sir!"

"Tss." tulad ng kalimitang ginagawa sa tuwing nakikita s'ya ay napatunog na lamang ng dila ang direktor at nag-patuloy na sa paglalakad palayo kasama ang matangkad na babaeng opisyal...

*
August 14, 2013, sakto alas otso ng umaga.

Seryoso't wala sa sariling napahawak sa kan'yang baywang ang kapitan ng Homicide Investigation Division Unit 4.

Matapos maisuot ang mga gloves sa kan'yang mga kamay ay pinagmasdan n'yang mabuti ang bangkay.

Nawawala ang ulo nito at nakadapa pa ito sa gitna ng makapal na sanaw ng mga dugong malapit nang matuyo–isang pagbati mula sa loob ng apartment nang itulak ng mga pulis ang pintong nadidikitan ng dilaw na barikada.

Tila hindi n'ya tuloy mawari kung ano ang dapat i-reak. Ayon sa mga impormasyong nalalaman nya'y hindi pa naisasara ang kaso noong nakaraang buwan mula sa dalawang magkabilang distrito at hanggang ngayon ay wala pa ring lead maliban sa mga portrayal ng isang suspek na nasa kan'yang late 20's pa lamang. At ngayong sa ikatlong pag-kakataon naman ay dito sa area nila, ang kaparehas na krimen. Hindi n'ya tuloy maiwasang mapabuntong hininga. Ang dalawang magkabilang branch ng kapulisan kung saan nangyari ang mga naunang krimen ay nagisa ng labis ng publiko nitong mga nakaraang buwan, huwag mong sasabihing oras na nila ngayon... Hindi n'ya tuloy mapigilang huwag muling mapagbuntong hininga at mapamulsa, idagdag mo pa ang kautusan ng direktor.

Nilingon ni Gregory ang babaeng nakasuksok lamang sa sulok habang mahigpit na yakap ang sariling mga tuhod at nanginginig pa ang mga kamay. Nakatitig ito sa direksyon ng bangkay. Tulala, ni ayaw tanggalin ang tingin dito. Magulo ang buhok nito, napakaputla, itim ang ilalim ng mga mata na animo'y mata ng isang panda-masyadong halatang wala pa itong tulog o pahinga sa buong magdamag. Bukod do'n ay tanging ang suot lamang nito ay ang mga pula nitong underwear; tulad ng biktima, na wala namang pang-itaas.

Masama ang lagay ng kasong ito. Sino ba namang may matinong pagiisip ang kukuha ng ulo ng isang tao at magiiwan ng ganito kalaking gulo, gayunpaman ay hanggang ngayon ay hindi pa rin mahuli-huli ang salarin.

"Mrs. Anyurin, halina po kayo. Parating na po ang asawa't mga anak ninyo." Inaalo't inaanyayahan ito ni Officer Haniel na lumabas katulong ang mga ambulance staff ay sinusubukan itong bigyan ng paunang lunas dahil sa mga tinamo nitong mga tama sa katawan gayunpaman, hindi ito namamansin, patuloy lamang itongntumatanggi at tinatanggal ang kamay ng mga taong nagtatangkang humawak rito, animo'y baliwala na ang mga pisikal na kirot rito.

Ibinalik ng kapitan ang sariling tingin sa bangkay.

"Capt..."

Napalingon s'ya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Hanniel. Tila nanghihingi ng tulong ang tingin nito sa sariling kapitan kaya't napamulsa na lamang s'ya gayunpaman ay agad ring nahinto ang opisyal na babae nang bigla nalang humawak sa braso nito ang ginang at wala sa sariling nag-angat ng tingin rito.

Tahimik ang buong paligid, tanging ang mga tahimik lamang na galaw ng buong forensic team sa silid ang maririnig kaya't oras na marinig ni Gregory ang mga lumabas sa mga labi ng ginang ay napakunot noo na lamang s'ya. Napatuwid s'ya ng tayo.

"Sa. . . Sa tingin mo, nanonood nga ba talaga ang lumikha mula sa itaas? Nagalit ba talaga s'ya sa akin? Sa amin?"

"M-Mrs. Anyurin..." mahinang sambit ng babaeng opisyal animo'y hindi alam ang gagawin sa mga lumabas sa labi ng ginang.

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon