CHAPTER 50

1.3K 28 11
                                    

Sinimulan ko nang alisin ang mga pinagkainan namin at isa isang inilagay sa lababo. Nakakainis lang dahil sa loob ng tatlong araw ako na ng ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay.

Ultimo paglilinis, paglalaba, pagluluto at paghuhugas ng plato akin parin (T_T) daig ko pa ang katulong huhu..

Ano bang aasahan ko sa mga kasama ko ngayon. Susme eh wala naman silang alam kundi lumamon at magkalat.

May babae nga akong kasama pero pusang gala naman hindi marunong magluto. Palibhasa anak mayaman ang lintek na Vannesa na yan tss

Alangan naman na si Ashley ang pagurin ko eh di nayare ako kay Yuan. Kaya no choice kundi ako ang katulong nilang LAHAT.

Pagkatapos ko sa kusina, ang living room naman ang sinimulan kong linisin. Sumulyap lang ako sa wall clock 9:15am na' kailangan matapos ko agad 'to dahil magluluto pa ako ng pananghalian, baka magutom ang mga BOSS ko masesante pa ako -_-

Kahit may Vacuum hindi ko naman ginagamit, hindi ako sanay at mas lalong wala akong tiwala na masasaid talaga lahat ng kalat.

" Putragis pati sa ilalim ng Couch may balat pa ng chips peste " mahinang sambit ko ng masilip ko ang ilalim ng upuan.

Hindi ko matanggal kaya inis kong binaligtad ang upuan at padabog na pinagkukuha ang mga balat ng ibat ibang klase ng chips. Pati sa gilid ng LED flatscreen TV may kalat din' may langgam pa dahil may naiwang chocolate

Inis kong ibinagsak ang hawak kong basang basahan at walis tambo sa sahig, nang mamataan ko hagdan na may mga laglag na pagkain sa bawat baitang.

Iiling iling kong dinampot ang walis tambo at kinuha ang dustpan, bumuga ako ng hangin at taas noo kong sinumulan muli maglinis

" Whooaaaaa kaya mo yan Cassey' kaya mo yan " pumikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili

Makalipas ang ilang oras pabagsak akong umupo sa upuan sa gilid ng lamesa. Idinukdok ko ang ulo sa ibabaw ng lamesa at sunod sunod na bumuntong hininga.

Pag-angat ko muli ng ulo dumako ang tingin ko sa wrist watch ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang 11:30pm na.

" Pakinengsheyt' dipa ako nakakapagluto " inis kong sambit at dali dali kong binuksan ang ref at kinuha na ang sangkap para sa lulutuin ko

Naghugas muna ako ng kamay bago ako nagsaing. Pagkatapos kong ilagay sa stove ang kalderong ubod ng laki tsaka ko naman isa isang hinugasan ang mga gulay at garne.

" Woi Cassey anong makakain, gutom na ako " pumasok si Wyne sa kusina at tiningnan ang ginagawa kong paghihiwa sa gulay " Bakit dika pa nakakapagluto "

Pagtingin ko sa kanya nakasimangot na sya at padabog pang naupo sa harap ko at nanghalumbaba pa talaga. Ang tibay ng mukha lintek sa kapal ah.!!

Inirapan ko sya at sinimulan ko na din ang pagluluto ng ulam.

" Magluto ka ng fried chicken, ham at hotdog ha " utos nya pero diko sya pinansin

Nakakainis talaga T_T bakit ba kasi ako lang ang naiwan kasama ng mga lintek na to. Sana nandito din si Athena para hindi lang ako ang nahihirapan ng ganito.

Mafia Prince Wife ( ON-GOING SLOW UPDATE )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora