Chapter 11 : A smile under a moonlight

Magsimula sa umpisa
                                    

'Iniwan mo s'ya ng walang paalam.'

'Kahit kailan ay hindi ko naisip na agawin s'ya sa'yo! Hindi ako nag-balik rito para sa kan'ya!'

'Johan, matagal nang lumipas ang panahon na para sa amin!'

'Kung gano'n! Mamatay ka para sa'kin!'

Wala sa oras na napaahon mula sa tubig si Kian. Napakalakas ng kabog ng kan'yang dibdib. Pakiramdam nya'y biglang sumigaw si Johan sa kan'yang tainga. Napakurap s'ya at wala sa sariling napahawi sa sariling buhok, sinuklay n'ya ito papunta sa likod gamit ang mga daliri. Ngunit dahil doon ay agad n'yang napag-tantong nanginginig na pala ang kan'yang mga palad. Nag-simulang maging mabigat ang kan'yang pag-hinga.

Johan...

Tila ba'y nangangati ang mga litid sa kan'yang palad kaya't mahigpit n'yang naikuyom ang mga ito. Nakagat n'ya ang ibabang labi. Tila nangangati ang kan'yang kamao kaya't naging malikot ang kan'yang mga daliri hanggang sa maging ang sarili n'yang balat rito ay natuklap na n'ya. Tulala at wala sa sariling napalingalinga sa madilim na paligid kung saan tanging ang mga silhouette lamang ng mga naglalakihang bato ang makikita at karimlan ng katubigan.

Pakiramdam n'ya nais n'yang sumigaw sa sobrang galit. Gusto n'yang ilabas ang nararamdaman. Nanginginig sa galit ang bawat litid ng kan'yang kalamnan. Nangangati ito ng labis, at hindi nya mawari kung ano ang dapat gagawin. Hindi malaman kung paano ito mawawala, pakiramdam n'ya kinakailangan n'ya itong ilabas. Nagpabaling s'ya sa kung saan-saan ngunit tila ba'y pare-parehas lamang ang sukat ng mga naglalakihang bato sa paligid. Lalong dumoble ang bigat ng pag-hinga n'ya kaya't unti-unti na rin s'yang nataranta dahil doon ay lumangoy s'ya agad pabalik sa batuhan. Nanginginig ang kan'yang mga kalamnan mula braso hanggang sa nakakuyom n'yang mga kamao, may kakaibang sensasyon ang namumuo roon. Ang lahat ay tila naiipon. At wala s'yang paraan para pigilan iyon. Pakiramdam n'ya, habang pinipigilan n'ya ay tila mas lalo lamang itong tumitindi at wari ay sasabog na tila isang bulkan anumang sandali kaya't lalo s'yang nataranta at naging aligaga. Gusto n'ya itong ilabas... Ngunit hindi maaari.

'Sinasabi mo bang baliw ako!?'

'Kung gano'n, patunayan mo sa'kin. Mr. Pimentel, remember this, hindi kita tinutulungan. Hindi tayo magkaano-ano at wala akong pakialam sa'yo. This is a private facility, magkaharap tayong dalawa linggo-lingo dahil sa perang ibinabayad sa akin. At tungkulin kong gamutin ka, kung ayaw mong makinig sa'kin, wala nang dahilan pa para tanggapin ko ang ibinabayad sa akin. Wala akong oras para iaksaya sa'yo. Maraming iba d'yan na desperadong ipagamot ang mga mahal nipa sa buhay. Ang mga ina nila at kahit mga anak.'

'Gusto kong makalabas rito.'

'Kung gano'n makinig kang mabuti sa'kin... Sarili mo iyan kaya pakinggan mo. Kung pipilitin at pipilitin mong tatakbuhan at babaliwalain ang lahat at sasabihing wala kang sakit, ikaw rin ang aaani. Kung may sakit ka, harapin mo at ayusin mo. Gamutin mo hindi yung ipagpipilitan mong wala kang sakit. Ikaw na ang nagsabi, wala ka nang ibang pamilya. Kaya kung maaari, alagaan mo s'ya huwag mong tatalikuran kung ayaw mong tuluyang mawala.'

Tama. Pagsasabihan na naman s'ya ng doktor n'ya-Tama. Tama... Yung gamot n'ya.

Agad n'yang nilapitan ang kan'yang polo at nanginginig ang mga palad na hinanap ang bulsa nito. Nasa kanang dibdib ang lokasyon ng bulsa nito, sigurado s'ya. Taranta at naging mabilis ang kilos ng kan'yang palad sa pag-hahanap, di alintana kung mababasa ito o hindi. Nang makapa n'ya ang bagay na hinahanap ay nag-mamadali n'yang kinuha ang isang maliit na plastic bottle mula sa loob nito. Nag-lalaman iyon ng ilang pirasong maliliit na tabletas ng gamot. Gayunpaman bago pa man n'ya magawa ang nais ay tila biglang na lamang umalon ang kan'yang kamalayan. Maging ang kanyang paningin ay bahagyang nanlabo. Naging mabilis rin ang kan'yang pag-hinga animo'y hinihingal na s'ya sa bigat non kaya't rinig na rinig mismo iyon sa tahimik na lugar na iyon ang labas masok na hangin sa kan'yang dibdib kasabay ng mga hampas ng alon sa batuhan. Sinabayan pa iyon ng malakas na alon ng tubig na humampas sa kan'ya kung kaya't napakapit na lamang s'ya sa batuhan. Napakagat labi s'ya. Ni hindi n'ya mailusot ng maayos ang mga daliri sa bulsa marahil sa panginginig ng kan'yang palad dahil doon tuluyan na lamang n'yang nabitawan ang damit at nasuntok ang bato.

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon